CHAPTER 1

51 5 3
                                    


Jakez POV

"hoy!! malaman ko lang kung sino kang kutong lupa ka! hahambalusin kita ng monoblocks! Nang makita mo na hindi lang si hulk ang green pag galit! kahit si picolo din! Naknampucha!! "

bulyaw ko sa naka kotse habang nilalabas yong muscle ko at inaambahan siya ng suntok! Kala mo kung sino! nakaka asar lang kasi tumama pa mismo sa pagmumukha ko! imaginen mo yung parang sinampal talaga sa pagmumukha mo yung sulat!

Ang laman ng Sulat sa papel na sinlaki ng dyaryo! Na ang sulat ay sinlaki ng slogan!

Annika,

ang tragic sa pakiramdam ng hindi mo man lang maranasang magmahal at mahalin.
peru mas tragic pala yong pinaramdam mong mahal mo ako peru kunwari lang pala!masaklap pa! umeffort ka!! Umeffort ka para mapaniwala ako!And I am not Prepare to face this fact!not at all!!. Ive NEVER been prepare to this kind of pain!! To this kind of sh_t!!

Please comeback to me!! Please love me once more!! I'm begging you to love me once again 😭.

💔 Rhyzen Ernz Mendez

yan yong laman ng nabasa kung sulat habang naglalakad ako pauwi galing sa auto shop ko, Ayuko na sanang pansinin pero napaka bastos ng nagtapon nito!

"tsk! tsk! kalalaking tao kung makapag emote at gumawa ng loveletter akala mo babae!" Bulong ko sa sarili ko habang pasalampak na umupo sa couch (Maasim ang mukha ko at naka nguso!) Tsaka isa pa! Hindi ako si Annika! Jake ang pangalan ko! Jake! Jake! Jake! Tsk! Annika-Annika ka pa jan! Ang arte ng pangalan! Matandaan nga yang pangalan ng mukong na yon! Rhyzen Ernz Mendez! Sa susunod na magkikita tayo isasampal ko yang loveletter sa pagmumukha mo! Leche!

gaya ng dati nandito na ako sa pad ko mag isa, lagi naman eh! sabagay ginusto ko to! kaya kakayanin kung mag-isa to!
" Fighting!"  pag- checheer ko sa sarili ko. nagpahinga lang ako saglit, muni-muni, templa ng juice, order ng pizza, noud ng Movie habang naghihintay, tapos muni-muni ulit!.Wala eh! Walang ibang magawa!

Pagkatapos ng isang daan at limamput limang libong taon! Chos lang!

"Dingdong-dingdong!" Doorbell yan ha! Sa wakas dumating din! Ang tagal kitang hinintay! Akala ko hindi ka na darating!Akala ko magiging malungkot na ang mundo ko! Pero dumating ka at hindi mo ako binigo! My one true love!

"good evening mam! heto na po yung inorder nyo!" sabi ni manong delivery boy habang nakangiti pa ng super lupit na smile kahit apat na lang yong natitira sa ngipin niya,! Hehe! Ang cute!

"thankyou po kuya! keep the change na po! salamat po ulit!" sabi ko, hindi ko na siya hinintay na magsalita at sinara ko na agad yong pinto (Ang sama ko! pasensya na tag gutom ang tao ngayon! kaya nawawalan na ng manners!) gutom na talaga ako kaka isip eh! pagrarason ko sa konsensya ko habang nakakaramdam ng konting guilt, naku! Baka isipin ni kuya na matapobre ako! Uhmn! Bahala na nga! habang kumakaen ako in-on ko yung TV, open yong Wifi at nag start na akong mag stream ng online movies.

ganito! oo ganito lagi ang routine ko everyday! Gigising ng super late! maliligo, pupuntang 7-11 (para kumaen) diretso sa shop ko maglalakad pag-uwi sa hapon, mag momovie marathon, maliligo, mag oorder ng pagkaen, mag momovie marathon, magpupuyat at mag-EEmO! hayst nakakasawa noh?! Hehehe oo nga eh! Sobrang nakakasawa! Pero kung papipiliin naman ako kung ito ba o yong buhay ko sa tokyo?! Mas pipiliin ko na ang buhay kong mag-isa pero may kalayaan dito!

Apat na buwan ng ganito lang ang ginagawa ko! napa aga kasi ako ng dating. Ayos lang naman! atleast nakapag adjust pa ako, atleast may napatunayan na ako sa sarili ko! Pwedeng pwede ko ng sabihing kaya ko ng mag-isa ng wala silang tulong! Na walang kahit anong tulong ng organisasyon at ni lola!

Hindi ko sinasabi ito para magyabang at ipangalandakan to sa ibang tao! Sinasabi ko ito sa sarili ko para maging isang aral! Leksyon! Bagay na hindi napag aaralan sa skwelahan kundi sa totoong buhay! Na minsan kahit ayaw mong mag-isa! Kahit ayaw mong ma-iwan! Wala kang magagawa! Kung yon ang nakatadhana! Kung yon ang nakatakdang mangyari! Kasi kung lahat sana ng bagay na gusto natin ay nangyayari ang sarap na sigurong mabuhay sa mundong to! Ang kasu ay hindi! Kadalasan kung ano ang ayaw at kinatatakutan nating mangyari yon ang madalas ipangbiro satin ng tadhana! Hindi katanggap tanggap! Pero kailangang tanggapin! Hindi kanais nais! Pero kailangang tiisin! Kung sana'y may time machine! Kung sana'y may magic lampara gaya ng kay alladin! Kung sana'y parang fairy tales ng walt disney ang buhay natin! Ang kasu ay hindi! Ang buhay natin ay parang isang manga serye ng Japan, puno ng Trahedya at walang katapusang pakikipaglaban! Parang isang roller coaster sa final destination, hinihintay mo lang kung kailan ka mahuhulog, pwede mong ipagpaliban ang katapusan pero hahantong ka rin sa huling hantungan! minsan nakakalungkot lang dahil kahit wala kang alam! Hindi ka parin nila nilulubayan! Kadalasan ang kapalit ng katahimikan ay kamatayan! Ang kapalit ng paglayo ay malayang pamumuhay! Pero wala ka paring pagpipilian kundi ang tanggapin ang katotohanan! Yakapin ng mahigpit ang buhay na pilit mong tinatakbuhan! Sabi nga ni Flint Lockwood! "How can you run on your problems, when it's on your own feet!"

Hayst! Heto na Naman ako sa mga isiping nakakapag pawala ng gana sa pagkaen ko! Hmp! ako nga pala si Jacque Kendra Drake!
Jake for short! nagdecide akong mamuhay ng mag-isa dito sa Dasmariñas sa kadahilanang gusto ko munang lumayo para narin sa sarili kong katahimikan. ako lang ang nagdedecisyon ngayon para sa sarili ko, wala ang lola kong dikta ng dikta kung ano ang dapat at hindi dapat gawin! ako lang ang masusunod ngayon at wala ng iba! In short ako ang Boss! Ouh diba?! Ako ang pinuno ng buhay ko! Ako narin ang myembro! Ako na lahat! Boring pero kahit papano masaya naman!

"hayst one week na lang magstart na! nakaka excite naman! mababago na rin ang routine ko! Yes!!"  No choice ako eh! Sarili ko na lang ang kinakausap ko para maaliw ako! wala kasi akong kasama! kaya pinag tya-tyagaan ko na lang magbaliwbaliwan! kahit na mukha na akong eng-eng dito!

Gusto kung lutasin ang isang misteryo! Na naging dahilan para patayin ang mga magulang ko! Sa harap ko mismo! Hanggang ngayon ay paulit-ulit parin akong dinadalaw ng bangungot na yon! Sinusumpa ko! Magbabayad silang lahat! Hindi ako titigil hanggat hindi ko sila naipaghihiganti! Masahol pa sila sa hayop kung kumitil ng buhay! Mga halang at liku ang bituka!

Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon