Katuparan ng Kahilingan

1.9K 48 6
                                    

Nasa lagusan ng pagkaligaw sila PaoPao at Anthony para magpaalam kina Lira, Mira, at Prinsipe Ybarro. Apat na araw din silang namalagi sa mundo ng tao upang magawa ang sinabing plano ni Lira – ang gitara at ang practice.

"Paalam, Anthony, PaoPao. Avisala eshma sa pagpapatuloy ninyo sa amin sa inyong tahanan. Alagaan ninyo ang inyong mga sarili." Sambit ni Ybarro sa kanila.

"Opo, Kuya Ybarro."

"Mira, mag-iingat ka dun ah. Aantayin kita." Sabay halik ni Anthony sa noo ni Mira.

"Ikaw din, Anthony." Malambing na sagot ng dalaga.

"Ate Lira, bye-bye po."

"Bye-bye din, PaoPao."

Nagyakapan ang grupo sa isa't isa bago umalis ang mga taga-Encantadia pabalik sa kanilang mundo. Sinalubong ang tatlo ng pinuno ng mga Bandido.

"Avisala, Diwani Lira at Mira, at Prinsipe Ybarro."

"Avisala."

"Tumupad ako sa ating usapan, mahal na prinsipe. Ngunit, hindi ko nais na maulit pa ito mula sa inyo. Mangako kayo sa akin." Matigas na sabi nito sa kanila.

"Pangako, pinuno ng mga Bandido."


Apat na araw bago ang kinasasabikang eksena...

Pagbalik nilang Sapiro, agad na hinanda nina Lira at Mira ang mga kakailanganin nila para sa gagawing eksena sa gabi ng pinakahihintay nilang sandali. Nagpatulong sila kina Kahlil, Muros at Wahid upang mamitas ng mga bulaklak na nasa dati nilang pinagkutaan – iyong dating tagpuan din nila ni Wahid. Ginamitan nila ito ng kapangyarihan upang hindi malanta.

Agad naman tumulong ang tatlong lalaki. Bakas sa kanilang mga mukha ang pananabik na magbunga ang pinaplano ni Lira. Dalawang malalaking buslo ang napuno nila at agad na dinala sa Lireo – ang lugar kung saan magaganap ang kinasasabikan nila – at itinago muna sa likod ng damuhan hanggang sa magamit apat na araw mula ngayon.


Tatlong araw bago ang kinasasabikang eksena...

Sa kung hindi malamang dahilan, umabot sa tenga ni Aquil ang ginagawa nila, at ang nakakabigla ay kusang-loob itong tumulong sa kanila. Ang sagot ng mashna ay nagbitaw ito ng salita dati kay Lira na kapag natapos na ito ay may basbas ito na ipagpatuloy ang naudlot na plano at tutulong siya.

Tinanggap ng mga diwani ang alok na tulong ni Aquil. Ang trabaho nito ay siguruhin na malayong-malayo si Hara Amihan sa Lireo buong maghapon tatlong araw mula ngayon.


Dalawang araw bago ang kinasasabikang eksena...

Matapos ni Aquil, ay sunud-sunod na ang tulong na natatanggap nila – mula kay Wantuk, Abog at mga kawal Lirean, mga kawal Sapiryan, at pati mga Ascano at Bandido. Ang sabi nila ay lihim nilang sinusuportahan sina Prinsipe Ybrahim at Hara Amihan noon pa man. Hindi lamang nila pinapakita dahil hindi sila sigurado kung may pag-asa ba ang dalawa.

Ang nakaatas sa kanila ay linisin ang balkonahe na nakaharap sa hardin ng Lireo, pati na rin ang hardin. Kailangan din nilang gumawa ng hagdang mataas na gagamitin upang makaakyat si Ybarro papunta sa balkonahe.


Isang araw bago ang kinasasabikang eksena...

Pusupusan ang pagtatrabaho ng lahat upang matapos ang mga nakaatas sa kanila. Nang tinanong ang mga kawal Lirean kung bakit nila nililinis ang balkonahe at ang hardin ng iba, sagot nila ay nais lamang nilang gawin iyon dahil wala na silang ibang mapaglaanan pa ng lakas.

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon