m&c: 3

11 0 0
                                    

(Daurin's POV)

It's been a month na since yung time na hinila ako ni Chase. Di ko alam kung bakit pero, going to school seems a lot more fun.

"Daurin!" tawag ni Chase sakin, habang patakbo siyang lumapit sa'kin.

My heart hurts nanaman, pasmado nanaman kamay ko. Bawat palapit na hakbang niya, mas lumalakas yung tibok ng puso ko. Baka marinig niya.

What's happening to me?

"Daurin, anong lalaruin mo sa Sports Fest bukas? Sumali ka ba?" tanong ni Chase

Lately, mas nagiging close na kame ni Chase. When free siya, or wala siyang ginagawa, nilalapitan niya 'ko. Naguusap kame ng kung ano-ano. Masaya siya kausap. Sobra.

"Actually, parang ayaw ko nga sumali. Eh, Ikaw? Ano pinili mo?"

"Basketball." sagot niya,

"Basketball? Marunong ka? Wow!"

"Oo naman, manuod ka ha?" at ngumisi siya.

Ang sakit sakit nanaman ng puso ko. Ano ba 'to, Lord? Papa-checkup ko na ba 'to?

"H-ha..? O-oh sige. Galingan m-mo! Una na ako, ha? Hanapin ko si Camz."

"Sige! Sumipot ka bukas ha!" paalam niya habang papalayo siya.

Ang weird talaga, bwiset. Ngayon na wala na si Chase, okay na ulit ako. Kanina parang nilalagnat nanaman ako, pero ngayon parang walang nangyare?! What?!

Hinanap ko si Camz, naglakad-lakad ako sa hallway. Sumilip ako sa bawat room, kaso no sign of Camille. Pabalik na sana ako ng room namin, nang bigla akong hinarang ng tatlong Ate Gurls.

"Hoy, b*tch." sabe ni Ate Gurl #1.

"Anong kailangan mo?"

"Anong meron sainyo ni Chase Connors?!" tanong ni Ate Gurl #2,

"Wala, bakit?" pagtataka ko,

"WALA?! Wag kame, slut. He only smiles at you, and he's cold samin. We asked kung pwede ba kame makipag-hangout sakanya, and he glared at us. Tapos ikaw, makangiti siya sa'yo kala mo batang nakakuha ng lollipop?! Tapos sasabihin mong walang kayo?!" sigaw sakin ni Ate Gurl #3.

Iritang irita na ako. Di ko alam kung ano bang pinaglalaban ng mga hayup na 'to. I crossed my arms, and let out the biggest sigh.

"Wala ngang kame. Edi sana di nalang kayo nagtanong sakin kung di rin kayo maniniwala, mga bobo." I answered proudly.

Bigla hinatak ni Ate Gurl #1 yung collar ko, "Chase Connors is everyone's eye-candy. And hanggang eye-candy lang siya, he doesn't need to be tied down by one woman only. He's e-v-e-r-y-o-n-e-'s. Kung ayaw mong masaktan, lumayo-layo ka sakanya, b*tch." banta niya sakin,

When the hell did Chase become this popular?! Isang buwan pa lang, pero grabe na yung fame niya.

Pero the words she said really made me mad, and why would I stay away from him?! Ayaw ko nga! Bitchesa sila, at angel ako. Pero I can be a bitchesa, too.

Hinatak ko din yung collar ni Ate Gurl #1, "I do what I want." sagot ko,

Nagkatitigan contest pa kame, and yung mga back-up niya ready na din akong suntukin. She let go of my collar, and I let her go too.

"Tara na girls, we're wasting our time lang." palayo na sana sila, nang biglang lumingon si Ate Gurl #2, "Daurin Wyatt, watch your back." she smirked, and lumakad na sila palayo.

Nakakairita sila. Why would I stay away from Chase? Edi lapitan nila si Chase, pake ko ba. Ba't kailangan ako pa yung didistansya?! Kapal naman ng face nila, kasing kapal ng foundation nila! Mga espasol sila! Pweh.

Me and ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon