Author's Note:
This poem was written by my blockmates (Isabel, Meggie, and Cel) and I for our presentation in our subject, Theology.
It illustrates the image of Jesus Christ. Who is Jesus Christ for you?
•••
Sa pagmulat ng aking mga mata,
At sa pagtapak ko sa mundong ibabaw
Isang nilalang na walang kamalay-malay
Inosente at walang kamuwang-muwang sa mga bagay-bagay.
Walang ideya sa kung ano ang nagaganap sa paligid.
Hindi kita kilala.
Sino ka nga ba?
Habang lumalaki ako,
Pagtataka’y sumusulat sa aking mukha
Sino ka nga ulit?
Bakit tila ang mga tao ay takot sa’yo?
Iniiwasan na magkamali sapagkat iyong sinabi.
Bakit lahat ng tao ay taas-noo kang sambahin?
Bakit ka nila tinitingala?
Minsan naisip ko tuloy na baka nababaliw lang sila,
O 'di kaya’y hindi lamang ako kasali sa lipunang kinabibilangan nila.
Natatawa na lang ako.
At ako'y nandito.
Nakatayo sa kalagitnaan ng gabi.
Mga yapak kong ni hindi man lang naririnig.
Walang hawak kundi isang ikinabibigatang kaluluwa.
At narito ako.
Nakaupo sa kama.
Tumitingala sa mga ilaw na kumikislap.
Walang hawak kundi isang puso'y puno ng kalungkutan at humihingi nang kasagutan.
Nariyan ka ba, o Diyos?
Ako'y narito, nakaluhod.
Na parang isang tupang ligaw.
Nawalay sa Inyong gabay.
Ngunit ako'y namulat at naniwala,
Ako'y nanatili at dumepende sa iyong pagmamahal.
Kahit hindi kita nahahawakan o nakita kahit saan man,
Pero Dahil sa iyong pagmamahal at aking pananampalataya,
Ako'y patuloy hihilig sa iyo, oh, aking tagapagligtas.
Akala ko nung una sa Bibliya isa ka lang tauhan,
Na kayang gumawa ng dakilang himala,
Subalit sa pagdaan ng panahon at pagsubok
Higit kitang nakilala at dapat palang sambahin
Isa kang manunubos na dapat tingalain
Dapat igalang at dapat mahalin
Sa oras ng pagsubok
Sa aking pag-iisa
Tanong ko sa sarili ano ang dapat gawin
Sa mata ni Hesus ay tama at magaling
Mahal kong Kristo na aking kaibigan,
Tapat magmahal habang ako’y nabubuhay
Sa aking pag-iisa sa mundong ibabaw
Sumbungan ko'y aking diyos ng aking hinanaing
Alam kong gabay ko'y ikaw sa aking kalungkutan
Kasama ko sa araw araw at buong magdamag
Handang dumamay magpakailanman
Sa mundong puno ng kasamaan,
Ang maging makasalanan ay hinding hindi ko kayang iwasan,
Ako'y nabuhay na naranasan ang kasakiman at walang tigil na digmaan sa aking puso't isipan,
Pero ako'y iyong patuloy na pinapatulog sa iyong bisig.
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
Poesía- Compilation of my Poems - These are all originally written by me - In english or tagalog - Some are impromptu or on the spot Highest Rank: #17 in Poetry as of August 14, 2017 11:30PM Highest Rank: #12 in Poetry as of October 12, 2017 9:06PM Highes...