Kinaumagahan, nagpasya ulit ang mag-asawa na tawagan muna ang paranormal expert para malaman kung ano ang mga hakbang para matulungan sila.
Nakitawag si Roger sa isang payphone na nasa bayan (hindi na sila nakabitan ng telepono dahil nagka problema), upang makausap ang paranormal expert. Agad na sumagot ang isang lalaki na may matining na boses.
"Hello, magandang umaga po, ako po pala si Roger, napagbigay alam po sa amin ang tungkol po sa inyo. Kayo po ba si Sir Isagani? Paranormal Expert po?.", sabi ni Roger.
"Ako nga, ano pong maitutulong ko sa inyo?", sagot ni Isagani.
"Ang bahay kasi namin, may mga kakaibang pangyayari na hindi maipaliwanag. Mga nakakatakot na bagay. Hindi man ako naniniwala sa umpisa pero nagkakatotoo na base sa mga karanasan namin. Luma na yung bahay na nabili namin, hindi pa namin napapabendisyunan. Pwede niyo po ba kaming tulungan?", tugon ni Roger.
"Mukhang may malaking problema kayo sa bahay niyo. Pwede ko kayong puntahan bukas ng umaga, ibigay niyo sa akin ang address ng bahay niyo. Tutulungan ko kayo. Isa sa mga hilig ko yan at asahan niyong gagawin ko ang lahat para maibestigahan kung ano nga ba ang bumabalot sa bahay niyo."
Ibinigay ni Roger ang address ng bahay at saka umalis pauwi. Habang nasa bahay si Anita, nasa kwarto siya ng makaramdam siya ng pag ihi. Agad itong tumayo sa kama. Dahan dahan niyang inaalalayan ang sarili niya at baka siya ay madulas sa hagdan at baka kung mapaano pa siya dahil siya ay buntis. Maayos naman ang kanyang pagbaba at saka binuksan lahat ng ilaw para mawala ang takot niya at isinantabi ang lahat ng karanasan dahil sa ihing ihi na siya. Papalapit siya sa kusina, mula sa lamesa kung saan siya nakatayo ay nakapansin na ito ng kakaiba na tila parang may nagmamasid sa kanya.
Sa isang sulok kung saan malapit si Anita ay may isang maitim na usok ang lumabas ang naghuhugis ito ng isang babae na may makapal ang buhok, may katabaan sa hugis. Ang masama nito ay dumilat ang isang nanlilisik na mga mata at pulang pula.
Nanlaki ang mga mata ni Anita dahil sa ngayon, hindi lang boses ang kanyang naririnig, nakikita na niya talaga ito. Sa takot niya, hindi na niya nakayanang tumakbo at napaihi na lang sa pwesto niya. Pumikit na lamang siya at nagdasal. Pag dilat niya:
Gumalaw ang itim na usok at saka lumapit sa kanya.
Hindi parin umaalis ang usok sa harap niya, naroon pa rin. Umiiyak na sa takot si Anita at gusto na niyang umalis.
"Parang awa mo na, kung sino ka man, tigilan mo na kami!", sabi ni Anita.
Laking gulat niya ulit dahil nagsalita ang itim na usok:
"Akin ang bahay na ito, wag niyong papakielaman ang maliit kong cabinet. Akin yan! Mga hayop!".
Doon ay mas lalong kinabahan si Anita dahil naisip niya ang kwento ng asawa niya tungkol sa maliit na cabinet. Bigla na lamang bumagsak si Anita at nawalan ng malay. Nang dumating si Roger, naabutan niyang nakahandusay sa sahig si Anita.
"Anita!!! anong nangyari sayo! Anita!!!', sigaw ni Roger.
Nagising si Anita at naroon na siya sa sofa kasama si Roger. Agad niya itong niyakap at nag iiiyak sa takot.
"Ano bang namgyari Anita?", tanong ni Roger.
"Rog, umalis na tayo dito sa bahay, noong una, akala ko kakayanin ko dahil masaya ako at bukod na tayo, pero parang mas malala dito dahil hindi tayo titigilan ng isang ispiritu kung magtatagal pa tayo dito.", sagot ni Roger.
"Iniisip ko na rin yan, pero ang bahay na ito ay sa atin na, walang hindi nabubuhay ang dapat umangkin nito!", galit na sabi ni Roger.
Nagiiiyak na lang ulit si Anita at kumalma na lang siya pagkaraan ng ilan pang minuto.
Kinabukasan, dumating ang paranormal expert kasama ang iba pang miyembro ng kanyang grupo. Si Isagani ang unang nagsagawa ng ritwal bago sila magsimula. Noong sila ay nag uumpisa na, isa sa kanilang kasama ang medyo hindi mapalagay dahil alam niyang malakas ang enerhiya ng elemento na meron sa bahay nila Anita. Pagkaraan ng isang oras, isang pagpupulong ang naganap kasama na ang mag asawa. Doon ay napagtanto nila na isang matandang babae nga ang talagang dating may ari ng bahay. Hindi raw matahimik ang kaluluwa at lahat ng tumira dito ay hindi titigilan pero may isa siyang importanteng bagay na pinoprotektahan at hindi dapat galawin.
"Mayroon bang cabinet dito na maliit sa bahay niyo?", tanong ni Isagani.
"Parang meron akong napansin sa isang kwarto, kaya lang di namin pinapakielaman yun kasi nakalock tsaka di ko rin naman alam kung nasaan ang susi. Kaya dun na lang siya sa isang kwarto.", sagot ni Anita.
"Tingin ko, yan yung cabinet na nababasa ko. Humingi na tayo ng tulong sa pari para mabasbasan ang bahay niyo at pati na rin ang cabinet na yan. Merong isang bagay na nakatago dun. Nagagalit ang matandang. May iba pa ba kayong alam tungkol sa history ng bahay na to?", sagot ni Isagani.
"Hindi kaya yan yung madame na sinasabi nung taong grasa at napaginipan ko? tingin ko, kailangan kong malaman kung sino siya. Samahan mo ako Isagani sa pinagbilhan ko nito sa Quezon City. Dun ko malalaman kung sino ba siya.", sabi ni Roger.
Sumangayon si Isagani at saka nila pinagpasiyahan kung kailan nila gagawin na kausapin ang dating may-ari.
BINABASA MO ANG
Ang Nawawalang Cabinet
ParanormalKwento ng mag-asawa at tungkol sa maliit cabinet. Ano nga ba ang hiwagang nababalot dito? Bakit mahalaga ang cabinet sa storya na ito.