Nakaupo sa isang bato si Lira at malalim ang iniisip. Ginalugad niya ang utak kung ano ang pwede maging hakbang upang simulan ang kanyang plano para sa kanyang mga magulang.
'Pwede kaya ang ganito? Paano kung ganyan na lang?'
Pero hindi pa rin niya mahanap ang pinakamagandang gawin.
'Magpatulong kaya ako kay Ashti Pirena? Tutal, kahit masama iyon, marami siyang magandang plano.'
Nanginig ang kanyang balahibo sa naisip.
'Erase. Erase. Huwag ka manghingi ng payo dun, Lira. Saka na lang siguro kapag napagbati mo na silang apat na magkakapatid, at mabait na si Ashti Pirena. Tama. Pwede, Lira.'
Napangisi na lamang siya sa kanyang naisip. May sense din naman kasi. Sa lahat, ang Ashti Pirena niya ang may matalas ang utak.
Napabuntong-hininga siya sa naalalang mga pagtatagpo ng kanyang mga magulang. At bilang anak, siya ang labis na nasasaktan sa kanilang mga pinaggagagawa.
Naalala niya tuloy ang dahilan kung bakit niya ginagawa ito.
******************
Kapiling ni Lira ang kanyang inay at masaya silang nagkwentuhan dalawa tungkol sa panahong inilagi nilang pareho sa mundo ng mga tao. Ikinwento ng kanyang inay ang lugar kung saan sila nakatira ni Ilo Raquim, ang mga nakakalaro niya, ang palabirong si Ninong Jigs, at ang mga kwento ni ilo tungkol sa Encantadia. Noong una, hindi pa naniniwala si inay na totoo ang Encantadia hanggang sa makabalik siya dito.
Habang siya nama'y ikinwento sa kanyang inay ang mga nag-ampon sa kanya at kung bakit nila pinangalanan siyang Milagros, ang mga nilalaro niya noon, at ang pag-amin sa kanya ni Muyak na galing daw sila ng Encantadia.
Masaya siya na nakakabonding niya ang kanyang inay. Pero gusto rin sana niyang makasama ang kanyang itay. Napapansin kasi niya na nag-iiwasan ang kanyang mga magulang ng mga tingin at ang magkatabi sa isa't isa.
Sa sobrang kalituhan, nagtanong siya kina Aquil kung bakit ganun ang inaasal ng dalawa. Ngunit wala silang maisagot sa kanya, o mas tamang sabihin na ayaw nila siyang sagutin.
Mabuti na lamang at narinig niya ang kapangyarihan ng tungkod ni Imaw, at kanya itong palihim na kinuha habang natutulog ito.
Pumanhik siya palayo ng kuta at hiniling sa tungkod na ipakita sa kanya ang dahilan ng pag-iiwasan ng kanyang mga magulang.
---------------------------
Nakita ni Lira ang kanyang mga magulang at si Aquil. Ang kanyang itay ay nagagalit sa sobrang pag-aalala.
"Maaari ba kitang makausap?" Sabi ni inay sa kanyang itay. At lumayo sila ng konti mula kay Aquil.
"Ybrahim, huwag mo na akong alalahanin. At kung maaari, iwasan mo na ang pagpapakita ng ibayong pagtingin sa'kin dahil lalo mo lang pinaglalapit ang mga sarili natin sa isa't isa."
Aakmang lalakad na ang kanyang inay, nang hinawakan ng kanyang itay ang kamay nito.
"Amihan... Amihan anong nais mong gawin ko? Ang hindi ka pansinin o lapitan?"
"Kung iyon ang magpapabalik kay Alena, iyon ang hihilingin ko sa'yo. Kaya ko nang alagaan ang aking sarili." At bumitiw ang kanyang inay sa pagkakahawak ni itay. Lumayo na siya, at kinausap si Aquil.
Bago pa man tuluyang makaalis ang kanyang inay, nakita niya ang titigan ng kanyang mga magulang, at gusto niyang maiyak sa mga emosyong nakikita niya sa mga mata nilang dalawa – sakit, lungkot, at hinagpis.
BINABASA MO ANG
Tagu-Taguan ng Nararamdaman
FanfictionMahal ni Lira ang kanyang Ashti Alena. Mahal din niya ang kapatid/pinsan na si Kahlil. Ngunit mas mahal niya ang kanyang inay at gagawin niya ang lahat kahit 'underhanded tactics' para sila ng kanyang itay sa huli. Tsaka hindi naman niya ipagtutulak...