Note: Promise totoo na 'to. pero warning. sobrang sabaw ng update na ito tapos puro drama lang hahaha :D paumanhin di ko na ata kaya dugtungan yung dapat na kwento nito eh. pero salamat padin kung babasahin mo ito.
Pag nagustuhan mo pa-star ka naman dyan. pag kinilig ka i-comment mo yan para di lumabas sa kung saan. pag gusto mong may ibang kiligin, share mo na rin. hehe. salamat :)
***
"Princess, can I kiss you?" Yuki asks her.
"Bakit ba lagi ka na lang nagpapaalam kung hahalikan mo ako?"
"Because I respect you. I don't want to do those things without your permission. So, I alway ask. Is it a bad thing?"
"Nung araw na sinagot kita nang 'YES' di ba't sinabi ko sayo na 'I'm yours and yours alone' and i already did gave you a permission to do those things you wanted to do with me. Sapat na ba ang sagot na ito para halikan mo na ako?" mahabang paliwanag niya sa nobyo na ngayon ay nawala na naman ang singkit nitong mata dahil sa sobrang pagngiti.
Isa iyon sa mga gustong makita ni Lewelyn mula sa binata dahil para itong isang anghel na makakaramdam ka ng kapayapaan kapag nakita nito ang kanyang ngiti.
"So can I kiss you then?" natatawang tanong ng binata dahil hindi nito alam kung paano nga ba hahalikan ang dalaga dahil sa nahihiya ito sa kanya.
"Ang kulit mo, myknight" sabi niya sa binata na ikinagulat ang susunod niyang ginawa.
Hinaltak niya ang batok ng binata upang maabot niya ang mga labi nito at iyon ay hinalikan. Hindi agad nakahuma ang binata kaya bumitiw ang dalaga sa pagkakapit sa kantang batok at pinutol ang halik.
Nalungkot ang dalaga "Hindi mo ba nagustuhan ang ginawa ko?" nakayuko nitong sabi.
Agad naman bumalik sa katinuan ang binata at nataranta sa sinabi ng nobya.
"Hindi, princes--"
"So ayaw mo sa halik ko?" hindi niya natapos ang sasabihin dahil singitan siya ng dalaga.
"No, princess. that's not what I meant. I liked your kiss, it's just that... nagulat ako kaya hindi ako nakatugon...hindi ko kasi akalain na gagawin mo 'yon. kaya hindi ko namalayan na natulala na pala ako" mahabang paliwanang ng binata sa nobya.
Hindi nagsalita ito bagkus ay nanatiling nakayuko.
Iniangat ni Yuki ang mukha ng dalaga at mataman itong tinitigan... dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa dalaga. Hinalikan siya nito sa noo..
"Sa noo mo lang pala ako iki-kiss--"
Hindi naituloy ang kanyang sasabihin dahil hinalikan nito ang tungki ng kanyang ilong na nakapagpapikit sa kanya. hanggang sa naramdaman niya ang mainit na paglapat ng mga labi nito sa kanya.
Hindi niya matukoy ngunit kakaiba ang halik na iyon sa mga natanggap niya mula sa nakaraan. Iba ang hatid niyon sa kanya. parang humaplos na abot hanggang puso ang halik ni Yuki.
May pag-iingat. May pagmamahal. Masuyo niya itong tinugunan. Naguumapaw ang sayang nararamdaman sa kanyang dibdib at sa bawat pagdampi ng kanilang mga labi ay ramdam niya ang lakas ng tibok ng puso niya.
"I love you, princess" narinig niyang sabi ng nobyo na hindi niya namalayan na natigil na paghalik sa kaniya.
Ramdam pa din kasi niya ang init ng mga labi ni Yuki sa kanya. Ramdam pa niya kung paano siya nito ginawaran nang masuyong halik. Hindi agad siya nakahuma.
"Hey, princess... nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" napukaw lamang ang atensyon niya dahil sa pagsasalita ng binata.
"Ay, huh? Anong sabi mo?" Ang halik pala na naramdaman niya kanina ay pawang imahinayon lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/86622063-288-k859876.jpg)
BINABASA MO ANG
Princess Lewelyn
Short StoryOnce upon a time, there was a beautiful damsel in distress. She wasn't waiting for her prince to save her but rather it is the one who left her. Cruel isn't it? Well, life sucks so what do you expect? Not everything will stay in your life, sometime...