Bahay

309 8 0
                                    

Sa kanilang nilipatan, ito ay isang bahay na napakalaki. Mayroon itong dalawang kusina at isang garahe sa gilid. Kung susuriin ng mabuti, ang bahay talaga ay luma na at napakalaki.

"Parang nakakatakot naman ang bahay na to Rog, hindi ba tayo multuhin dito?", sabi ni Anita.

"Naniniwala ka pa rin ba sa mga multo, sabi ng mga taga rito, luma na yung bahay pero wala naman daw multo dito."

"Eh papano kung meron nga? pero sa bagay, andito naman tayo sa gabi at kahit may multo, di narin naman natin mapapansin yun dahil sa pagod from work". Sagot ni Anita.

Ang mga taga doon sa barangay, hindi sila nag kwento kay Roger na sa dami ng tumira sa lumang bahay ay hindi nagtatagal. Yun ang isang bagay na hindi alam ng mag asawa. May masamang ispirito man o wala, ang problema, bakit hindi nagtatagal ang mga dating tenant sa lumang bahay na yan.

Umabot ang dalawang bwan at ang nakasanayan na gawain ng mag asawa ay hindi nagbago maliban sa pagbubuntis ni Anita na isang linggo na lang ay magagamit na niya ang maternity leave niya. Isang dapit hapon ng sabado, walang pasok ang mag asawa. Umalis si Roger at nagpunta sa binyag ng kasamahan sa trabaho, nagpaiwan si Anita dahil nga gusto niyang sulitin ang araw ng pahinga at buntis pa siya.

Habang nanonood ng TV si Anita sa salas, nakarinig siya ng naguusap sa kabilang kusina. Akala niya nung una, sa TV lang nanggagaling ang boses, pero habang pinapahinaan niya ang TV, lalong lumalakas ang usapan ng sa kusina. Sa sobrang pagtataka at takot, baka mamaya ay pinasok na siya ng magnanakaw, pumunta siya sa kusina at sinilip kung may tao nga. Wala naman siyang nakitang tao. Kahit pusa nga wala rin doon sa kusina dahil maraming pusang gala ang pumunpunta sa mga bahay bahay.

Bumalik nanaman si Anita sa kanyang sofa at pinagpatuloy ang kanyang panonood.

"Siguro nga guni guni ko lang yun", Sabi ni Anita sa sarili niya.

Maya maya ay habang patuloy sa panonood. Nakarinig nanaman siya ng nag uusap, pero ngayon, nagbabangayan na.

"Ano ba yan!!! Sino ba yan!!!", sigaw ni Anita.

May sumagot mula sa kusina:

"Wag kang makialam! Umalis ka dito!"

Sa takot talaga, kumaripas siya ng akyat sa taas at nagtalukbong hanggang sa nakatulog.

Ang Nawawalang CabinetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon