CHAPTER 2

38 5 3
                                    


@Jakez auto shop

-Jakez POV

"Mam!"sabay na tawag sakin ni kuya Melchor at Rodolfo

"mam! Its super duper hard! hard! to speak in english! our nose are menstrating again and brain is earthquaking!"sabi ni manong Rod habang may senesenyas sakin sa labas, hindi ko alam kung nag jojoke ba siya nahindi marunong mag english o trying hard lang siyang magpcute? uhh never mind! Kahit sa hinagap hindi ako naniniwalang hindi sila marunong mag ingles! Ewan kung anong pakulo ng dalawang to.

"Yes manong?! nakakaintindi naman po ako ng tagalog eh! Mukhang mas magaling pa akong manangalog kesa sainyo! super slang nyu kaya pareho! " pagbibiro ko sa dalawang kasama ko dito sa shop habang bumubungis-ngis at naglalakad palabas, pero hindi naman na nila ako sinagot pa, nanatiling titig sa sahig ang atensyon nila, kahit ano pa kasong gawin nilang pagpapanggap halatang hirap silang magtagalog! Duh! Hindi na ako bata noh hmp

halos magkakasing edad lang naman kami, siguro ay panganay lang sila sakin ng mga pitong taon o walong taong gulang,basta!. Ang sabi nila sakin ay pamangkin daw sila ng may ari nitong binili kung pwesto, na napilitan lang naman daw talagang binenta dahil sa financial problem. Well, kunwari na lang na naniwala ako! kinuha ko na lang din silang trabahante bilang tulong sakanila. Pero kung tititigan mo silang pareho at susumahin mong mabuti ang galawan nila, ay iisipin mong may mga kaya sila, sa kutis pa lang nilang mukhang alagang alaga na kung tutuusin ay mas flawless pang tignan kesa sakin! Insecure Feels!

ganon din yong mga damit nilang lumahin man pero alam mong brandded naman, at takenote! May kotse sila! Hahaha! Kaya nakakapagtaka! Nakakapag hinala! Hindi naman siguro mga Drug Dealer tong mga to?! Nako! Wag naman sana! Baka mabato ko sila ng di oras! May anger manangement issue pa naman ako pag nagalit haha!

"Jake na lang ho ang itawag nyu sakin, nakakatanda kasing pakinggan  ang mam eh"sabi ko sa dalawa habang papalabas kami, gusto kung burahin sa isip ko yong mga pinag iiisip ko! Naprapraning nanaman ata ako! Masyado na kasi akong mapagduda nitong mga nakaraang panahon! Dahil narin sa sunod-sunod na trahedya sa buhay ko!

"ah eh mam! nakakahiya naman po!"
sabi ni manong melchor na seryuso ang mukha! at nakayuko, akala mo laging may galit at problema. Kung ano namang ikina ingay at ikinakulit ni manong Rod yon naman ang kabaliktaran niya! At doble pa!
Pinaglihi ata sa sama ng loub to, o talagang emo at gothic lang ang getupan haha!

"oo nga po, baka isipin niyo na walang hiya po kami hehe!makapal lang po mukha namin boss! peru may hiya po kami hehe!" si manong Rod habang namumula sa pag ngiti, mukha na nga akong mas matured tignan kesa sakanila! To think na twenty pa lang ako! Super baby face kasi tong dalawang to! Huhu!

"manong wala yon! Kayo pa ba eh halos kayo na nga lang ang nakakasama ko eh! tsaka apat na buwan na tayong nagsasama sa trabaho! kaya wag niyo na ho akong tawaging Mam o boss dahil nakakailang, nakakatanda sa pakiramdam!"hirit ko naman. Sabay busangot sa kanila hmpft! Hindi ko sasabihing baby face sila! Baka mamaya lumaki pa ang ulo nila! Isipin pa crush ko sila haha!

sabay naman silang ngumiti, na labas lahat ng mapuputi at pantay na pantay na mga ngipin pati na mga gilagid nila haha! Ganito ang gusto ko, yong nakakagaan sa pakiramdam na may nakakausap kang hindi ka huhusgahan kung sino ka! Kung sang pamilya ka nang galing! Yong hindi ka sinusukat basi sa estado ng buhay mo! Ito ang buhay na gusto ko!

nasa labas na kami ng shop ko, nang may nakita akong isang pulang kotse na naka park sa harap, isang auto na nakakasilaw! at masakit sa mata sa sobrang kinang! Isang vintage car!

"wala bang alikabok to?"
biro ko pa sa dalawa habang nilalapitan yong kotse. Ang angas naman nito!

"Kitams! pwede ng magsalamin sa kintab ehh ouhh?mukhang naliligaw lang yata yong may ari, akala yata may carshow dito?hehehe!" sabi ko sabay ngiti sa dalawa habang hinahaplos yong kotse. Marami kami nito sa Tokyo, pero hindi ko din nagagamis mag-isa kaya useless! Hmp!

hindi pa man sila nakakapag react ay bigla namang lumabas ang isang lalaki. na halos kasing puti ko na yata! nakaka insecure naman si kuya umiinom ata ng baldr baldeng gluta! kung anong kinakintab ng kotse nya! yon naman ang ikinaputi niya! hehehe! may dugo pa kaya to?! tanong ko sa sarili ko habang tinititigan siya..Hindi siya ang ideal boyfriend ko! Masyado siyang maputi! At mukhang mas ma arte pa to kesa sakin! No way! Baka mas matagal pa to sakin pag nagready sa pakikipagdate! Haha! Sa sobrang bored ko kung anu-ano ng iniisip ko!

"Stop staring at me miss! Staring is a crime! I know i'm handsome!! "
pagma mayabang sakin ni kuyang mukhang bampira sa Sobrang puti! naknampucha naman!!! binuhat ang boung kwarto sa kayabangan! At mukhang iniwan pang bukas sa kwarto niya yong electricfan! Sama na aircooler! Giniginaw ako sa kauabangan haha!

"ouhh! i'm sorry!! but i think you have a big morning glory in your eyes!!and it distract me SO MUCH!!"sabi ko naman sabay ngiti ng nakakainsulto Habang turo turo yong mata niya! mabilis  naman siyang tumalikod at nagpunas ng mata!  Ano?! Pahiya ka noh?? Heheh!! Yabang Overload kasi! tsk! tsk!

"how may i help you?! anything you need sir?,"tanong ko sakanya pagkatapos ng ilang sandali.

"well, i'm asking for your boss!!?
can i talk to him?"
sabay turo sa tarpaulin at signboard ng pwesto namin, ahh! Ok common sense Jake!

"Jake?! jake auto shop?! right?!" pagsusungit sakin ni kuyang
bampira. Abat! Punong puno yata ng kayabangan at ka arogantehan tong lalaking to ah! Sarap palaklakin ng zonrox bes! Yong color safe ha hehe!

inabot ko naman agad yong kamay ko sa mukong na to! At mukha parin siyang nagtataka. Tsk! kayabangan overflow pero mukha namang slow! Useless bes! Mukhang was brain si kuyang pogi! Katurn OFF!

"ahh yes! your talking to the boss now! i'm infront of you!, now Speak! What do you want? And who are you?!"
sabi ko ng nakataas ang kilay para magets niya! Ang slow eh! Parang yong connection ko lang! turtleNet!

"Jacque Kendra Drake, Jake for short, how may i help you sir?"
sabi ko ulit na may halo ng pagtataray ang boses! Tumingin naman muna siya sakin ng matagal bago niya naisipang abutin ang kamay ko. Tsk! nakakangawit!! ang arte! Eh aabutin din naman pala yong pakkkipag shake hands ko! pinaghintay pa ako! Akala yata ay puno ng germs ang super smooth kung kamay hmp!

"Rhyzen Ernz Mendez, GrandSon of Mr.Hernie Mendez, the Governor!"
sabi niya sakin ng may pagmamayabang
habang nakataas ang noo niyang malapad! tsk airport bes! Airport! tinitignan ko siya habang nakalagay ang kamay sa bulsa ng pants niya, parang fammiliar sakin yong pangalan niya, nevermind!

"i just wanted to know kung kaya niyo bang e-airbrush costumize itong auto ko?" sabi niya na mukhang
diskompiyado sa mga hitsura namin! Grabe bes napaka judgemental! Akala mo naman judge! hindi ko alam ang isasagot ko kaya nagpatiuna na lang muna ako ng hinila na ako ng dalawa papasok ng shop. Si kuya Rod at Mel, ang may alam ng katotohanan sa shop na to. Na ako ang may ari! Ako na walang nakaka alam alam sa kalakaran ng mga auto! Haha! ang mahalaga lang naman sakin ay may gawin ako. Yon lang yon! Bahala na sila sa gagawin nila.

"pumasok po muna kayo sa loob sir at maupo, mag uusap lang po kami ni boss"
sabi nila manong sakanya ng sabay habang tinuturo ang dereksyon ko.

Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon