Naglilingkod, Muros

1.6K 47 12
                                    

Minamasdan ng kanang-kamay ng Mashna ng Lireo ang dalawang diwani na nag-eensayo. Hindi niya mapigilan ang hindi sila ipagmalaki sa kanilang nagawa sa kanilang kaarawan tatlong araw na ang nakakaraan.

'Napakatalino ng aking mga diwani at ng kanilang mga kaibigan.'

Nang dahil sa mga laro at pagtatanghal na pinlano ng apat na pasaway, inilutang nila sa diwa at puso ng mahal na prinsipe ang tunay na nadarama nito sa mahal na reyna.

May hindi maipangalang kinang sa mga titig nito sa kanilang hara na hindi kaila sa kanilang mga nakapansin - na sina Lira, Mira, Anthony, Wahid, at siya. Kung hindi mo alam ang nangyayari at hindi sinuri nang maigi ang mga galaw at salita ng prinsipe, hindi mo mapapansin na pinipigilan nito ang sarili na gumawa ng hakbang.

Lumapit si Muros sa mga diwani at binati ng magandang araw.

"Avisala, Muros. Tila masaya ka ngayong araw. May maganda bang nangyari?"

"Hindi ko masabi, Sang'gre Mira."

"Eto naman, napaka-showbiz ng sagot. Di ba, B1?"

"Tama ka diyan, B2."

"Uhh showbiz?"

"Naku, 'wag mo na alamin, Muros."

Kibit-balikat na lamang siya. Kahit naman malaman niya ay maaaring hindi niya rin naman ito maintindihan.

"Siya nga pala, may kailangan ka ba sa amin, Muros?"

"Wala naman. Nais ko lamang magpahangin at lasapin ang kagandahan ng araw. Hahayo na ako, mga mahal na sang'gre."

"Anong nangyari sa kanya, B2?"

"Ewan. Hayaan natin siya, B1. Magpatuloy na lang tayo. Baka mapagalitan tayo ni Ashti Danaya."

Nagpatuloy sa pamamasyal ang kanang-kamay. Ninanamnam niya ang simoy ng hangin at ang pagkakataong malasap ang biyaya ng kalikasan sa Encantadia. Paminsan-minsan lang din siya nabibigyan ng pagkakataon na magpahinga mula sa tungkulin kaya sasagarin niya ito.

Lumipas ang ilang sandali nang mahagilap niya sina Prinsipe Ybarro at Aquil na nagpupulong tungkol sa pagpapatibay ng mga haligi na nakapalibot sa palasyo.

"Avisala, Prinsipe Ybarro, Mashna Aquil."

"Avisala, Muros." Pagbati ng dalawa.

Nag-usap ang tatlo tungkol sa kung ano pang maaaring gawin sa mga haligi at kung anong mga taktika ang maaaring pang magamit upang maibsan ang bilang ng mga kalaban. Hanggang sa mapunta ang kanilang pag-uusap kay Sang'gre Danaya.

"Bakit ako ang mag-uulat kay Sang'gre Danaya, Aquil, kung maaari namang ikaw?" Tanong ng prinsipe.

Umubo ang mashna. "May hindi kami pagkakaunawaan ngayon ng mahal na sang'gre."

Marahang tumawa sina Muros at Ybarro sa pag-amin ni Aquil.

"Hindi ito nakakatawa. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko, ngunit simula ng kaarawan ng mga mahal na diwani ay masama na ang tingin niya sa akin. Muntikan na niya akong mabugbog nang nag-ensayo kami kahapon."

Hindi na mapigilan ng dalawa ang labis na tumawa sa kinahinatnan ni Aquil. Tumigil lamang sila nang binatukan sila ng naiinis na mashna.

"Poltre, Mashna Aquil."

"Agape avi, Aquil."

Bakas pa rin ang aliw na naglalaro sa mga mata ng prinsipe at ng kanang-kamay.

"Sa aking pagkakatanda ay hindi ba't nasabi mo minsan na tinulungan ka ni Diwani Lira ukol kay Sang'gre Danaya? Bakit hindi niyo ulit gawin iyon, Mashna?"

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon