Sa Wakas

1.6K 52 5
                                    

Nasa gitna ng kakahuyan nagtatago si Ybarro. Hindi niya nais na may umistorbo sa kanya sa pagkakataong ito. Ilang beses niyang tinira ang mga puno gamit ang kanyang armas. Mababakas ang marka ng talim ng kanyang espada sa mga punong nadamay sa kanyang sumabog nang damdamin.

Sa bawat hampas ay isa-isang nagbalik sa kanyang diwa ang mga nasambit ng mga kasama tungkol sa kanyang nararamdaman.


Si Lira...


"Itay... hanggang kailan niyo po ba ibabaon ang katotohanang mahal na mahal niyo po si inay? Alam niyo po bang pansin ng lahat kung ano ang pakikitungo niyo kay Ashti Alena? Itay, bilang kaibigan na lang. At hindi kaila sa aming lahat na hindi niyo gusto ang pag-iiwas ninyong dalawa ni inay. Lagi po kayong galit, at mas lalong nagagalit kapag may ibang lalaking lumalapit sa kanya. Mag-pretend man po kayo na masama ang tingin sa kanya, pero ang totoo ay nasasaktan kayo na sa iba siya lumalapit at sumasandal. Itay, tama na po. Please."


Simula nang maipaalam sa kanya iyan ni Lira – na kaibigan na lang ang turing niya kay Alena – hindi niya mapigilang suriin ang sariling pakikitungo kay Alena sa mga sumunod na araw hanggang ngayon.

Kapag magkasama sila, napagtanto niya na ang dating dagundong ng puso noong magkasama pa sila ay hind nangyari. Ang tibok ng kanyang puso ay hindi napapakali at natataranta. Ikinumpara niya ito sa ibang mga babae, at nahinuha na tulad rito ay wala siyang naramdaman. Pagkatapos ay naglakas-loob siyang lumapit kay Amihan. At doon, nangyari ang lahat – ang pagdadagundong ng kanyang puso, at ang hindi pagkapakali at ang pagtataranta nito.

Nagsabi din si Lira ng selos. Hinukay niya ang alaala kung nagselos ba siya kay Hitano dati. Nangunot ang kanyang noo nang wala siyang makuha. Ang tanging lumutang lamang ay ang galit niya kay Hitano dahil sa pagbabanta nito sa kanyang pamilya na sasaktan sila kapag nalaman nitong buhay pa rin siya.

Binaling niya ang isip kay Amihan at sa mga nakapaligid na lalaki rito. Nang magpakita ang imahe ay nagkumo ang kanyang kamay, ni hindi niya inalintana ang sakit. Ang batang si PaoPao, wala siyang problema. Doon sa kambal-diwa nito siya may problema.

Pati na din doon sa nagpapadala ng liham. Malaki ang pasasalamat niya kay Bathalang Emre nang tumigil na ito pagkat hindi niya gusto na may inilaang ngiti si Amihan sa ibang lalaki, liban sa kanya at kay batang PaoPao.


Si Muros...


"Hindi maalis sa aking isip ang tinuran mo, mahal na prinsipe. Na salamin ng isang babae ang kung ano o sino ang kanyang minamahal."

"Siyang tunay, Muros?"

"Siyang tunay. Hindi ko maiwasang hindi usisain ang kung sino ang sumasalamin sa inyo, mahal na prinsipe. Si Mashna Aquil ay halatang si Sang'gre Danaya ang sumasalamin sa kanya, habang ako ay wala pang enkantadang bumihag sa aking puso. Ang hindi ko mawari ay kung sino ang sumasalamin sa inyo, mahal na prinsipe."

"Aaminin ko sa iyo, Muros... na isang babae ang sumagi sa aking isipan. At tanggap ito ng aking puso. Maaari ngang... maaaring ang babaeng ito nga ang ninanais ng aking buong pagka-enkantado na makasama habang buhay."

"Ano man ang magiging sunod mong hakbang, Prinsipe Ybarro, ay nakasuporta ako sa iyo. Sana ay maging maligaya kayong dalawa."


Sa totoo lamang ay nagulat siya nang marinig iyon mula kay Muros. Dito niya napagtanto na tunay ang nasabi sa kanya ni Lira dati na hindi kaila sa lahat ang pag-iba ng kanyang nararamdaman. Pagkatapos noon ay itinanong niya ang sarili, 'Salamin nga ba namin ang isa't isa?'

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon