• Open Letter for Jayson •

647 7 1
                                    

Author's Note:

This is an open letter for the guy I loved. Hindi man niya ito mababasa but I know this is the only way for me to release my feelings. Although nagkausap na kami at nagkaroon na ng closure, hindi ko pa rin maiwasang mainis and at the same time, malungkot.

Please listen to the songs, Sana by I Belong to The Zoo on media, and Kung 'Di Rin Lang Ikaw by December Avenue Featuring Moira Dela Torre below while reading the letter. You can choose either of the two. Use earphones or headphones for best experience.

Thank you and enjoy reading!

*Kung 'Di Rin Lang Ikaw by December Avenue and Moira Dela Torre*

***

January 5, 2019

Dearest Jayson,

Hindi ko alam kung paano at saan ko sisimulan ang pagsulat ng liham na ito. Siguro sa pagbati na lang ng, Manigong Bagong Taon. So, yeah. Una sa lahat, gusto kitang batiin ng maligayang bagong taon. Alam mo, marami akong gustong sabihin sa'yo ngunit sa tuwing magkausap tayo, tila ako'y tinatakasan ng lakas ng loob. Na para bang may nakabara sa aking lalamunan. 'Yong inis, irita, at galit na nadarama ko, para bang ice cream kung matunaw. Na marinig ko lang ang boses mo, nawawala na sa isang iglap. Kaya heto ako ngayon, idinadaan ko na lamang sa sulat.

Alam kong tapos na tayo. Hindi man naging tayo sa huli (muntikan na), gusto kong malaman mo na kailan man ay hindi kita makakalimutan. I mean, I have to move on para makalimutan ang sakit hindi para kalimutan ang mga masasayang ala-ala.

Meron nga bang magagandang ala-ala? *Ngumiti nang mapait*

Alam mo ba, sabi ko, kapag naipasa ko lahat ng grades ko, magkakaroon na ako ng boyfriend. Believe it or not, pinangako ko iyon hindi lang sa sarili ko kundi kay Mama. Alam mo ba? Napakasaya niya. Tila may kislap sa kanyang mga mata. Kakaiba nga ata ang nanay ko, ano? Sa lahat ng magulang, siya pa ata 'yong masaya kasi magkaka-boyfriend ang kanyang anak samantala 'yong iba ay ayaw pa nila. Gusto na rin kasi kitang bakuran, alam mo 'yon? Gustong-gusto ko sabihin sa lahat na, "This man captures my heart." O 'di kaya, "He's mine. Back off!" Kasi alam kong pagdating mo dito sa Maynila ngayong taon, maraming mga babaeng aaligid sa'yo. Syempre mahirap na at baka maunahan. At ayoko rin na makipagsabunutan pa ako para lang sabihin sa kanila na akin ka. Ngunit.... Sadyang mapaglaro ang tadhana.... Gaya nga ng sabi mo na, hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin.

Nakalulungkot nga lang, ay hindi na tayo nagkita pa sa personal. Alam mo bang sabik na ako sa araw sana ng ating pagkikita? Pero ayan nga at nangyari ang komprontrasyon at sa mismong araw ng pagpasok ng 2019 pa nangyari. Ang saklap, hindi ba? Dapat masaya pero hindi eh. Kung alam mo lang, nasaktan ako sa lahat ng sinabi mo. Syempre, sino bang hindi masasaktan doon, 'di ba? Umasa kasi ako eh. Oo, kahit hindi mo sabihin direkta na tanga ako at kasalanan ko, alam kong iyon ang ibig mong sabihin.

Oo, I took the risk. Alam mo kung bakit? Kasi sabi ko sa sarili ko, magiging worth it din naman eh so might as well, grab the chance, 'di ba? You were worth the risk. At saka you gave me hope din eh. Pero hindi iyon ang nangyari. Bigla ka na lang sumuko. I thought you can wait me kahit ilang taon pa ang abutin? Pero bakit ganon, paggising ko, bigla ka na lang bumitaw at ako na lang pala ang kumakapit? Biglaan nga lang ba? O matagal na?

Ang dami ko nang planong naiisip para sa ating dalawa pero wala. Hanggang drawing na lang pala 'yon at hindi na makukulayan pa.

Oo nga pala, gusto ko rin sana humingi ng sorry kung pakiramdam mo, wala ako sa tabi mo noong nag-iisa ka at kailangan mo ng karamay. Kung alam mo lang, ginawa ko naman ang lahat eh. Sinubukan kong manatili sa tabi mo pero ikaw na mismo ang tumutulak sa aking papalayo. Sabi mo kasi, ayaw mo ng makulit kaya ayon, hindi na ako nangungulit pa. Sabi mo noon, busy ka kaya hindi ka nakakasagot sa mga chat ko kaya ayon, naisip ko na baka istorbo lang ako sa'yo kaya hindi ba kita kinukulit pang muli. Kung alam mo lang, gustong-gusto ko na araw-araw tayong magkausap pero sa tuwing gagawin ko iyon, naaalala ko lang palagi kung paano mo ako tintulak papalayo kaya ayon, nasanay na ako. Sinanay mo ako na maghintay na lang sa wala.

Kung alam mo lang, tanggap kita kahit sino o ano ka pa at suportado kita sa lahat ng gusto mo. Kaya nga hinayaan kita magpaka-busy, 'di ba? Kasi gusto kong maabot mo muna ang mga pangarap mo. Kahit 'wag mo muna akong isipin. Kaya ko namang maghintay eh. Masaya sana, ano? Pagdating ng taong 2022, kung naging tayo sana, kung hinintay mo sana ako at hindi ka agad sumuko, eh 'di sana, sabay tayong ga-graduate. Balak ko pa namang imbitahin ka sa aking graduation. Naalala mo pa ba noong sinabi mo sa akin na kapag natuloy ka sa UP, at kapag grumaduate ka na, isasabit mo sa akin 'yong sablay mo? Alam mo, ang saya ko noon. Kasi pakiramdam ko, napaka-espesyal ko.

Pero... Gaya nga ng sabi ko, hanggang drawing na lang lahat ng planong iyon. Maaaring mangyari iyon ngunit hindi na ikaw ang taon iyon.

Bago matapos ang liham na ito, gusto kong malaman mo na napatawad kita. Alam ko kapag nagkita tayo ay muli kang hihingi ng tawad sa akin at ngayon pa lang, pinapatawad na kita. Payo rin kasi sa akin ni Mama, para maka-move on ka, dapat wala nang galit sa puso mo. Mahirap kasing magtanim ng sama ng loob. Dapat ngayon pa ang ay tanggap mo na.

Sana sa oras ng ating pagkikita ay kaya ko na. 'Yong tipong wala nang hinanakit at lungkot ba. Wala na rin sanang ilangan. At sana kapag nagkita na tayo, buo na ako. Yung kaya na kitang tanggapin kahit bilang magkaibigan na lang. 'Di ba nga sabi ko sa'yo, kaibigan pa rin kita pero sa ngayon, hindi ko pa maibibigay iyon dahil nasasaktan pa ako. Hindi pa naghihilom 'yong sugat. Time heals all wound, ika nga.

At 'wag ka nang mag-alala, magiging ayos din ako. Ma-oovercome ko rin ang lahat. Ganito naman ako eh. Kapag nasanay na, okay na. At saka, naiiyak ko naman na lahat.

So, paano ba 'yan? Hanggang dito na lang ang aking liham. Basta, ipangako mo sa akin na sa oras na magkita tayo, buo ka na rin. Kaya mo nang maalagaan ang sarili mo. At sana 'yong babaeng darating sa buhay mo, alam kong hindi na ako iyon, matanggap ka niya kahit sino o ano ka pa. Nawa'y mahalin ka niya ng buo at maging masaya ka sa kanya. Pero malay natin, hindi ba? May mga taong ipinaglayo pero sa huli, sila pala ang ipinagtadhana. Mapaglaro ang tadhana.

Basta, kahit anong mangyari ay lagi ka pa rin nasa aking dalangin.

For the first and last time, gusto kong sabihin na mahal kita. Sa pagtagal man ng panahon, mamahalin at mamahalin pa rin kita.

I won't say goodbye because I believe we'll be seeing each other soon, maybe not this year, or next year but soon—in God's perfect time.

I'm letting go of you now. 'Wag ka nang umangal pa. You're free now. Go and find your happiness.

Take care. I love you. Forever and always.

Sincerely yours,
Pau

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon