m&c: 1

13 0 0
                                    

(Daurin's POV)

"Eh kung bitchesa ka pala, halika dito." hamon ni Ate Gurl.

"Sure ka ba? Baka mapahiya ka lang sa ginagawa mo, slut." sagot naman ni Ate Gurl #2.

Wow. Such a peaceful morning naman! Andito ako ngayon sa cafeteria namin. Napaka-peaceful talaga. Maiiyak ka nalang talaga sa serenity ng place na 'to. Pag tumingin ka sa kanan, may nagmumurahan. Pag tingin mo sa kaliwa, may nag sasabunutan. Pagtumingin ka ng diretso, may nagbubugbugan with matching dugo. Aigoooo~ How I love this place--

"HOY GAGA, GISING GISING DIN SA REALIDAD MINSAN." sabay batok sakin ni Camille.

"Minsan sana.. iwan mo nalang ako with my thoughts. I need peace.. and quiet.. and less blood action sa paligid."

Oh how rude of me, let me introduce Camille. Camille Brooks is my best friend. She has been with me ever since Middle School (7th Grade). Saksi ako sa mga illegal na gawain nitong beastfriend ko, hohmaygahd. Kung alam niyo lang madlang readers. I would tell you, kaso baka makulong lang 'to. Kaya pass muna.

"ALAM MO BA, HAYUF YANG SI PROF. BRUJA!" ani niya habang nagdadabog dabog.

"Ano nanaman ginawa niya? Wag ka nga sumigaw! Andito lang ako sa harap mo bwisit ka, piste!"

"She assigned me 12 f*cking reports, and half of the assigned reports will be reported starting tomorrow. Sino ba ako? Mukha ba akong diyos para matapos 'to by tomorrow?! I will cut her neck, I swear." sabe niya with gritted teeth.

"Cut her neck, and you'll be stuck in 11th grade, Camz."

I laughed so hard hanggang sa binatukan niya nanaman ako. This girl loves hurting me, baka naman sadist siya kaya ganto?

While Camille is ranting about the reports, I felt like someone was looking at me. So I looked around, and I noticed na there was someone watching me and Camille, well just me. I think. I looked at him and.. he's just staring at me.

Maliit lang school namin, so kilala ko lahat ng tao and since I've been studying here since 5th Grade. I was trying to recognize his face, kaso hindi ko talaga kilala. Sino ba yun? and why the hell is he looking at me? And he look so familiar..

"Wait lang, bili lang ako ng juice."

"Bili mo din ako ng Coke! Thanks, Daurin!"

So I went sa vending machine, and nahulog yung bente ko. Good timing. Bwisit. Lumipad siya sa ilalim ng vending machine, I looked under it and di ko alam kung pano ko siya maaabot. Nagulat nalang ako nang biglang umangat yung vending machine, I looked up and yung boy na kanina pa nakatingin samin was slightly lifting it.

"Kunin mo na habang nakaangat." ani nung lalaki.

I quickly grabbed yung bente ko, and I looked at him.

"Thank you, ha. You saved my bente."

Tumawa siya and nag nod, tapos umalis na siya. Bumili na ako ng drinks and headed back to Camille, she started ranting about the reports ulit, but I cut her off.

"Camille, shut your mouth. Sino yun?"

"Nagsasalita pa ako dito, walangya ka. Saan ba dyan?"

"Ayun oh, sa may pinto! Yung nakatambay malapit sa vending machine. Kanina nakatingin siya satin."

"Oh, baka yan yung new student sa class natin. Remember the morning announcement kanina? May bago daw na student satin." sagot ni Camille while annoyed by the fact na I told her to shut her mouth.

"Ba't kung kelan 2nd sem na, dun siya papasok dito?" I ask with curiosity.

"Bakit ba napakacurious mo? Don't tell me pag papalit mo na si Vin?! Nakakita ka lang ng mas pogi pagpapalit mo na!" ani ni Camille habang tumatawa't hinahampas hampas likod ko.

"Baka naman may kami, Camz?! Wag ako plith. Tara na nga, PhySci na."

We headed out the cafeteria and lumingon ako, and he was still there. I won't lie, pogi siya ha. Papi. Di ganon katangkad, average height. Pero mga bes, pogi. Pogi talaga.


~


"Okay class, we have a new student joining us today,"

Shemz, eto na si Pogi.

"Please come here and introduce yourself."

Pumasok siya sa room, and hutaena, yung awra niya mga bes.

"My name's Chase Connors. Seventeen, please don't bother me and my studies." with cold eyes, he walked to an open seat, and sat there.

Was it my imagination or si Mr. Knight in Shining Armor naging Super Scary Villain?! Pogi nga, masungit naman. What's the point!?

Lumingon ako kase I wanted to look at him again, kung siya ba talaga yung kaninang super hero ko na nagsave sa bente pesos ko. I took a peek and he was looking at me! I turned away and I felt my face burning up. Daurin, calm down. You just met him. No point in getting butterflies agad! I'm not an easy woman. Pweh!

"Ugh finally, tapos na yung class. Saan tayo after school, Daurin?" tanong sakin ni Camz habang humihikab.

"Tara, isaw?"

Ngumisi kame parehas, kase alam namin makakagastos nanaman kame ng 100 dun sa isawan sa labas.

"Okay! CR lang ako, antayin mo ko sa labas ng school, Camz!" banggit ko, habang patakbo akong pumunta sa banyo.

"Have you seen the new student sa 11th Grade?!"

"Ay oo sis, si Chase Connors?"

"Oo gurl, ang pogi niya."

"Diba? kaso medyo scary siya ha,"

Nagchichismisan tong mga Ate Gurl na ito. I'm trying to pee in peace, ang iingay naman.

"Ang hot nung pagkascary niya, ano ba!"

"Should we ask him to hang with us?" sabay tili nilang tatlo. Landi po, mga te.

Lumabas ako ng banyo, and I saw the new student. Nakita niya ako, and he walked towards me. Wait, baka di naman ako nilalapitan nito. So I just started walking, ayaw kong mapahiya. Magmumukha lang akong tanga.

Konting sandali pa, biglang may humila sa 'kin.

"HOY ANO NA, NAGHIHINTAY NA YUNG ISAW KO DUN!" sabay hila sa akin ni Camz.

Ano ba naman 'tong si Camille, umasa ako e. Wag kase assuming next time, Daurin.

Nang kumakain na kame ng isaw, biglang may kumalabit sakin,

"Daurin."

Sinong tumawag sakin? Familiar voice kase, so lumingon ako at nakita ko ang tumawag sakin, "Chase Connors?" ani ko, habang nagtatapon ng stick ng isaw.

"Pano mo nalaman pangalan ko?" tanong ko, at tumingin ako kay Camille at naaninag ko siya na nasa may fishball-an na. Napakatakaw!

"I just know, Daurin Wyatt." sabe niya, sabay ngiti.

Yung mukha ko feeling ko mukha nang kamatis talaga. Easy lang, Daurin. You're not an easy woman diba? Nako, panindigan!

"M-may.. kailangan ka ba?" tanong ko,

"Oo, Ikaw."

What the hell is this boy up to? Anong ako?!

"H-huh..?"

At dali dali niya naman akong hinila paalis sa isawan. Goodbye, isaw!

"T-teka, bitiwan mo 'ko! San mo ba 'ko dadalhin?! Hoy! Hoy, Chase Connors!"

Tumigil siya at tumingin sakin, pero di niya binitawan kamay ko.

"Chase nalang."

Di ko alam kung anong sumapi sakin, ang sakit ng puso ko. Ang bagal ng tibok nito, napalunok nalang ako. At sumunod ako sakanya, kung saan man niya ako dalhin, bahala na. Why do I feel like I can trust him? His face, his voice, it's kind of familiar to me.

Sino ka ba..

..Chase?

Me and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon