Isang taon na rin ng ako'y umalis at pinipilit na kalimutan ang mapait ko na nakaraan.
Sariwa parin sakin ang lahat , pinipilit kung binabaon sa limot pero dinadalaw parin ako ng bangungot.
Tahimik akong namumuhay sa isang probinsiya , panatag naman ang aking loob na manirahan dito dahil kasama ko ang aking matalik na kaibigan si Marianne.
Alam ko rin na panatag ang loob ng aking magulang dahil alam nila kung nasaan ako. Hiniling ko sa kanila na gusto ko munang lumayo sa asawa ko at sa mga alaala niya pero di nila talaga alam ang totoo kong dahilan.Ako na ngayon si Alliyah Perez , wala na si Kate dahil pinatay na nila ang babaeng mabait at mahina. Nagbago na ko para narin sa sarili ko , sawang sawa na akong maging mahina nalang palagi at laging nakadepende sa ibang tao.
Kilala ako dito samin bilang isang matapang na kapitana. :) Oo isa na akong kapitan dito sa baryo Maliwanagan sa probinsya ng Mindoro.
Di ko nga inakala ng dahil lang sa pagtatanggol ko sa isang ginang na binubogbog ng asawa niya ay magiging isa akong kapitan. HAHA kaloka nga yun eh. Isang siga kasi ang lalaki at kapitan pa dito sa baryo kaya walang nagtangkang suwayin siya sa pambobogbog niya sa kanyang asawa sa publiko, kaya ayun ako mismo ang umawat at dahil narin sa marami akong alam na batas na natutunan ko kay Liam.Liam dream to be a lawyer but his parents want him to be a business man dahil sa masunuring anak kaya di na siya nag tuloy mag-aral ng law. Napasibak ang dating kapitan at dahil wala ng uupo bilang kapitan inimungkahi ng mga taga-baryo na ako nalang dahil matapang raw akong babae at may malasakit sa kapwa. The rest is history :P
Marami rin akong manliligaw pero di ako magpapaloko, tama na yung masasakit nakaranasan na sinapit ko.Tahimik naman ang buhay ko rito , nagpatayo ako ng sarili kong grocery store para naman magkakapera ako. Di ko na ginagalaw yung account ko na pera ni Liam.
Gusto kong maghigante kay Stacy at Liam! di sapat ang sorry para patawarin ko sila!
Namatay ang anak ko dahil sa kagagawan nila , naging mahain yung baby ko dahil sa sama ng loob na binibigay ni Liam nung nagbubuntis pa ako.Di ko pa alam kung papaano ako maghihiganti pero isa lang ang nasisigurado ko , wala na tong atrasan.
I will get my sweet revenge!
Uunahin ko muna ang haliparot na Stacy na yun.Alam ko kung saan siya nagtatago :P kung ako sa kanya magdasal na siya dahil di ako titigil na pahirapan siya hanggang sa luluhod siya mismo sa harapan ko at hahalikan ang mga paa ko para patawarin siya!
Nagulat ako ng bigla akong hinila ng bruha kong kaibigan si Marianne. Since high school kaibigan ko na siya nagkalayo lang kami ng landas at nawalan ng kommunikasyon ng umalis ito at nanirahan dito sa Mindoro. Mabuti nalang at nahanap ko ka-agad siya at naiintindihan niya naman ako sa mga gusto kong mangyari.
Hinila niya ako palabas ng tindahan ko at kinaladkad sa gilid ng kalsada.Ako: Ano ba ang problema mo?
Marianne: Alli bilhin natin yung lupa sa tapat on-sale na eh :)
Ako:yun lang pala , aanhin ko yung lupa Mars?
Marianne:hmm basta bilhin natin Alli , gwapo kasi yung may ari baka mapansin ako :)
Ako: landi mo Mars :) haha pag-iisipan ko pa
Marianne: Nga pala kailangan mong lumuwas ng maynila kasi may conference ang lahat ng kapitan. You have no choice Alli. This coming friday na ang conference. wag mong kalimutan.
Oo nga pala kailangan kong lumuwas. Ayoko sana pero kailangan .. gusto ko na sanang tumigil na pero napamahal na sakin ang mga taga-baryo.Sana lang talaga di kami magkita sa Maynila. Wag naman sana akong paglaruan ng tadhana
******
•kimfab18
BINABASA MO ANG
Tears Of A Multi-Millionaires Wife (Book 2)
General FictionLiam Samaniego is desperate to find his wife. After a year of searching he finally found her. But the problem is she no longer recognize him.