3 || Paalam Na Hindi Na Maibabalik Pa

6.3K 58 3
                                    

Noong una tayong magkakilala, hindi ko akalaing magiging ganito.

'Yung tipong ikaw lang at ako sa mundong ito.

Mga ala-alang ating pinagsamahan,

Mga kwentong matamisan,

At tawagan na hindi inaasahan.

Minsan, naisip ko, ikaw na siguro ang bigay ng Panginoon.

Ang lalaking inaasam-asam ko noon pa man.

Kahit na tayo'y magkalayo,

Pagmamahala'y kailan man 'di naglaho.

Mga palitan ng matatamis na salita'y pawang totoo.

Ngunit isang araw ika'y biglang 'di nagparamdam.

Ako'y tuliro at maraming agam-agam.

Ako yata ay mababaliw.

Sa kai-iisip sa'yo O, aking giliw.

Pasan ko ang mundo,

Nang malaman ko ang totoo.

Ang totoo na ika'y basta-basta na lamang sumuko.

Basta-basta na lamang bumitaw.

Ano ba ang aking nagawang mali?

Bakit ganoon na lamang kay daling,

Bitawan ang lahat ng masasayang ala-ala,

Na ating pinagsaluhan?

Sabi mo noon, walang bibitaw,

Pero bakit ikaw mismo ang sumira sa iyong pangako?

Ganoon na lamang ba kadaling itapon lahat ng ala-ala?

At bigla na lang mawawala na parang bula?

Ayoko na, ayoko na.

Pagod na akong ipaglaban ka.

Pagod na akong paniwalain ang sarili ko na babalik ka sa akin.

Pagod na akong umasa.

Umasa na magiging maayos ang lahat,

At babalik ang lahat sa dati.

Ayoko na.

Paano pa ako lalaban kung wala na akong pinanghahawakan?

Bago matapos ang tulang ito,

Nais ko lamang sabihin sa'yo,

Lahat ng ipinaramdam ko'y mula sa puso.

Makalimutan ka man ng isip ko, pero ang puso ko, hindi.

Hinding-hindi ka makakalimutan.
Ang ngiti mo,

Ang mga mata mong kumikislap,

Mga tawa mong musika sa aking tainga,

Lahat ng iyon ay hindi makaklimutan nito. . . ng aking puso.

Ito na ang huling beses na sasabihin ko sa'yo na,
Mahal kita.

Paalam na, aking sinta.

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon