YARA's POV
Bakit parang ang tagal naman ata ni Marie? Kanina pa sya nagpaalam na pupunta sya dito.
Ang boring naman.
Ineexpect ko kasing may kasama ako ngayon.
"YARA!" may narinig na akong kumakatok sa may gate pero alam kong di si Marie yun.. Boses lalaki eh.
"JACOB?!" Bakit andito si Jacob? Napatingin naman ako sa akay nya.. OMYGHAD! "MARIE?!"
Dagli ko silang pinapasok.
Si Marie, nanghihina sya. Namumutla. Hindi makasalita.
"anong nangyari?" tanong ko habang pinapainom si Marie ng tubig. Parang di kasi sya mahimasmasan.
Pagtingin ko kay Jacob, may sugat sya sa mukha at mukhang pasa pa yung iba.
"may nangyari bang masama?"
"medyo?" sagot na mukhang nagtatanong na din. Ano ba yan?
"anong medyo? Teka nga.. Ang gulo ng sitwasyon nyo.. Teka.. Etong si Marie mukhang nanakawan ng kaluluwa. Ikaw naman nabugbog. Saan ba kayo nanggaling? Bakit magkasama kayo?"
After the long story, naunawaan ko na.
Nakursunadahan pala si Marie at naligtas sya ni Jacob.
YEI! Ako na ang masamang bestfriend pero natutuwa talaga ako sa nangyari. Hahaha.. Kinikilig ako!
"Teka, Jacob, kukuha lang ako ng first aid kit para malinis yang mga sugat mo."
Kumuha na din ako ng yelo at icebag para sa pasa ni Jacob.
Tsk.. Nakakaawa naman sila pero sana ito na yung simula para sa kanila ni Marie. Kabait naman kasi ni Jacob para ayawan ni Marie.
*DING DONG*
huh? 10:30 PM na.
Sino pa kaya ang pupunta dito ng gantong oras?
"eto na yung kit tsaka icebag.. Ikaw na bahala, Jacob. Puntahan ko lang yung gate."
Bago ako lumabas ay tumingin muna ako kay Marie.
Bakit kaya naman sobrang tulala nito? Kanina pa syang walang kibo.
"Sino yan?" pagbukas ko ng gate.. "Drew? Dis oras na ng gabi.. Ano pang ginagawa mo dito?"
"pinapadala kasi ng Mommy ito." may dala syang paperbag ng max's.
"oh.. Salamat.. Pasok ka muna? O alis ka na?"
Pero bago pa makasagot si Drew ay narinig kong umiiyak ng malakas si Marie at sorry ng sorry kay Jacob.
"may.. Kasama ka?" tanong ni Drew.
"oo.. Si Marie at Jacob.."
Napataas ang kilay ni Drew sa sinabi ko as if he's asking why.
"nakursunadahan kasi si Marie tapos naligtas sya ni Jacob."
"oh.."
"ay teka.. Pano ka uuwi? Commute?"
"nah.. Tingin mo pa ba may byahe pa ng gantong oras?"
"ha? Anong ibig mong sabihin?"
"dito mo ba papatulugin si Jacob?"
"ha? Ano.. Baka.. Kung hindi sya uuwi eh.."
"wag na.. Delikado na.. Baka makursunadahan ulet sya.."
"o...ok?"
Pumasok na kami sa loob to see na nakayakap si Jacob kay Marie na sobra ang pag-iyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/696557-288-k41069.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart > Mind (Heart Over Mind)
FanfictionHeart over Mind. Ano ba dapat paganahin? Utak o Puso? Saan ka ba mas masasaktan?