Prologue

14.2K 251 0
                                    


(Your Past ,My Present and Our  Future)

*Liam Samaniego POV *

It's been a year that I'm living in hell without her . I tried to accept the fact that I'm all alone for the rest of my life.
Wala akong inatupag kundi trabaho lang , di ko na nga maalala na umuwi ako ng bahay namin.

Kung uuwi naman ako maalala ko lang yung magagandang memories ko sa bahay na yun noong kasama ko pa siya. Di ko naman gustong kalimutan yung memories namin pero di ko lang talaga maiwasan na masaktan ng labis.

Gusto ko na siyang makasama pero paano kung hindi ko naman alam kong nasaan siya.
Di ko naman nakakaligtaang bisitahin ang puntod ng baby namin, minsan nga naisipan ko pang matulog dun sa lapida ng anak ko , para maibsan man lang yung lungkot na nararamdaman ko.

Galit na galit ang mga magulang ko sa nangyari , di ko na nga sila nakikita. Naiintindihan ko naman sila , kaya nga wala akong karamay sa paghihinagpis ko.

Miss na miss ko na siya , :( yung mga ngiti niya at tawa. Kung paano niya ako alagaan at ipagluto ng pagkaing gustong gusto ko.

Hindi talaga ako tumingin sa ibang babae kahit minsan inaakit pa nila ako.
Di ko gustong lokohin ang asawa ko , siya lang talaga at wala ng iba.

Matapos kong magtiis ng 7 buwan na di siya puntahan sa Quezon ay nakatanggap ako ng balita , nawawala raw si Kate. Dali-dali akong pumunta sa Quezon at kinausap ang mga magulang niya.

Nagulat lang sila ng makitang walang laman ang cabinet ni Kate at di na rin makita si Kate sa bahay nila. Para akong mababaliw :( di ko alam kung paano ko hahanapin si Kate.

Agad kong tinawagan si Albert kung nagpunta ba si Kate sa kanya pero wala raw.
Ilang araw na ring hinanap si Kate hanggang umabot sa ilang linggo, buwan at naging isang taon.

Sabi ni Nanay ay okay na raw si Kate , nakakausap na raw ito ng matino.
Noong magdadalawang buwan pa lang siya sa kanila ay pinuntahan ko siya, ang saya-saya ko ng makita ko si Kate  pero nagulat ako sa reaksyon niya.
Takot na takot ito at nagwawala .. sumisigaw pa siya na ilayo raw siya sa demonyo.
Alam ko na ako ang tinutukoy niya , ang sakit pero tanggap ko ang galit niya.

Simula noon ay di na ko nagtangka na bisitahin siya. Nagpapadala lang ako ng pera at doktor para tingnan siya. Lagi rin akong tumatawag kay Nanay at Tatay para kamustahin ang kalagayan niya.

Napatawad na raw ako nila Nanay at Tatay , nagpapasalamat ako para dun.
Pinahanap ko narin si Kate sa mga private investigator pero wala parin. They also check abroad pero wala.

Walang Kate Perez Samaniego ang umalis papunta sa ibang bansa.
Pero hindi ako titigil na hanapin siya kahit maubos pa ang lahat ng pera ko sa kahahanap sa kanya.

*********

Next is Kate's POV..
Excited ba kayo readers ? :)
ako rin haha :D
©KimFabulous18

Tears Of A Multi-Millionaires Wife (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon