CHAPTER 3

32 4 2
                                    

Jakez POV

pagka alis nung mayabang na bampira, nagsimula ng maghanda si kuya Rod at Mel, parang wala lang sakanila yong napag usapan namin ng mayabang na yon!

"are you sure kaya niyo yan?" nagtataka at natatakot kung tanong sa dalawa, huhu! paktay na ako nito! base kasi sa hitsura (hindi naman sa wala akong tiwala sakanila) pero parang mas kinakabahan pa ako sakanila. Sobrang kalma lang nila. Sobrang cool tignan! Huhu!

"oo naman mam Jake! kaming bahala!
mananalo tayo sa pustahan at magbabayad siya ng malaki!"
sabi ni kuya Rod na nagsisimula ng Sirain ang kintab ng kotse gamit ang sand paper ng mayabang na bampirang yon! habang si kuya Mel naman ay ngingiti-ngiti habang tinitignan yong gagayahin nilang Design na binigay ni Mr.Mendez! Himala nakangiti siya, nakaka panibago! Sabagay mukhang vibes niya yong hinayupak na costumer!

"ahhrrgggg! nakaka stress naman yong mukhang bampirang yon!"
singhal ko, pero mukhang enjoy na enjoy naman tong dalawang to! Talagang dineadma pa yong pagmamaktol ko! Sabagay sila naman ang may alam kung paano ang gagawin. Seating pretty na naman ako nito mga bes!

"haha kaya namin to Jake!, Hindi magsasara tong shop mo, at kikita tayo!"
sabi ni kuya Mel sakin sabay kindat,
napasimangot na lang ako at nagsindi ng yosi sa sobrang stress ko! Nakaka stress talaga! hithit buga ako ng usok natawa na lang din silang dalawa sa reaksyon ko.

kung bakit ba naman kasi ako sumabay sa kayabangan ng bampirang yon. Nakakapag init ng ulo! nakaka highblood! Gggrr! nakaka asar! Isang daang porsyentong badtrip! Ang sarap niyang saktan!!
sabi ko habang nang gigigil! Sarap niyang tadyakan sakaniyang Juicing pwet! Jake erase! Erase! Erase! Hindi juicy ang pwet niya! Super flat nga ata hehe!

-flash back kanina

"Mukhang hindi niyo marereach yong expectations ko eh!
sabi niya sabay tingin ng taas
at baba saamin! Abat! Akalain mong nuknukan pala ng kayabangan ang bampirang ito!ang sarap pektusan! At bangasan sa mukha!

"FYI baka lumagpas pa sa expectations mo ang kaya naming gawin noh!, tsaka wag kang judgemental masiyado!" sabi ko ng nakataas na ang kilay! Lampas na sa noo ko yong kilay ko sa sobrang kabadtripan sa lalaking to! grabe kung mangmata ng tao to! Lakala mo naman napaka talentado!ggrr! sabagay mukha namang Talen-tado!!

"so? whats the deal if you can't?"
hamon pa ng bampirang to sakin!

"anong mapapala ko?, anong kapalit ng pag aaksaya ko ng oras sainyo?!"
hirit niya pa! abat loko to ah! Aksaya pala ng oras ah! Eh mukhang kami ang nag aaksaya ng oras sa pakikipag usap sa hambog at sobrang yabang na gaya niya eh! Nawawalan ako ng kontrol!

"abat nakakabastos ka na ha!, wag ka ngang mayabang! Kung ayaw mo sa shop namin di wag!! its not my Lost naman eh! Kung makapag salita ka! Akala mo kung sino ka! Bakit kilala mo ba kami?! Alam mo ba kung anong kakayahan namin ha! Nasubukan mo na ba tong shop namin ha!?"  Sigaw ko na ng lumalabas ang litid sa leeg at handa ng iamba ang kamao ko sa pagmumukha niyang sobrang puti!

"Hahaha! What a temper!come on!! sabihin mo na lang kasi na hindi niyo kaya! or aminin mo na lang miss na natatakot ka!"
pang aasar niya pa sakin na mas lalong dumadagdag sa init ng ulo ko! Grabe prinoprovoke niya ako masyado! Kung ano namang ikinagwapo nya at ikinaputi niya yon naman ang ikinaitim at ikinasama ng ugali niya! Sabagay mukhang spoiled! Tsk! Jerk!

"OK sige!! Sabihin mo kung anong gusto mong deal!, at makikipag deal ako sayo! kung hindi namin ma reach yang high expectations mo masusunod yong gusto mo!" sabi ko ng tuloy tuloy ng walang hingahan! habang nakataas ang kilay at pulang pula na ang mukha sa sobrang pagka bwecit sa mayabang na bampirang to! konting konti na lang! Konting konti na lang talaga! BIBINGO ka na sakin! Mababangasan na kita sa mukha!

Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon