Mga Sabi-sabi

291 3 0
                                    

Pag gising ni Anita, nakauwi na si Roger.

Tumabi si Roger kay Anita sa kama at kinamusta siya habang wala siya. Hindi na lang binanggit ni Anita ang nangyari kanina sa kusina dahil alam niyang hindi naman maniniwala sa kanya si Roger.

Niyaya siya ni Roger na bumaba at naghanda siya ng dala niya natirang handaan sa binyag.

"Pinadala na sa akin ni kumpadre eh, baka masayang daw. pero alam mo enggrande ang binyag ng anak niya. Unang anak nila yun, para sa atin. Kaso mas pipiliin ko na lang na bahay para sa atin kesa sa enggrandeng handaan", kwento ni Roger kay Anita.

" Eh kung yun ang gusto ng mag asawa, bakit hindi, malay mo may nagregalo na pala sa kanila ng bahay kaya sa handaan na lang nilalaan ang pera.", sagot ni Anita.

Tumango lang si Roger, inalalayan niya si Anita hanggang makababa sila.

"Oo nga pala, yung kapit bahay nating si Mang Rodel, sabi niya, meron daw nag aaway dito kanina. Ang lakas daw ng boses. Halos lumabas na daw siya sa kinauupuan niya nung marinig niya yun. Buti nga daw, yung mga ibang tsismosa sa kalapit natin, di daw nag labasan. Malamang niyan, tayo ang pag uusapan dito sa barangay", wika ni Roger.

Napaisip si Anita kung ikukwento ba niya ang nangyari kanina o hindi dahil iniisip niya, baka pagtawanan lang siya ng asawa niya.

"Baka dahil sa TV, kasi kanina, bago ako matulog, nanonood ako ng TV, ni hindi ko siguro napansin na malakas na ang volume ng TV natin." kwento ni Anita.

Tumingin lang si Roger, at pinaghain na si Anita at saka kumain silang dalawa. Mag alas nwebe na ng gabi, bumaba si Roger para mag pahangin, samantalang si Anita, ay nasa kwarto at nagbabasa ng komiks. Habang nasa balkonahe, dumeretso ito palabas ng gate, doon ay nagulat siya ng di niya mapansin ang isang taong grasa na dumaan sa harap ng bahay nila.

"si madame? madame? madame?", sabi ng taong grasa.

"Po? wala pong madame dito, bago na nakatira dito.", sagot ni Roger.

"Naku!!! Si madame talaga!!! Sana nahanap na niya yung cabinet. Ang tagal na niyang hinahanap yun!".

Biglang sumigaw ang isang tanod...

" Hoy!!!! lumayas ka dito!!! para kang aswang!".

Sabay takbo ng taong grasa.

"Sino ba yun?", tanong ni Roger sa tanod.

"Ah, lagi yun nadaan dyan sa harap ng bahay niyo, kung ano ano pinagsasasabi, mga cabinet cabinet. Kahit yung dating nakatira dyan, ganyan din sinasabi niyan. Ako pala si kap tonyo, kayo ba yung sabi nilang mag asawang bagong lipat?", sabi ni tonyo.

"Ah oo, kami nga. Medyo napapaisip ako dun sa sinasabi nung mama kanina.", ika ni Roger.

"Ah wag mo ng pansinin yun. Walang magawa sa buhay yan, sige mag tatanod muna ako, baka may mga sira ulo kasing pagala gala eh".

Umalis ang kapitan, at sumunod ang iba nyang kasamahan. Palaisipan kay Roger kung ano ang ibig sabihin ng kabinet na sinasabi ng taong grasa. Pero di na lang niya pinansin at saka pumasok sa loob ng bahay.

Ang Nawawalang CabinetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon