Special Chapter: DanQuil

2.3K 53 12
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinasanay si Lira, kasama si Kahlil, ngayong araw ni Aquil. Gusto sana ni Lira na kasama si Wahid, ang kaso hindi siya pinapansin nito ng ilang araw na. May sama pa rin ito ng loob sa kanya. Nakasimangot tuloy siya lagi kasi walang nagpapatawa sa kanya.

Sa mga araw na ito, si Kahlil na ang nakakasama niya. Pumayag kasi si Ashti Alena na mag-bonding silang magkapatid.

Mahal naman niya si Kahlil, ang kaso hindi kasi siya funny. Laging seryoso. Kahit mag-joke siya, hindi nito mage-gets. Ito lang ba ang nagawa ng basbas ng Ashti Pirena niya? Ang maging seryoso ang binabasbasan? Na wala man lang kiliti sa katawan?

"Nais mo bang tulungan kita, mahal na prinsesa?" Hinarap niya ang nagsalita at ngumiti nang makita si Alira Naswen.

"Naku, huwag na, Alira. Ayoko makaabala."

"Ikararangal kong turuan kita ng aking nalalamang mga galaw sa pakikipaglaban, aming diwani."

Wala naman siyang magagawa kung nagpumilit ito, kaya kibit-balikat siyang sumang-ayon. Ipinakita sa kanya ni Alira ang kung paano sanggain ang mga tira ng espada ng kalaban. Pati na rin kung paano maprotektahan ang sarili sa pagkakataong wala siyang armas.

Nagiging masaya pa rin naman pala ang kanyang araw kahit na hindi niya kasama si Wahid. Makalipas ang ilang sandali, lumapit si Aquil sa kanila at nakita niyang nagkunot ang noo nito.

"Alira Naswen, ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?"

Nagtaka si Alira. "Tinuturuan ko lamang ang ating diwani, Mashna Aquil."

"Nakikita ko. Ang ibig kong malaman ay kung bakit gayung may sakit ka nitong nakaraang araw at kagabi lamang humupa ang iyong lagnat."

"Paumanhin, Mashna. Ngunit, maayos na ang aking kalagayan. Hindi po dapat kayo mag-alala sa akin."

"Gayunpaman, dapat mo pa ring magpahinga. Halika't sasamahan na kita sa iyong kubol."

Ngumisi lamang si Lira habang sinundan ng tingin ang dalawa. "May pagka-gentleman din naman itong si Aquil e."


*******************

Nagkaroon ng pagkakataon si Lira na makasama ngayong araw ang kanyang inay. Kakatapos lang ng kanyang pagsasanay kay Aquil nang lumapit ang kanyang inay at minasahe ang kanyang mga braso.

"Ako na siguro ang pinakamaswerteng anak sa buong Encantadia. Kayo po kasi inay ang nagsisilbi sa'kin, kahit na dapat ay ako ang gumagawa nito sa inyo." Pagmamalaki niya sa lahat ng makarinig.

"Hayaan mo na ako, Lira. Hindi ko ito nagawa sa iyo noong bata ka pa, kaya pagbigyan mo ako ngayon na gawin ito. Bumabawi ako sa panahong nasayang." Nakangiting sabi sa kanya nito, sabay halik sa kanyang noo. "E correi diu, Lira."

Lumaki ang kanyang ngiti, at ninanamnam ang haplos ng kanyang inay. Tumigil lamang ito ng pinaalam ni Ashti Danaya na kinailangan nitong suriin ang ginawang mga patibong nina Ilo Apitong, at pinuntahan sila.

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon