Remz POV...
halos isang linggo na rin nung mapahiya ako sa Bar! As in sobra! Sobra! Sobrang pahiya! at hanggang ngayon badtrip parin ako sa babaeng yon! Akala mo naman kung sinong maganda! Gusto kong gumanti sakaniya! Gustong gusto kong gumanti! Kung tutuosin pwedeng pwede! Alam ko naman kung san siya mahahanap. Mag-iisang linggo na rin akong pumapasok ng School. kasama tong mga ugok na to. At gaya ng nakagawian papasok lang for attendance. wala eh ,ang boring nilang magturo! kaya sa may dance studio na lang kami naglalagi, preparing for School near events.
welcome party ng mga new comers and transferee students."Dude? tawag ka daw ng School Dean!"
sabi ni Kent samin habang papasok siya sa dance studio."ano na namang kailangan niya?"
sabi ko naman sa irritadong boses. Ano nga nanaman kaya ang kailangan nya sakin?! Kailan lang nung kinausap niya ako para lang masermonan! At kahit nakaka inis pa minabuti ko na lang na puntahan siya! Sabi nga niya! Walang kama-kamag anak dito sa School! Ouh diba?! Ang galing!naglakad na kami at napili naming dumaan sa may hallway papunta ng Deans office. Nang walang ano-ano'y may naka bungo akong studyante. O sabihin na nating may bumonggo saking studyante! babae! na mukhang transferee! gulo-gulo ang buhok na parang hindi naghihilod at nagsusuklay! tsk! tsk! paano nakapasok sa school namin tong babaeng to?! mukhang grasa! Mukhang ewan!!
"S-ss-orry pp-po!"
sabi niya ng nakayuko.
hindi ko na lang siya pinansin at badtrip na badtrip na ako! Baka kasi mamaya eh maibunton ko pa sakaniya yong init ng ulo ko! dumiretso na lang kami sa opisina ng Dean."Pinatawag mo raw ako!?
Mr.Anders?"
tanong ko sa lolo ko na napaka formal ng mukha at seryusong seryuso. At malamang sa malamang sakanya ako nagmana ng ugali. sa pagiging suplado. Maliban don ay wala na akong maisip na iba pang bagay ang namana ko sakanya."Seat.down Mr.Mendez! Yes, ipinatawag nga kita. at sa pagkaka alala ko ay IKAW lang ang tinawag ko. Hindi kayong lahat?!!"
sabi niya. sabay tingin ng masama kila Kent,Dean,Daniel,Dave,at Aj"andito na po sila, kaya mas maganda pong sabihin niyo na lang din Mr.Anders. kung bakit niyo po ako ipinatawag."
sabi ko ulit na mag pag galang ang boses pero bagot na bagot ang tono."Hindi porket apo kita!apo ko kayo ni Aj, at anak kayo ng mga malalaking tao dito sa lugar natin ay magpapakita na kayo ng kawalang modo sa mga teachers niyo!! alalahanin niyo!! Senior na kayo! at wala akong magagawa at gagawin Kung Ibabagsak nila kayo. aba eh! mula nung nagsimula ang klase hindi pa raw kayo pumapasok sa mga subjects niyo ah!!"
sermon niya samin sa galit na tinig habang nakakuyom ang mga palad.
tsk! tsk! tsk! sinasabi ko na nga ba! Sumbongerong mga teacher!"Sorry po Sir Dean! naagprapractice lang po kasi kami ng ipeperform namin sa welcome party ng school.
singit agad ni Dave na agad dumipensa sa panenermon niya samin."Papasok na ho kami mamaya! ,sir! ,Promise po!"
sabi naman ni Aj na parang takot na bata sa nanginginig na boses, patay kasi to sa tatay niya kapag pinatawag nanaman to ulit. Naka ilang warning na kami dahil sa hindi pagpasok. Hindi lang isa! Hindi lang dalawa! Kundi maraming beses na. Maraming maraming beses na. Kung hindi nga lang kilala ang mga pamilya namin ay wala na kami sa paaralang to! Nagagawa nga naman ng pera."We make sure this is the last time Sir!, and we're so sorry!"
sabi naman ni Dean sa sincere na kulang na lang ay umiyak sa harap ng lolo ko. Tsk sobrang takot talaga nila!"at ikaw Mr.Mendez?? wala ka bang sasabihin?!Hindi Porket hiniwalayan ka ng Girlfriend mo eh katapusan na ng mundo mo! hindi kita pinalaki para maging ganyan lang! dahil kung nabubuhay ang mga magulang mo! hindi sila papayag na konsintehin ko yang kalukuhan mo! naiintindihan mo ba ha??? RHYZEN!!!"
pasigaw at galit na sabi ng Dean ng school ang lolo ko "raw!.
BINABASA MO ANG
Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING)
General FictionRhyzen Ernz Mendez-Man of your dreams,! Jacque Kendra Drake-mistery girl! Dean Raidelle Co- the hero REM JAKE DEAN... journey to forever and happy ever after?! O bangungot dahil sa isang misteryong kailangan nilang lutasing magkakasama?! Sino ang ma...