Masamang Pangitain

265 5 0
                                    

Matapos mangyari ang nakakakilabot na karanasan ni Fermin sa kusina, hindi na ito kaagad makausap ni Aling Trining at ni Anita. Agad siyang tinanong ni Anita kung ano nga ba talaga ang nakita ni Fermin sa kusina at bigla na lang itong natakot ng ganito.

Sa halos di makapagsalita si Fermin, iginuhit nalamang neto sa papel ang kanyang nakita. Kinilabutan si Anita at Aling Trining ng makita nila na putol na kamay ang iginuguhit ni Fermin. Halos hindi makapaniwala si Aling Trining sa nakita dahil animoy parang ginahasa sa takot ang itsura ni Fermin.

"Anak, pinabendisyunan niyo na ba sa pari ang bahay niyo?", tanong ni Aling Trining.

"Ma, usapan namin ni Roger, sa susunod na bwan pa namin ipapabendisyunan ang bahay, alam niyo naman ma, kailangan pa namin magipon.", sagot ni Anita.

"Hindi niyo kailangan ng magarbong salo salo, ang mahalaga, mapaalis niyo sa bahay na ito ang masamang espiritu o kung anomang elemento ang nakatira dito, kahit ikaw ba wala ka bang nararandamang kakaiba? Hindi ko rin alam na may third eye pala si Fermin, pero kahit ako, nakakaramdam din ako na hindi lang kayong dalawa ang nakatira dito ni Roger. May iba kayong kasama na alagad ng demonyo. Sa pagkakataon na ganyan, manganganib ang buhay niyo at ng apo ko.", sabi ni Aling Trining.

Pinag isipang mabuti ni Anita ang lahat ng sinabi ng kanyang ina. Umakyat si Roger at nagtaka kung ano ang nangyari kay Fermin.

"May problema ba?", tanong ni Roger sa mag-ina.

"Rog, may gusto akong sabihin sayo, tutal nakikita mo na rin namang nagkakaganyan si Fermin. May masamang nilalang dito sa bahay na ito! Hindi lang tayo ang nandito, may iba pa na hindi natin nakikita!", sagot ni Anita.

Habang sinasabi ni Anita ang gustong sabihin niya kay Roger, ng biglang:

" Mga Hayop!!!", sigaw ng boses mula sa baba.

"Ano yun?!", sigaw ni Aling Trining.

Kinilabutan sa takot si Anita at Aling Trining na tila galit na galit na boses ang kanilang narinig habang si Fermin ay tahimik at nakatulala pa rin. Agad na bumaba si Roger para silipin kung sino ang taong sumigaw. Bumalik siya sa taas at wala siyang nakitang ibang tao sa baba.

Kinabukasan, umuwi si Aling Trining dala ang pinsan niyang si Fermin, medyo tahimik pa rin si Fermin pero hindi na katulad ng gabi ng nangyari ang masamang pangitain. Nakakausap pa rin naman siya kahit papano pag mayroong tanong. Samantalang ang asawa ni Anita ay hindi muna pumasok sa pag aalala nito sa kanyang asawa na baka kung ano ang mangyari.

Habang nagtatanghalian ang mag asawa, kwinento ni Anita ang buong pangyayari habang nandoon siya sa binyag ng kanyang kumpare. Hindi na rin mapakali sa takot si Roger dahil gustuhin man nilang umalis sa kanilang tinitirhan, wala na siyang magagawa at wala na rin silang malilipatan dahil bayad na ang bahay at halos kalahati ng kanilang presyo ng bahay ay galing sa kanilang ipon at ang iba ay regalo.

Napagpasyahan ni Roger na pumunta sa kanyang ina at magtanong dahil noon pa man ay may kakilala itong esperitista. Umalis sila pagkatapos ng tanghalian patungo sa Angono, doon ay nakausap niya ang kanyang nanay at napag alaman na ang kanyang hinahanap na esperitista ay matagal ng sumakabilang buhay, ngunit hindi doon nagtatapos ang paghahanap ng tulong. Isang paranormal expert ang nakausap nila mula sa kakilala ng kapitbahay nila ang nagsabi kung saan matatagpuan ang kanyang bahay at paano makakausap. Ibinigay ang numero ng telepono sa mag asawa at nagpasyang bumalik sa Bulacan bago matapos ang araw.

Ang Nawawalang CabinetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon