Remz POV
nasa ika apat na dare na kami.
tapos na siya at ako naman ang susunod. nahuhulog na yong buhok niyang nakahawi kanina. kayat tinaas ko yong buhok niya para makita ko yung leeg niya ng maayos at mahalikan. hinawakan ko yung buhok niya at itinaas, ang puti ng leeg niya, parang kutis lang ng bata,
tinitigan ko at linapit ko na yong labi ko. nakita ko naman muna siyang pumikit! peru bago ko halikan yung leeg niya napansin kung merong parang maliit na tatto sa gilid ng leeg niya, parang japanese character. Pero binalewala ko na lang yon at dinampian siya ng halik.
pero nakaka akit yong amoy niya! At hindi ko mapigilan yong sarili ko
kaya napakagat ako ng walang sa oras na naging dahilan naman para itulak niya ako ng bahagya. nakita ko rin yong pagsimangot niya sakin! na agad ko namang ginantihan ng nakakalukong ngisi hahaa! apektado ka pala eh! sabi ko sa isip-isip ko!nasa huling dare na kami hahalikan niya ano ng french torrid kiss.
Linapit niya yong mukha niya sakin.
malapit na malapit. anjan na! hahalikan niya na ako! palapit ng palapit! pipikit na sana ako! ng bigla siyang lumayo.
at sinabing."I can't do it, babayaran ko na lang yung bill nila!"
sabi niya.ano daw!!? kung ganyan din lang pala na babayaran niya bill namin edi sana hindi na lang siya pumayag sa ibang dare namin kanina! Ang arte! Siya lang ang babarnh tumatanggi sakin!
"But why Mam? last dare na to!, at Mam Nasa VIP area po sila kaya siguradong mahal ang bill nila!"
sabi nung emcee sakanya na naguguluhan din."Its Ok,
hindi ko kasi matake!!
hindi ko matake yong hininga niya!!!"
sabi niya samin sabay walk out!!!.anak ng tinapa!! pahiyang pahiya ako dun!! Lalo na sa lakas ng hiyawan at asaran ng mga nanonoud! Grabe!! hindi man lang niya ako hinayaang magsalita bago siya mag walk out! sobrang pahiya tuloy ako! bwecit!.nakakagigil!.hayst ngayon lang ako naka encounter ng babaeng ayaw akong halikan!!! at take note!! siya lang ang nagpahiya sakin ng ganito!! bumaba na ako sa stage at hinanap agad ng mata ko yong babaeng yon! Lagot ka sakin! pag nakita kita! Sabi ko sabay kamot ng batok ko!
peru agad namang lumapit sakin ang grupo ko...
"Dude ok ka lang?
"ayos ka lang ba?
"relax dude!"
yan yung mga naririnig ko sakanila. pero hindi ko sila pinansin at dumiretso na lang agad ako sa mesa.naiinis ako!!!
nakakainis talaga!!! tsk tsk tsk.halos walang umiimik samin hanggang sa bumalik sa mesa si Daniel
"Hayaan mo na dude, mukhang lasing ata yon! dibale at binayaran niya na yong bill natin. nag bigay pa ng malaking Tip!."
sabi niya sakin na parang inaalo ako. peru hindi parin ako umiimik!
inubos lang namin yong natitirang inumin tsaka ako nag ayang umuwi.Jakez POV
nagawa ko naman yong Dare hanggang apat pero hindi ko na talaga kaya. Ayuko ng ganitong pakiramdam! naaasiwa ako!
kinakabahan ako! at ang lakas ng tibok ng puso ko!,nakaka bingi!
nacurious lang ako kung anong pakiramdam ng mahalikan at lapaitan ng ibang lalaki na hindi ko kilala! pero ganito pala ang pakiramdam! nakakahilo at nakakasakit ng tiyan sa sobrang kaba! napansin ko ring nakita niya yong tatto sa may leeg ko malapit sa tenga ko! sana hindi niya alam ang ibig sabihin nun. Nagmadali na lang akong nagbayad sa counter at inaya sila Kuya Rod at Mel. alam kung hindi agad siya makakapag react sa pagpapahiya ko sakanya. kaya nagyaya na akong umuwi agad."Jake? ok ka lang ba?"
tanong ni kuya Rod. tango lang ang sinagot ko sabay pikit ng mata. para maka iwas sa tanong nila. hindi ko namalayang nakaidlip pala ako habang pauwi kami. Namalayan ko na lang na nakarating na kami."Tara na at mukhang pagod na pagod ka!"
sabi sakin nila Kuya Rod at Mel.
nagpatianod na lang din ako at kumaway sakanila paglabas nila ng elavator. pagkapasok ko sa Pad ko tinanggal ko lang yong sandal ko. swinitch ko ng pinaka malakas yong aircon at natulog na. nagising ako kinaumagahan na masakit na masakit ang Ulo huhu!
nakaka asar! naparami ata ako ng inom kagabi!,tinignan ko yong relo ko. and great!! tanghali na!! super! super! extra!,extreme! late na ako sa first day of class ko!Kaya naisipan ko na lang bumangon na at pumunta ng kitchen. dumuretso ako sa may ref para uminom ng nag yeyelong tubig.
tapos dumiretso na ako sa banyo para magbabad sa thub at makapag relax ng konti. halos mag dadalawang oras akong nakababad hanggang sa maisipan ko ng umahon. nagbihis ako kaagad.
habang nasa daan ako papuntang school ay sinubukan kung kausapin ang malapit na kaibigan ng papa ko.."Hello, Mr.Anders? I can't make it today! and can you please do me a favor?...
ok thankyou!."
sabi ko sa bestfriend ng papa ko.
pinatay ko na yong phone at agad dumiretso kila manong Peping."Tao po?, tao po?!
sigaw ko sa labas ng bahay nila manong Peping"ay kayo po pala yan Ms.Jake,magandang tanghali ho...
pumasok po muna kayo sa loob"
yaya sakin ni manong.inabutan nila ako ng maiinom na tinanggap ko naman, grabe ang init dito sa bahay nila, nakakapawis ng kili-kili hehehe.
"nga po pala manong?
asan na po yong anak nyong dalaga?"
tanong ko sakanya.."ah si marya po ba Ms.Jake?!
saglit lang ho at tatawagin ko"
sabi naman niya na agad tinawag ang anak."ano pong kailangan niyo Ms.Jake?" sabi naman sakin ni Marya.
"ahh uhmnn... Jake na lang..."
sabi ko naman.
pinaliwanag ko sakanila yong gusto kung mangyari.bna sana hindi nila masamain. na sana hindi nila bigyan ng ibang kahulogan."Hindi po ba parang nakakahiya naman po Ms.Jake?
kahapon lang po ay binigyan niyo kami ng napaka laking pera, at ngayon naman po gusto niyong pag-aralin tong anak ko?!"
tanong ni manong Peping na hindi makapaniwala."ayos lang naman ho yon manong,
at hindi naman po yon libre. kapalit naman po nun ay kasama kong titira si Marya sa Pad ko, at magluluto ng pagkaen namin. hehehe! pero every weekends naman po ay uuwi siya dito para matulongan ho kayo."
sabi ko ng tumatawa.."Kahit oras-oras ko po kayong pagsilbihan Ms.Jake makapagtapos lang po ako"
sabi naman ni Marya na parang naiiyak sa sobrang tuwa."hindi mo naman kailangang gawin yon, ok na yong magluto ka lang ng pagkaen hehe..m kasi mamatay ata ako ng dilat. purga na kasi ako sa mga delata at fastfoods hehe!"
sabi ko naman ng nagkakamot ang ulo.."hahaha!" sabay namang tawanan naming tatlo.
"at nga po pala manong sinabi ko na ho kay Kuya Rod at Mel na pwede po kayong magtrabaho sa shop, para may katulongan po sila don, at para may pandagdag gastos ho kayo sa gamot ni manang Teresing"..
sabi ko ulit kay manong na halos hindi makapag salita sa sobrang gulat."Maraming salamat po Ms.Jake,"
sabay na sabi ng mag-ama sakin..tumanggo na lang ako sakanila.
at sinabing lalabas muna ako saglit. habang hinihintay si Marya na nag aayos ng gamit niya. isasama ko na kasi siya sa Pad ko. para may katuwang at may magturo saking magluto hehehe! Iniiwasan kung tumingin sa mag-ama kasi naiinggit ako!,naiinggit ako na nakikitang nagmamahalan sila! na bou ang pamilya nila! kahit anong hirap ng buhay nila. at problema ang pinagdadaanan nila ay bou parin sila. walang bumitaw. at walang ng iwan! sana! kahit minsan maranasan ko ring maramdaman ang pagmamahal ng isang ama,at ina!
para kahit paano maramdaman kung may magulang ako! at hindi ako nag-iisa! Hindi yong puro sila organisasyon!mula noon hanggang ngayon kasi ay mag-isa parin ako. sa isip-isip ko.
habang hithit buga ng sigarilyo.
BINABASA MO ANG
Weakest Part-ON GOING (MAJOR EDITING)
Художественная прозаRhyzen Ernz Mendez-Man of your dreams,! Jacque Kendra Drake-mistery girl! Dean Raidelle Co- the hero REM JAKE DEAN... journey to forever and happy ever after?! O bangungot dahil sa isang misteryong kailangan nilang lutasing magkakasama?! Sino ang ma...