Napag desisyunan nilang mag asawa na dun muna mamalagi ng isang araw si Anita sa nanay niya dahil pupunta si Roger at Isagani sa dating may-ari ng bahay.
Ng makarating sa Angono, agad na umalis kaagad si Roger para magkita. ni Isagani. Noong magkasama na sa kotse si Roger at Isagani, itinuro nito ang bahay kung saan nakatira ang dating may-ari.
"Ah etong bloke na to ang bahay niya.", sagot ni Roger.
Pagbaba ng kotse, isang malaking berde na gate ang nasa harap nila. Pinindot ni Roger ang doorbell at isang kasambahay ang nagbukas.
"Sino sila?", tanong ng kasambahay.
"Ako pala si Roger, nandyan po ba si Mrs. Mel Dela Cruz?", sagot ni Roger.
"Ano pong sadya nila kay Ma'am?"
"Ako yung nakabili ng bahay niya sa Bocaue, Bulacan. Gusto ko lang po siyang makausap, may mga tatanong lang po."
"Ah sige pasok kayo. Upo muna kayo dito sa terace. Sabihan ko na lang po muna siya."
Pumasok si Roger at Isagani sa bahay ni Mrs. Dela Cruz at umupo sa isang di kalakihang upuan sa may terace. Pumasok sa loob ang kasambahay at tinawag si Mrs. Dela Cruz. Pagkalabas niya ay binati niya kagad si Roger ng makita niya ito.
"Oh! Roger, kamusta? Anong sadya natin? May problema ba?", sagot ni Mrs. Dela Cruz.
"Ayos naman po Misis. Pero may mga konting katanungan pala ako, di naman ako magtatagal. Siya nga pala, kasama ko si Isagani, kaibigan ko.", sabi ni Roger.
"Ano yung gusto mong malaman? Teka, likayo dito sa salas. Medyo malamok dito sa labas", pagyayaya ni Mrs. Dela Cruz.
Pumasok silang tatlo at doon ay nagusap.
"May gusto lang po sana akong tanungin. Kasi alam kong hindi niyo naman mapagkakait saken kung ano ba yung history ng bahay. Kasi, aaminin ko sa inyo, may mga kakaiba kaming nararamdaman na hindi mapaliwanag. Meron kasi akong napaginipan na isang matandang babae at parang may dalang cabinet na maliit. Medyo weird nga misis pero sabi ng asawa ko, ganun din nararamdaman niya, parang may kakaiba at napatunayan ko yun noong nandon ang biyenan ko. At isang taong grasa ang dumadaan sa tapat ng bahay pag gabi, may sinasabi siyang madame madame. May kilala ba kayong madame na dating tumira sa bahay namin?", kwento ni Roger.
"Aaminin ko sayo Roger, marami ng tumira sa dating bahay na yun pero walang nagtatagal. Noong pinaayos namin ang halos ibang parte ng bahay. Nagpagpasyahan naming magasawa na ibenta na lang kasi sawa na rin kaming ipaupa sa iba. Pareparehas ang kwento. Kaya napag isipan namin na ibenta pati ang lupa, para bahala na ang bagong may-ari kung ano ang gusto nilang gawin sa sa bahay na yan", sagot ni Mrs. Dela Cruz.
"Pero, kung tungkol sa madame na sinasabi mo, ang alam ko lang ay ang tungkol sa tiyahin ko. Bago siya mamatay, inabisuhan na niya ang nanay ko na kung sakaling mamatay man siya ililipat niya to sa pangalan ng nanay ko.", dadag ni Mrs. Dela Cruz.
At nagkwento pa siya...
"Ang tita ko kasi ang panganay sa lahat ng magkakapatid. Bale apat sila at bunso ang nanay ko, matagal bago naging anak ang nanay ko. Mga tiyuhin ko maagang namatay. Doktora ang propesyon ng tiyahin ko, samantalang nanay ko ay abugada. Hindi nakapag asawa si Tita Rosal, pero meron siyang ampon na babae. Nakakalaro ko yun noon pag nabisita pa kami doon. Pangalan niya si Carmen. Kakaiba yun si Carmen, sobrang hinhin at mahilig pumunta sa bakuran. Pero netong bago pumanaw ang tiyahin ko, nabalitaan ko nagkaroon siya ng nobyo, yung dating nagbabantay ng bukirin doon malapit sa bahay niya, Pablo ang pangalan. Siyempre nagtaka din ako, kasi may edad na tiyahin ko tapos nakuha pang mag ka nobyo. Tumira na itong lalaki doon sa bahay ng tiyahin ko. Medyo bata pa yung lalaki, kaya lang sugarol at mahilig maginom, palibhasa nagagatasan niya yung tyahin ko. Kumbaga, maraming pera.
Araw araw lasing, kaya yung si Carmen, napagsamantalahan. Hindi nagkwento si Carmen kasi natakot na pagnagsumbong siya, papatayin ni Pablo lahat ng nakatira dun sa bahay. Yung hardinero ng tita ko, si Mang Leonard, yun ang saksi sa kalokohan ni Pablo.
Isang madaling araw, galing sa maynila ang tita ko, paguwi ng bahay, naabutan ng tita ko na ginagahasa ni Pablo ang anak anakan niya. Sa galit niya at daming iniisip, nahampas niya ng dalang maliit na cabinet yung si Pablo. Dun nagsimula yung krimen, ang natatandaan ko sa kwento ng nanay ko, namatay sa salas ang tita ko at ang bata na chop chop. Nakita ni Mang Leonard lahat ng pangyayari at binantaan siya neto. Hanggang sa natakot na at parang nabaliw na dahil sa nangyari.
Yung si Carmen, ang nakita lang sa kanya isang kamay, katawan at dalawang paa. Nawawala ang ibang parte lalo na yung ulo. Nawala na lang ng parang bula etong si Pablo at pinaghahahanap siya ng alagad ng batas. Pero hindi narin daw siya nakita.
Mga isang araw matapos ang krimen, doon binalita sa nanay ko ang nangyari. Dun muna kami nagtigil hanggang sa napasa amin na ang bahay ng legal at nasa proseso. Hindi naman kami dun tumira, pinaalagaan na lang namin sa caretaker namin. Kasi may bahay naman kami dito sa Quezon City. Nung wala na ang nanay ko, dun ko na sinimulan na ipaayos at paupahan eto. Kaso walang tumatagal. Kaya nung naisipan na naming ibenta ng asawa ko, ikaw ang nakabili."
Parang natulala na lang si Roger sa lahat ng kwento ni Mrs. Dela Cruz.
"Maige pa siguro Roger, ipabendisyunan mo ulit ang bahay.", sagot ni Isagani.
Napaisip na lang ulit si Roger at doon ay nasabi niya sa sarili niya na kung yun ang makakapag patahimik sa kanila, gagawin na lang niya. Basta ang importante para sa kanya, ay nalaman na niya ang tungkol sa dating nakatira doon.
"Tingin ko, kailangan ko ng umalis misis, salamat po sa konting oras at pasensya na rin po sa abala. Mauna na po kami.", sagot ni Roger.
"Sige iho, nga pala, ang cabinet sa bahay. sunugin mo, sa tingin ko, yun ang makakapag patigil sa malikot na kaluluwa ng tita ko at ni Carmen.", sabi ni Mrs. Dela Cruz.
"Sige po, maraming salamat po.", tugon ni Roger.
Umalis na ang dalawa at nagtungo pabalik sa Angono. Sinundo si Anita at dumerecho kaagad sa Bulacan. Habang nasa biyahe, nagusap ang tatlo at doon nalaman ni Anita ang tungkol kay Madame Rosal. Ang tanging naisip lamang ni Roger ay sirain ang cabinet kung saan man ito nakalagay sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Ang Nawawalang Cabinet
ParanormalKwento ng mag-asawa at tungkol sa maliit cabinet. Ano nga ba ang hiwagang nababalot dito? Bakit mahalaga ang cabinet sa storya na ito.