Si Anita at Roger

546 12 0
                                    

Nagsimula ang lahat matapos ikasal si Anita kay Roger noong Mayo 23, 1987. Silang dalawa ay nangako na titira ng bukod mula sa kanilang pinanggalingan doon sa Angono, Rizal.

Nakabili ng murang bahay si Roger sa Bocaue, Bulacan at doon ay halos mamatay sa tuwa si Anita ng ibalita ng kanyang asawa na meron na sila bagong tutuluyan. Hindi mapakali si Anita sa pag ligpit ng gamit dahil dalawang linggo na lang at aalis na sila sa biyenan niya na ramdam niyang hindi siya gusto ng kanyang biyenang babae.

Mabait si Anita, halos lahat ng kapitbahay ay kasundo niya kahit sa kabilang barangay kung saan siya lumaki at nag kaisip. Kahit ang mga matatanda, walang masabi sa ugali niya, kaya nga mahal na mahal siya ni Roger. Siya ay nagtratrabaho sa Quezon city, medyo may pagkamalayo sa Rizal pero nakasanayan narin ang bumiyahe araw araw papasok. Ganoon din si Roger.

Dumating ang ikalawang linggo mula ng ibalita ni Roger ang tungkol sa kanilang bagong bahay. Nagsisimula na silang mag hakot ng gamit mula sa bahay ng nanay ni Roger. Dahan dahan nilang pinapasok sa inarkilang truck ang mga lamesa, upuan at iba pang gamit bahay na pag aari nila. Hindi man matanggap ng nanay ni Roger na lilisan siya sapagkat siya ang paboritong anak ni Aling Remedios, wala na rin siyang magawa kung hindi ang magtiis sa loob ng bahay at ipagpalagay hindi magtatagal ang kanyang anak sa labas na parang bata lang na maglalaro at uuwi pagkatapos.

Nang makita sa salas ang nanay ni Roger na nakatulala. Niyakap niya ito at sabi "bibisita ako sayo nay, wag kang magalala". Tumingin lang si Aling Remedios at ngumiti. Pero nagimbita rin si Roger na pumunta sa bagong bahay nila sa araw ng basbas.

Maghahapon na ng umalis ang kanilang truck at nakatingin sa malayo si Roger na tila naghahanda bilang padre de pamilya. Habang nasa kasagsagan ng biyahe patungong bulacan, sinorpresa ni Anita si Roger na siya ay nagdadalang tao.

Napaiyak na lang si Roger at doon ay niyakap niya si Anita.

"Matutupad na ang pangarap ko! Isa na akong Ama! Yes!", Ika ni Roger.

Alas siyete na ng gabi ng makarating sila sa kanilang paroroonan. Laking gulat ni Anita na sobrang laki ng bahay para sa kanilang dalawang mag asawa. Ang iniisip lamang niya ay isang bahay na maliit at mula sa mga bagong tayo. Tutal, surpresa naman, hindi na siya nag alinlangan pa.

Ang Nawawalang CabinetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon