Tampu-Tampuhan

1.8K 38 1
                                    

Ilang araw na ngunit hindi na niya nakakasama si Wahid. Kapag nagtatanong siya kay Muros o sa iba, ang laging sinasagot sa kanya ay sumama ito sa mga pangkat na nagsisiyasat sa paligid.

'Dapat ba araw-araw na sumasama? Na-mi-miss ko na siya. Tsaka sasabihin ko pa sa kanya ang nasabi sa'kin ni Anthony.'

Hindi rin niya mapigilang isipin na may mali sa nangyayari. Feeling niya may nagawa siya na hindi nagustuhan ni Wahid –na umiiwas ito sa kanya.

Habang nagmumuni-muni, umabot sa kanyang tenga na nakabalik na ang pangkat kung saan sumama si Wahid. Agad niya itong pinuntahan at sa ayaw man nito o gusto, magde-demanda siya na magsasama silang dalawa.

Kakaapak pa lamang ni Wahid sa palasyo nang may humila sa kanya. Masama na nga ang mga araw niya nitong mga nakalipas, may naggaganito pa sa kanya. Sisigawan na sana niya ito nang bumungad sa kanya ang masayang mukha ni Lira.

Hindi siya makagalaw. Ang diwatang iniiwasan niya ay nasa kanyang harapan. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nasilayan lang niya muli si Lira ay humupa na ang sama ng loob niya rito.

"Salamat naman at nakasama na kita, Wahid. Alam mo bang nangulila ako sa'yo? Tara, sabay na tayong mag-ensayo. O gusto mong magkulitan? Ok lang sa'kin kung ano. Makasama lang kita, ayos na ako." Masayang sabi sa kanya nito.

Nabuhayan ang loob niya at ngumisi, sabay akbay sa mahal na diwani.

"Hindi ko akalaing mangungulila ka sa'kin ng ganito, mahal kong diwani. Kung alam ko lamamg noong una ay sana matagal ko na ginawa ito." Biro niya rito.

"Eto naman o! 'Yan ang wag na wag mong gagawin." Sabay sa pagkirot nito sa kanyang tagiliran. "Alam mo, akala ko talaga may nagawa akong hindi maganda sa'yo kaya iniiwasan mo ako. Pero dahil ang kulit mo pa rin sa'kin, alam ko na ngayon na mali ang naisip ko."

Hindi niya malaman kung ano sasabihin. Kung kaya'y pilit siyang tumawa at itinulak si Lira palabas.

"Guni-guni mo lamang iyan, Lira. Tara at sa labas tayo. Nakakapagod mag-ensayo kaya maghabulan na lamang tayo."


************************

Samantala, sa kabilang bahagi ng palasyo...

"Mira. Mira, wait!" Hinabol ni Anthony ang dalagang kanina pa niya tinatawag. Mabuti na lamang at huminto ito saglit upang magbigay-daan sa iba kaya nakuha niya ang opportunity na hawakan ang braso nito.

"Sandali nga lang, Mira. Kanina pa kita tinatawag, pero hindi ka tumigil. Gusto lang kita makasama."

"Paumanhin, Anthony. Hindi ko sinasadyang hindi marinig ang tawag mo. Marami pa kasi akong mga gawain."

"Oh, okay. You need help? Maaari kitang tulungan."

"Hindi na. Kaunti na lamang ang mga iyon."

"Kahit na. I'll be happy to help you."

She just shook her head. And gave him a small smile.

"Gusto ko lang na makasama ka, Mira. Ilang araw na din kitang hindi nakaka-usap man lang. I know you're busy, at naiintindihan ko 'yun. I just miss you."

"Miss you?" Pagtatakang tanong nito. "Ano ibig sabihin niyan?"

"I miss you. Nangungulila ako sa'yo."

"Talaga?" May twinkle sa mga mata nito na ikinaluwag ng loob niya.

"Oo." He firmly answered.

"Sa tingin ko ay may libre akong oras ngayon. Hindi pa naman ako pinatatawag ni ina sa kung ano na ang nalaman nila patungkol sa aking tunay na ina. Nais mo bang lumabas at maglakadlakad?"

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon