CHAPTER 4

20 5 2
                                    

Rodz POV

maaga kung ginising si Mel  mapapalaban kasi kami ngayon sa trabaho! dibale at sanay naman na kami. mag iisang taon narin ako sa trabahong to! kasama ang pinsan kung nuknukan ng Emo! fine arts undergraduate kami pareho peru magkaiba kami ng talent, pero iba talaga ang linya ng trabaho naming props lang naming to para sa isang missyon!

Ang talent ni Mel ay sa sketching at charcoal lang! ayaw niya ng makulay. he prefers lines, dark colors, sad arts, para bang art na may sariling hugot, Kumbaga sa masayang picture i fifilter niya ng inverted color or black and white para maapreciate niya! Ganon si Mel sobrang Emo talaga palibhasay broken hearted!

habang ako naman hilig ko ang shadings of different colors, mosaics and abstracts. nung una akala namin hindi kami makakasurvive peru nakaya naman namin! Nagampanan namin ang pagbabantay sa nakatakdang magiging pinuno sana ng walang nakakahalata, ng walang nagdududa sa kung ano talaga ang pakay namin! Ang hirap magpanggap! Grabe!

"hoy Mel, tara na at marami pa tayong tratrabahuhin!" sabi ko habang hinihila yung kumot niya na nakabalot sakanya. Parang bata! baby cucon ang hitsura! Balot na balot mula ulo mukhang paa! Haha! Este mukhang ulo hanggang paa pala!

"Gising na ako!" sagot naman niya habang nakapikit pa peru nakaupo na. hehe! ganyan talaga yan! kahit anong pilit mong gising! tulog mantika parin! kahit na sobrang haba na ng tulog niya, parang laging puyat at pagod ng walang dahilan. Sabagay ngayong panahon lang na to ko masasasabing nakapag pahinga kami, pagkatapos ng maraming misyon at mahabang pagsasanay!

"kaen na tayo!, at maaga tayo sa shop!, baka huling linggo na natin to dahil sa pusta!, kaya sulitin na natin!"
Banta ko sakanya sa pananakot at pabirong tono hehe! At mukha namang umepekto! nakita ko kasi siyang nagmulat ng mata at umasim agad ang mukha! Hahaha! Yan siya eh! Ayaw na ayaw ang natatalo! Kaya kahit ako! Alam kung mananalo kami sa pustahan! Hindi sa pagmamayabang pero meron kaming super talent at super power! Haha!

"Anak ng!!, oo nga pala!,
nakalimutan ko! kailangan pala nating matapos yon ng isang linggo!! Yong hudas na puting yon!" sabi niya habang kinukuha na yong tuwalya niya sabay deretso na sa banyo!

-Jakez auto shop

pagkarating namin sa shop nakita namin ang isang matandang lalaki. na siguro mga nasa mid 50s ang edad. kausap ni Jake. Nasa loob sila ng opisina. Bahagya kasing naka bukas kaya kitang kita namin sila sa loob. Mabuti na lang at hindi kami gumawa ng ingay ni Mel.

"Thank you po manong Edgar!, maasahan ko po talaga kayo!" Sabi ni Jake habang hawak ang kamay ng matanda. Saglit lang! Parang pamilyar ang mukha niya sakin!

"Maasahan niyo po ako Miss Jake! kahit anong oras!, sanay maging maayos ang lahat! kinakamusta din pala kayo ng lola niyo." sabi pa nung tinawag ni jake na manong Edgar

"Ok naman po ako manong, pero kung pipilitin nyo po akong pabalikin ay Hindi pa po ako handa manong!, hayaan niyo po muna ako! i'll come home soon when i find my old self!, when i learn how to accept the pain she gave me! When i learn how to forgive everything! without asking again why!"  sabi ni Jake sa malungkot na boses. Ang lalim! Mukhang may pinagdadaanan tong boss namin ah! Pero bat magkakilala sila? Kung hindi ako nagkakamali siya nga yon!

"Sige Miss Jake! just let me know. Just let me help you if you need something. i have to go back now. See you soonest miss." sabi ulit ni manong habang papalabas na sila sa opisina.

Agad naman kaming kumaripas ng takbo ni Mel! Hahaha! napaka tsismoso namin! dali dali kaming lumabas at nagkunwaring kararating lang. Sobrang super dead emotions kami! Blank face! At walang narinig na kahit ano! Hehehe! Bihasa ata kami jan! Spy moves! Ninja Moves! Pero nakakapagtaka talaga! Ba't nandito siya?

Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon