*Liam POV*Kagagaling ko lang sa isang meeting ng makatanggap ako ng text galing sa agency na naghahanap kay Kate.
May balita narin sila sa wakas.
Agad kong pina-cancel ang lahat ng meetings ko at appointment , mas importante ang balita tungkol kay Kate.Nagkaroon ako tuloy ng pag-asa baka makita ko na siya.
Pinuntahan ko agad ang agency , ilang minuto ay kaharap ko na ang investigator.Nakita raw ng source niya si Kate galing sa isang conference , pinakita pa niya sakin ang mga larawang kuha ng source niya.
Si Kate nga ang babae walang duda roon. Mas umikli nga lang ang buhok nito na mas lalong tumingkad ang ganda nito.
I really miss this woman!Napag-alaman nila na Alliyah Perez ang pangalan na dinadala ni Kate , nagtaka pa nga ako roon . Nasa isang baryo sa Mindoro pala nakatira ang asawa ko.
Nagpasalamat naman ako sa investigador at dali-daling lumabas sa building na iyon habang tinatawagan ko ang sekretarya ko.Liam: Hello Emily? May gusto akong ipagawa sayo. Kailangan makahanap ka ng resthouse o kahit anong property na pwedeng bilhin sa Maliwanagan Mindoro as soon as possible!
Paki-check na rin kung anong exact address ni Alliyah Perez.
I need the info this afternoon!Agad kong ini-off ang cellphone ko at nagdrive pauwi ng bahay. Kailangan ko mag-ready para sa byahe ko patungong Mindoro.
Gagawin ko ang lahat para lang bumalik si Kate sa piling ko. Kahit saktan pa niya ako tatanggapin ko yun para lang maibsan man ang galit na nararamdaman niya sa akin. Willing akong maghintay kung kailan niya ako kayang patawarin.*********
*Alliyah's (Kate) POV*
Sa wakas naka-uwi narin :) kagagaling ko lang ng maynila just to attend that conference. Natatawa pa nga ako sa ilang Kapitan na nandoon , they had no idea raw na babae ang papalit sa pwesto ng kapitan na nasibak at bata pa raw.
Nag-enjoy naman ako at may babae rin naman sa conference na tulad ko ang tungkulin. Nakagaanan ko ng loob si Aling Nelda ng Marusagan Tarlac. Naalala ko sa kanya ang mama ni Liam , napakabait kasi nito at malambing kausap.Sumaglit rin ako sa mga magulang ko at tuwang tuwa naman sila. Binalita rin nila sakin na sige parin sa paghahanap sakin si Liam. Hindi ba raw ako nakokonsensya na tinataguan ko ang asawa ko , napaisip tuloy ako pero may dahilan naman ako kung bakit ginagawa ko ito.
Binisita ko ang tindahan ko naku! baka ubos na lahat ng paninda ko kay Marrianne ang takaw pa naman nun. Haha jowk lang ! :)
Napahinto ako ng mapansin kong may nakatayo na palang bahay sa katapat ng grocery store ko. Parang malaki yung bahay o baka mansion , hayy nabili na pala balak ko pa namang bilhin para patayuan ko ng bahay para naman malapit lang ako sa tindahan ko.
Agad naman akong pumasok sa loob at maraming tao ang bumili , ang ilan sa kanila ay binati ako. Hinanap ko si Marriane at nakita ko siyang kumakain na naman.
Tinapik ko siya ng mahina ng umubo ito :p patay! haha"ahmm, ginulat mo naman ako Alli kita mo namang kumakain ako eh" maktol nito na kumakain parin.
"Takaw mo talaga Mars :p siya nga pala nabili na pala yung lote sa tapat natin nuh?" sabi ko at umupo sa tabi nito.
"Ay.. oo Alli at nakita ko yung may-ari makalaglag panty yung itshura haha" excited na sabi nito.
"Talaga lang huh? exag ka naman. Bakit panget ba?"
"Anong panget ang gwapo gwapo pa nga eh at nakausap ko pa nga."
"Ano naman ang sinabi?" tanong ko , napakadaldal talaga ng babaeng to.
"Rest house raw ang ilalagay niya diyan naghahanap raw ng mapapangasawa kaya mag-aaply ako Alli :D" dreamy eyes yung bestfriend.
I ba talaga itong mangarap haha love ko siya kaya i will support her no matter what!
"HAHA :D gudluck sa audition mo Mars." sabi ko nalang.
Almost for two months den bago natapos yung rest house sa tapat namin , na curious tuloy ako kung sino ang may-ari. Halata naman na mayaman yung nakabili ng lupa ni Mr. Santos na ako sana ang nakabili.
Malaking poster ang inilagay sa gate nito na " Private Property " para naman may papasok rito Tsk! nayabangan na ko sa may ari ng bahay. Sa sabado raw dadating yung may-ari at imbitado kami ni Marriane sa gaganaping salo-salo sa bagong bahay nito. Medyo kinabahan ako kasi galing maynila raw ang may ari baka kakilala ni Liam . Paranoid na naman ako.. ewan ko ba pero i have this feeling na may mangyayari na di ko magugustuhan. Lord pls. calm my heart para kasi akong mahi-highblood eh :)
****"
Gosh! Magiging exciting lalo ang susunod na chapters :)
©kimfabulous18
BINABASA MO ANG
Tears Of A Multi-Millionaires Wife (Book 2)
General FictionLiam Samaniego is desperate to find his wife. After a year of searching he finally found her. But the problem is she no longer recognize him.