Pagbalik sa Nararapat

1.8K 45 4
                                    

A/N: Higit sa lima pa pala ang natitira since Pag-uusap Nila Ni Anthony. May ilang chapters pa pala before epilogue^^.

Evia livea Lireo. – Long live Lireo.

Muste maste Lireo, Adamya, at Sapiro. – Peace to Lireo, Adamya, and Sapiro.

Ashte mashte lesnum Encantadia. – May peace be kept throughout Encantadia.

Masne sera – Mapayapang gabi.



Tinulungan ng mga Sang'gre ang kanilang mga kasama sa pagbalik sa kanilang mga tahanan. Gamit ang mga brilyante, binalik nila sa dating ayos ang mga tuluyan nito, pati na rin ang dating kagandahan ng buong Encantadia.

Pagkatapos, nagtipon ang lahat sa muling pag-apak ng mga diwata sa kanilang tahanan – sa Lireo. Labis ang tuwa ng mga diwata dahil sa wakas ay nakauwi na din sila sa kanilang tirahan. Inayos nila ang mga gamit at ibinalik ang dating palamuti ng palasyo na tinanggal ng mga Hathor.

Mula sa kanyang trono, masayang hinarap ni Amihan ang lahat ng mga diwata at ang kanilang panauhing mga Adamyan at Sapiryan.

"Avisala! Maligayang pagbabalik sa Lireo, mga kasama!"

Naluha ang mga diwata sa labis nilang nararamdamang kagayakan.

"Evia livea Lireo!" Sigaw ni Aquil.

"Evia livea!"

"Muste maste Lireo, Adamya, at Sapiro!" Sigaw ni Muros.

"Muste maste!"

"Ashte mashte lesnum Encantadia!"

"Ashte mashte lesnum!"

Naghiyawan ang lahat sa tuwa dahil bumalik na sa kanila ang kapayapaan na tinatamasa dati para sa Encantadia.

Habang nagtitipon ang lahat, tinungo ni Amihan sina PaoPao at Anthony na masayang nakikipag-usap kina Lira, Mira, Kahlil, at Wahid. Natunaw ang kanyang puso nang makitang nagkakasundo ang mga bata. At naawa din sa kanilang pangkat sa kanyang ibabalita. Batid niyang naging malapit ang anim sa isa't isa, at nasasaktan siya para sa kanila.

"Ina!"

Masayang niyakap siya nina PaoPao, Lira at Mira na kanyang sinuklian. Nagbigay-pugay naman sina Kahlil, Anthony, at Wahid sa kanya na kanyang nginitian.

"PaoPao, Anthony, may ibabalita ako sa inyong dalawa. Maibabalik ko na kayo sa mundo ng tao – sa inyong tirahan."

Kumirot ang kanyang puso sa pagkawala ng saya sa kanilang anim. "Bibigyan ko kayo ng panahon upang makapagpaalam sa naging kaibigan ninyo dito. Bukas, uuwi na kayo sa mundo ng tao."

Iniwan niyang tahimik ang anim na magkaibigan. Habang paalis ay pinipigilan niyang maiyak para sa kanila.

Nang makaalis si Reyna Amihan, binasag ni Kahlil ang kalungkutang bumalot sa kanila.

"Hindi ko inasahan na..." Hindi maituloy ni Kahlil ang nais niyang sabihin.

"Mangungulila ako sa inyong lahat." Sabi ni Anthony. "Huwag na kayong malungkot. Alam naman natin na darating ang araw na'to, di ba? Sulitin na lamang natin ang araw na'to. Ayokong umalis na wala man lang isa pang masayang alaalang kasama kayo."

"Tama ka, Kaibigang Anthony." Pagsang-ayon ni Wahid. "Maglaro muli tayo ng batu-batohan ng putik bilang regalo ng masayang inilagi mo dito sa Encantadia. Sandali lang at ihahanda ko ang ating mga kagamitan sa labas." Nagmadaling umalis si Wahid na hindi nais na makita ng mga kaibigan ang lungkot sa kanyang mata.

Tagu-Taguan ng NararamdamanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon