chapter 5

28 5 2
                                    


-Jakez auto shop

Melz POV

Second Day na ng pahihirap namin sa kotse ng maputing unggoy na yon! natapos naman agad kami sa pagtatapal ng fillers at patti tapos bup ng konti. yan okz na! pwede ng iprimer bukas. sana uminit ng sobrang init! para matapos namin agad to! Fast draft na this!

Ang bilis talagang lumipas ng oras kung nag-aapura ka! Kung kanina ay umaga lang! Ngayon ay hapon na naman! pauwi narin kami at gaya kahapon kasabay namin ang boss naming moody. Ang boss naming parang kakain ng tao kapag na inis. At kapag kumaen naman akala mo construction worker!

"Pwedeng sa 7-11 muna tayo?"
sabi ni Jake na sakin nakatingin at dahil nga boss namin siya at marunong din naman akong makisama ay dumaan na muna kami sa 7-11. Total ay wala naman kaming gagawin! Sana lang ay huwag niya kaming paghintayin! Dahil ayaw na ayaw ko ang pinaghihintay!

"Yes boss"
sagot ko at naghanap agad ng parking space.

"ang hilig mo ata mag 7-11 Jake? hehe!" sabi naman ni Rodolfo habang naglalakad kami papasok. ito ang pangalawang beses na sumabay siya samin at unang beses na kasama namin siyang lumabas, technically labas narin to 7-11 eh!

"ah eh kasi bibili ako ng pagkaen for dinner, tsaka treat ko sana kayo ng meryenda alam ko kasing super stress din kayu sa trabaho natin." Sabi niya ng nakayuko. hay nako! Parang kakatapos lang ata naming kumaen eh, tapos kaen na naman? Grabe tong bituka ng babaeng to!

"ayon! sakto makakatipid! haha!!"
sabi naman ni Rod na umiral na naman ang kakapalan ng mukha! Hay! Kahit kailan talaga! Basta libre ang usapan wala ng tanggihan!

"hindi ka ba marunong magluto?" wala sa isip at biglaang tanong ko kay Jake. tsk! tsk! bakit ko ba natanong yon?? mukhang na offend pa siya.

"ah wag mo ng sagutin hehe, nadulas lang yong bunganga ko!" bawi ko naman agad sa tanong ko kanina. mapitik nga tong bibig ko mamaya! napaka paki alamerong bibig at walang kontrol. Hindi kami dapat magtanong! Para hindi niya rin kami tanongin. Wrong move!

"okie lang!, hindi kasi ako marunong magluto eh!" Ika niya habang kumakaen kami. patingin tingin samin tong Jake na to na parang ang laki ng problema habang ngumunguya. hay nako! ayuko pa naman ng tinititigan ako. Baka mamaya mainlove pa siya sakin! Hmp! Hindi pa naman ako ready sa commitment! Alam ko namang sobrang gwapo ko eh!

"Do you have something to tell us?any problem you want to share? Except financial problem? Hehehe! Mukhang kanina ka pa kasi aligaga eh"
tanong ni Rod sakaniya na parang naiirita narin sa pagtitig niya samin. Kulang na lang kasi ay matunaw kami sa titig niya. Hindi naman siya malagkit tumingin! Pero sadyang kakaiba lang yong mata niya. Para kaming inaarok hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa namin. Yong tipo ng mata na kapag tinitigan mo ay hindi ka pwedeng magsinungaling. Yong tipong kahit anong gawin mo eh hindi ka talaga makakapag sinungaling!

"may tiwala naman ako sainyo eh! alam kung kayang-kaya niyo yong trabaho natin. kaya lang hindi ko maiwasang mag-alala." sabi niya ng diretso ang tingin samin. so ayon pala?! nag-aalala siyang matalo kami sa pustahan? at maisara yong shop. Akala ko naman kung ano na! Nakaka kaba pa naman siya makipag eye to eye!

"Yon na yon?! wala ka namang dapat ipag-alala eh! Tiwala lang! Kayang kaya natin to!" sabi ko habang ngumunguya ng siopao. may tiwala ako sa kakayahan namin! at hindi ako papayag na matalo!
Yong shop na yon na ang naging libangan namin sa misyong ito. Kaya hindi ako papayag na mawala pa to sakin! Tama ng nawalan ako ng dalawang beses! Hindi na ako papayag na may pangatlo pa!

"oo nga!, hindi mo pa kasi kami nakitang nag airbrush. right? will win this fight! No need to worry." sabi ni Rod na akala mo eh lalaban ng NBA championship! ang OA din nito minsan mag react eh! Realtalk?! Para talaga siyang babae kung gumalaw talo pa niya si jake na ang astig gumalaw at magsalita, na kung kumilos at maglakad ay parang lalaki.

Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon