Habang nasa sasakyan, nagpasya ang tatlo na magtungo kaagad sa simbahan ng San Martin sa Bocaue, Bulacan upang pakiusapan ang pari na tulungan sila upang mabasbasan muli ang bahay nila. Sa tulong ni Father Santos, agad nila itong nakumbinse at sumama na pabalik sa bahay nila Anita.
Pagpasok sa loob ng bahay, agad na nag bukas ng ilaw si Anita at doon na sila nagsimula sa dasal kasama ang pari habang nakaalalay si Roger at Isagani. Agad na naisip ni Roger ang maliit na cabinet.
"Ang cabinet!", sabi ni Roger.
Pag akyat niya sa isang kwarto ay wala doon ang cabinet. Tinanong niya si Anita kung saan niya huling nakita ang maliit na cabinet.
"Mahal! nasaan yung cabinet?"
"Ang alam ko nasa may kabilang kwarto lang. Dun ko yun huling nakita."
"Naku wala dun! kailangan matapos na to para hindi na tayo gambalain pa.", takot na sagot ni Roger.
Tinutuloy ng pari ang kanyang dasal at si Isagani naman ay nagmistulang sakristan na nakasunod sa pari.
Maya maya ay may kumalabog sa kwarto kung saan naroon ang kabinet. Nagkatinginan silang apat at napatigil ang pagbabasbas. Umakyat si Roger para alamin kung ano ang dahilan ng pagkalabog sa itaas. Pag akyat ni Roger, naka lock ang pinto ng kwarto. Hindi naman niya ito nilock pag labas at nakabukas to pag baba niya.
"Mahal! ang susi! dali!", sigaw ni Roger.
Nagmadaling naghagilap ng susi si Anita sa may aparador malapit sa salas. Nataranta siya at nababalisa.
"Saan ba yun!!!", galit na tanong ni Anita habang naghahanap ng susi.
Mula sa kusina may biglang sumitsit.
"psssst"
"pssst"
"pssst"
Nanginig sa takot si Anita at hindi nanaman ito makagalaw.
"Father.....", nanginginig na sagot ni Anita.
"Anita, ano yun?"
"Father, may tao...."
Lumapit si Isagani. Sa isang sulok, kung saan madilim, isang namumula at nanlilisik na mata ang lumitaw. Nanlaki ang mata ng pari at ni Isagani na sa unang pagkakataon, ngayon lang sila nakakita ng ganoong klaseng elemento. Tila, hindi na nakagalaw ang pari sa nakikita niya lalo na si Isagani. Nakapikit lang si Anita ng biglang:
"Roger!!!!!!!!!!!!!!!", sigaw ni Anita.
Agad na bumaba si Roger at ng makita ang nakikita nilang lahat, nanginig ito sa takot. Lumapit si Roger kay Anita at niyakap niya ito. Matapang na tinanong ni Isagani ang isang elemento.
"Sino ka?! Ano ang kailangan mo!", tanong ni Isagani.
Hindi ito sumagot at biglang naglaho na lang na parang bula. Sa takot nilang lima, nagusap usap sila sa salas. Hindi na nakapag salita masyado si Anita dahil medyo makirot na rin ang tyan neto.
"Father, ano bang pwede naming gawin, ayokong iwanan ang bahay.", sabi ni Roger.
"Sa palagay ko, kailangan lumakas pa lalo ang pananampalataya ninyo at tulungan niyo akong paalisin ang masamang espiritu na yan.", sagot ng pari.
"Ako, sa totoo lang, ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa tanang buhay ko. Nagpaparamdam, oo, nakakaramdam ako, pero Roger, kakaiba to. Ang cabinet, nahanap mo ba dun sa itaas?", sabi ni Isagani.
"Pare, wala sa taas! Hindi ko alam kung saan ko makikita yun, kailangan kong masira yun sa lalong madaling panahon."
"Kung ganun, ano pang hinihintay mo, hanapin mo na"
BINABASA MO ANG
Ang Nawawalang Cabinet
ParanormalKwento ng mag-asawa at tungkol sa maliit cabinet. Ano nga ba ang hiwagang nababalot dito? Bakit mahalaga ang cabinet sa storya na ito.