Si Fermin

322 6 0
                                    

Pagkatapos ng isang linggo, kinabukasan, lunes, pagkagising ni Anita, agad itong bumaba sa salas at tumingin sa orasan. Alas sais na ng umaga at kailangan na niyang mag handa para sa pagpasok ng kanyang asawa.

Ito rin ang simula ng kanyang maternity leave at nabibilang niyang malapit lapit na rin siyang manganak. Hindi pa rin naaalis sa isipan ni Anita ang karanasan niya sa kusina, kaya pag siya ay bababa sa kusina, natatakot pa rin siya at bago man siya makarating ng kusina, agad niyang binubuksan lahat ng ilaw para maliwanag. Ngunit umaga na, nagluto siya ng almusal at nagtimpla ng kape. Maya maya ay bumaba na si Roger para maghanda sa kanyang pag pasok at hindi mahuli.

"Good morning Mahal!", bati ni Roger sa asawa niya.

"Magandang umaga din, kain ka na ng almusal mo, mag plantsa pa ako ng polo mo, nakalimutan ko palang plantsahin kagabi. pagod na kasi ako eh.", sagot ni Anita.

"Ayos lang yun, ano bang niluto mo? wow! sarap naman, longganisa na may sinangag.", masayang tugon ni Roger.

Umupo na si Roger at nag simula na itong kumain ng kanyang almusal, habang ginagawa ni Anita ang pag plantsa ng polo ni Roger, biglang may binanggit si Roger tungkol sa kanyang napaginipan kagabi.

"Alam mo ba mahal, hindi maganda panaginip ko.", sabi ni Roger.

"Bakit? ano bang meron sa panaginip mo?", sagot ni Anita.

"Doon daw sa panaginip ko, mayroon daw tayong kasamang matandang babae dito sa bahay, nakaupo lang siya sa salas, hindi daw gumagalaw, sa tabi niya, parang maliit na kabinet. Binuksan ko daw yung kabinet at pagtingin ko, mayroong ulo ng bata na nagsasalita. Sa takot ko daw, tumakbo daw ako palabas ng bahay, tapos naiwan daw kita sa kwarto, pilit mo daw gustong tumalon sa bintana dahil alam mong may babae doon sa ibaba natin. Pag talon mo daw, nasalo kita saka daw tayo nakaalis sa bahay na ito.", kwento ni Roger.

"Ah, hindi nga maganda, pero sabi nila, panaginip daw, kabaligtaran lang daw yun. Baka malay mo, dami mo lang iniisip, pero di rin natin masabi baka totoo nga, kasi kahit ako, may mga nararandaman din akong kakaiba dito sa bahay natin.", sagot ni Anita.

"Pakiramdam ko, yun yung sinasabing madame nung taong grasa na nakita ko noong isang linggo, pero bakit ganun, may ulo ng bata sa loob ng kabinet na maliit. Ano kayang ibig sabihin noon.", pagtataka ni Roger.

Mag alas otso na ng umaga, at paalis na si Roger patungo ng opisina.

"Oo nga pala, pupunta dito si mama, titignan tignan niya muna ako habang wala ka.", sabi ni Anita.

"Oh sige, mas okay yan para may mag babantay din sayo o mag asikaso. Hindi pa kasi ako nakakapag paalam para sa paternity leave ko eh. Basta kung may problema ka, tawagan mo lang ako, alam mo naman numero ng opisina ko, mamaya dadating na yung telepono na pinakabit ko.", tugon ni Roger.

Ngumiti at yumakap si Anita kay Roger saka umalis ng bahay si Roger sakay ng tricycle patungo sa terminal ng bus.

Alas dyes ng umaga, dumating si Aling trining, ang ina ni Anita kasama ang pinsan niyang si Fermin. Galing ito ng Rizal at may dala itong mga kakainin at prutas.

"Ma! buti na lang natumbok niyo tong bahay namin. Akala ko mali yung address na binigay ko sa inyo.", sabi ni Anita.

"Naku anak, muntik na kaming maligaw ng pinsan mo! siya nga pala, dinala ko rin pinsan mo, para siya yung makatulong sa atin sa pag aalaga sayo.", sagot ni Aling Trining.

"Halikayo, pasok kayo ma, kamusta Fermin?", tanong ni Anita sa pinsan niya.

"Eto ate, hindi na ako nakatapos, kailangan na kasi naming tumigil kasi wala na kaming pera pang aral. Wala naman akong magawa, baka sa susunod na taon, mag scholar ako, subukan ko lang.", sagot ni Fermin.

"Mabuti yan, mahirap na pag wala kang tinapos, sayang naman, marami naman dyang mga skwelahan na mura, yung kolehiyo na pampubliko. Yaan mo, tulungan kita, dumito ka na muna sa amin, pag nanganak ako, ikaw mag alaga sa anak namin tapos sa gawaing bahay, kukuha pa ako ng kasambahay para makapasok ka sa school habang natulong dito.", sabi ni Anita.

"Aba! Maganda yan ate! Salamat po, yaan mo, di ako magtatamad, gusto ko rin makatapos katulad mo eh, balita ko, magaling ka daw na accountant sabi ni Tita.", tugon ni Fermin.

"Sus! talaga to si inay, hindi naman, masipag lang talaga akong mag-aral.", sagot ni Anita.

Umakyat silang tatlo at tinuro ni Anita kung saan maglalagi ang mag tyahin na kwarto. Pumasok sila sa kabilang kwarto at dun nila inilagay ang gamit nila. Manghang mangha talaga si Fermin sa laki ng bahay nila ni Anita at Roger. Ang hindi alam ni Anita at ni Aling Trining, mayroong third eye si Fermin at hindi ito umiimik kapag may nakikitang nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Sa isang sulok na kwarto kung saan magtitigil si Fermin ay may isang maliit na kabinet na nakatago doon, lalapitan niya sana ito ng biglang yayain siyang bumaba ng mag ina para magluto ng kanilang tanghalian.

Doon ay nagkwentuhan silang mag anak, at nagsalo salo na rin sa kanilang tanghalian. Sumapit ang alas syete ng gabi, eksaktong dumating din si Roger. Agad itong nagmano ng makita si Aling Trining sa salas.

"Mano po ma, kamusta po?", tanong ni Roger.

"Ayos naman ako iho, si Anita nasa taas, mag aayos na kami ni Fermin para sa hapunan niyo. Siya nga pala, si Fermin.", pakilala ni Aling Trining kay Roger.

"Kamusta po kuya?", tanong ni Fermin.

"Eto pagod, si Anita ba nasa taas?"

"Opo, nagpapahinga po.", sagot ni Fermin.

Agad na umakyat si Roger at niyayang bumaba si Anita. Matapos ang hapunan, agad na naghugas ng pinggan si Fermin.

Habang siya ay naghuhugas, si Aling Trining ay nasa kwarto ni Anita at si Roger ay nasa labas para magpahangin. Sa isang sulok ng kusina, mayroon siyang nakita.

Isang kamay na putol at ito ay papunta sa kanyang kinatatayuan. Ang kamay mula sa isang pitong taong gulang na bata. Duguan at puro gasgas mula sa alambre.

Hindi masikmura ni Fermin ang nakita niya at lalo itong nanahimik sa kanyang kinalalagyan, nanginig sa takot. Umakyat ito sa kwarto ni Anita at saka umiyak sa nakita niya.

Ang Nawawalang CabinetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon