Kahit na tinarayan ko si Drew kanina, kinabahan pa rin ako dun sa tingin nya. Nakakatakot eh.
Tsk.
Uwian na nga pala at dahil dun magsisimula na akong tahakin ang daan patungo sa bahay namin.
Habang naglalakad at dumadaan ako sa park, nakita ko n naman yung pamilyang nagkekwekkwek dun sa tabi. Hay.. kung buhay lang ang pamilya ko, siguro ganyan din kami. Yung nagsasama-sama sa pamamasyal. Namimiss ko na ang Mama at Papa ko. Ang cute pa nung mga anak nila... parehong babae. Siguro mga 9 years old na sila. PAreho ng damait. Pareho ng puyod. Pareho ng bag. Pareho ng sapatos. Same Height. Same body built. Kambal kasi. Ang cute talaga.
Speaking of kambal, hindi ko na nakita si Lexie pagkatapos nya mag-walk out kanina. Saan kaya yun nagtungo?
"AY PALAKA!" nagulat ako nang may tumulak sakin.
"Hi, Yara!" Speaking of the Devil. Si Lexie lang pala.
"UI!" yun lang ang nasabi ko. Wala naman akong masabing iba.
"Mag-isa kang naglalakad? Bakit?" tanong nya sakin habang sinasabayan nya ako.
"OO, malapit lang yung bahay namin. Ikaw? Bakit ka nga pala nawala kanina sa school?" tanong ko sa kanya.
"Ah. Nagutom kasi ako tapos dinagdagan pa ng kaartehan ni Drew. Kaya ayun, pumunta na lang ako sa canteen tapos gutom pa din ako kaya pumunta ako sa mall para kumain. Tapos pagbalik ko, wala na kayo." sabi nya.
"Ganun ka pala? Pag gutom, as in GUTOM talaga na walang makakapigil sayo na kumain, ang tagal mo kasing kumain eh."
"OO... nagpapataba kasi ako. Ang payat payat ko kasi. Tsaka, mahal ko talaga ang pagkain eh."
"Nagpapataba?! Samantalang ako, lahat na ata ng technique ng pagpapayat nagawa ko na, hindi pa rin effective." I chuckled. "Teka, why are you walking with me? Same directions ba?"
"Nope, ayaw ko munang umuwi sa bahay. Gusto ko munang maglak-lak-lak.. how do you call that again? Yung stroll?"
"Maglakwatsa. Ah.. saan ka naman maglalakwatsa?" papaliko na ako sastreet na sunod eh dahil dun na yung bahay namin.
"Sa bahay nyo..."
"ANO?! Walang mall sa bahay!" nagulat naman ako sa sinabi nya. Bakit sa bahay? ADik naman nito!
"Hindi naman kasi ganung stroll. I want to meet your family. Kasi di ba friends tayo?" MEET MY FAMILY?!
"EEh?! Wala na akong pamilya, Lexie. Kaya wala kang madadatnan dun." sabi ko naman sa kanya at tumigil na kaming maglakad kasi nga liliko na ako.
"Dito ba sa street na to ang bahay nyo? Tara!" tapos naglakad na ulit sya sa street namin. "Then, I'll stay there. Kwentuhan tayo."
"Eh? Wag na . Boring akong kausap."
"Then I'll talk."
Wala na rin akong nagawa. Mapilit eh. So ayun nga, pinapasok ko na sya sa bahay namin na maliit lang. Tamang tama lang para sa tatlong tao itong bahay na ito.
Yung tinitirahan ko, yun pa rin yung bahay na iniwan sakin ng mga magulang ko. Yung mga gastusin ko sa bahay, kinukuha ko sa naipon na pera ng tatay at nanay ko. Tapos may part time din ako as taga-bantay ng mga pinsan ko, bata sa kapitbahay, in short, Nanny.
Naghayin ako ng popcorn at soda sa kanya at lumupagi kami dun sa sahig ng living room namin.
"Yara, sila ba parents mo?" tinuro nya yung picture ng Mama at Papa ko na nakasabit sa sala.
"OO."
"Where are they?"
"In heaven."
"Sorry to hear that but can I ask why?"
"Kasi time na nila?"
"No, I mean how did they die?"
"Plane Crash. Last year lang yun nangyari."
"Oh... kwento mo pa kung anong nangyari and how you support yourself how do you live and who owns this cute house and eveything."
So kwento kwento naman ako sa kanya . Tanong kasi ng tanong tong si Lexie. OK na rin yun kesa naman bored na bored na ako kapag wala akong kasama at kausap. Kahit ako yung nakekwento dito, mas madami pa rin yung sinsabi nya.
"Ang galing mo. Independent ka na! Gusto ko maging katulad mo!" sabi nya. "Pwede ba akong dito na lang tumira?"
"HAAAA?!"
"Kasi gusto ko ding maging katulad mo. I want to be independet pero hindi ko alam kung paano. Lagi kasing nanjan ang parents ko para sumuporta. So siguro kung hihiwalay ako at sasama sa marunong maging independent baka matuto din ako. Diba?" may pataas taas pa siya ng kilay. "Nice Idea diba?"
"Uh.. No. You don't need to live here para matuto kang maging independent. Uh... simulan mo siguro sa maliit na bagay. Like, hindi ka na magpapagising sa umaga. Hindi na sila ang magluluto para sayo. Ikaw na yung magliligpit ng kwarto mo. Sa mga ganun. Then unti-unti, matututunan mo ring pagsilbihan ang sarili mo without the help of others diba? Indepedent din ang ibig sabihin nun."
"Talaga? Wow.. IDOL KA! Oh sige, ta-try ko bukas na bukas din!"
"Hehe... hindi naman."
[Baby Jhu: HAPPY FIESTA! Anu ba yun? Putukang-putukan dito sa amin kala mo pyesta. Hindi naman! Nagugulat tuloy ako! >.<]
Bago pa sya umalis ng bahay dahil medyo pagabi na rin may pinahabol pa syang sinabi.
"I like you! BESTFRIEND NA KITA AH!" sabi nya tapos nagskip skip na sya paalis.
Ano ba yun?
*BOOM!*
![](https://img.wattpad.com/cover/696557-288-k41069.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart > Mind (Heart Over Mind)
FanfictionHeart over Mind. Ano ba dapat paganahin? Utak o Puso? Saan ka ba mas masasaktan?