Mahiwagang Puso

2.1K 52 10
                                    

A/N: Apwes, when you see the musical notes, isabay niyo ang pag-play ng Mahiwagang Puso ha, for a more romantic effect :)


Labis ang ugong ng mga usap-usapan sa buong Encantadia, lalo na sa Sapiro kung saan nagtitipon ang lahat ng mga mamamayan. Bakas sa kanilang mga mukha ang hindi maibsang kasiyahan dahil narito na ang araw ng pinakahihintay nila.

Pati mga pashnea at ang kalikasan ay nakikisaya sa araw na ito. Maririnig sa apat na sulok ng Encantadia ang himig ng mga pashnea, at ang pakikisabay ng kalikasan sa malambing na awit ng pag-ibig.

Sa bulwagan sa labas ng palasyo ng Sapiro nagtitipon ang lahat. Kapansin-pansin ang mga palamuting bulaklak at seda na nagbibigay ganda sa paligid. May arkong yari sa ginto na punung-puno ng mga bulaklak ang nakatayo sa itaas ng hagdanan. May mahabang pulang alpombre ang nakalatag sa sahig mula sa itaas ng hagdan hanggang sa pasukan.

Sa paanan ng hagdan, hindi magawang ikubli ng prinsipe ng Sapiro ang kanyang kagayakan pagkat ilang sandali na lamang ang hihintayin niya upang matawag na 'aking asawa' ang diwatang dadaan sa pulang alpombre mamaya.

"Ybarro, huminahon ka lang. Halatang-halata ang iyong kasiyahan." Pabirong sambit ni Wantuk na nasa kanyang tabi.

"Hindi ko mapigilan, Wantuk. Matagal kong hinintay ito."

Tumawa ito. "Kung ganoon ay kaunti na lamang ang hihintayin mo, Ybarro, hanggang sa mangyari na ang pinapangarap mo."

Nagpalitan sila ng ngiti, at ilang mga salita habang pinapalipas ang oras. Binati din niya ang kanyang nasasakupan habang naghihintay at nakipag-usap sa kanila, hanggang sa napansin niya ang pagdating nina Aquil, Muros at Aves, sina Sang'gre Pirena, Alena, Danaya, Kahlil, at Mira, at sina Anthony at PaoPao na sinundo nila sa mundo ng tao upang makadalo sa araw na ito.

Agad niyang pinuntahan ang kinaroroonan nila at tinanong kung ano ang kalagayan ni Amihan. Ngumiti lamang sila at sabay sabing maayos lang ito sa kanyang silid at maya-maya'y darating na kasama si Lira. Mas lalong lumaki ang kanyang ngiti nang marinig iyon.

Nag-uusap ang lahat nang biglang lumiwanag ang paligid. Nang humupa ay agad silang nagbigay-pugay pagkat ang liwanag na iyon ay si Bathalang Emre.

"Avisala. Napakagandang araw para sa isang magandang pagdiriwang, hindi ba?" Bati sa kanila ng bathala.

"Bathalang Emre, avisala." Bati ni Ybarro. "Nakakagulat na ikaw ay bumaba mula Devas."

"Ako din ay hindi inaasahang bababa ako para sa araw na ito. Ngunit, napamahal na si Amihan sa akin. At may utang na loob ako sa kanya sa lahat ng kanyang ginawa para sa buong Encantadia. Kaya, kung iyong pahihintulutan, ay nais ko sanang ako ang gumawa ng seremonyas."

Nasiyahan siya sa nais nito. "Maaari, Bathalang Emre."

"May isa pa, Prinsipe Ybrahim. May regalo ako sa inyo ni Amihan, at maging sa lahat ng narito." Mula sa kamay ni Bathalang Emre ay nagsilabasan ang napakaraming retre na lumilipad sa kung saan-saan. Sa isang wagayway ng kamay nito, nag-iba ang anyo ng mga retre hanggang sa kumurbo sa hugis ng isang enkantado.

Naiyak ang lahat sa tuwa pagkat ang mga retre ay mga ivtre ng mga nawalay nilang pamilya. Masaya nilang niyakap at hinagkan ang kanilang mahal sa buhay. Kasali na siya doon.

Sa wakas ay nakilala niya na rin harap-harapan ang kanyang tunay na mga magulang – sina Haring Armeo at Reyna Mayne. Nakita niya rin muli ang itinuring niyang ama na si Apitong, at ang kanyang kaibigang si Pako.

"Ikaw pala si Prinsipe Ybrahim." Binalingan niya ng tingin ang nagwika. "Ako si Mine-a at itong katabi ko ay si Raquim, ang mga magulang ni Amihan."

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon