Author's Note:
Naisulat ko ang tulang ito nung araw na hindi kami nagpapansinan ni Mama. Lahat ng kinikimkim ko ay nilabas ko sa pamamagitan ng paggawa ng tulang ito. At dahil din sa tulang ito, nagkasundo kami ni Mama at namutawi sa aking bibig ang salitang, "Sorry"
So, I dedicate this poem to my Mama. I love you, Mama. ❤
***
Si Mama,
Siyam na buwan na paghihirap,
Ngunit sa isang araw,
Sumilay ang ngiti sa labi ni Mama,
Nang ako'y kanyang isinilang.
Mama,
Hindi mo maipaliwanag ang saya,
Na iyong nadama.
Araw-gabi, hindi ka makatulog,
Sa t'wing maririnig ang aking taghoy,
Hindi ka magkanda-ugaga sa pagpapatahan,
"Anak, nandito lang si Mama." Kasabay no'n ang pagpunas mo ng luha,
Sa aking mga mata.
Napawi ang lahat ng pag-aalala't pag-aalinlangan sa akin.
Sa aking paglaki,
Iyo ay nasaksihan.
Mula sa pagkatuto sa paglalakad,
Sa pagtayo, pagbabasa,
Sa pagsusulat,
Hanggang sa pagbibilang ng mga numero,
At higit sa lahat, sa pagsasalita.
"Ma-ma."
Unang salita na namutawi sa aking bibig.
Ngiti mo sa labi'y aking nasilayan,
Ngiti na nakakahawa at nakakagaan ng loob.
Nasanay akong nandyan ka, Mama.
Bawat araw ika'y aking hanap-hanap.
'Di ko alam kung anong aking gagawin sa tuwing mawawala ka.
Noong ako'y nauwi sa kapahamakan,
Nandyan ka upang ako'y iligtas,
Laking takot ko noon na baka hindi na tayo pa magkasama.
Ngunit sabi mo, "Anak, nandito lang si Mama."
Nang mamutawi iyon sa iyong mga labi,
Lahat ng pag-aalala, pangangamba at kinatatakutan ay naglaho.
At sugat ko'y naglaho at 'di na nadama pa ang sakit.
Nagdaan pa ang mga araw, lumipas ang panahon,
BINABASA MO ANG
Unspoken Words
Poetry- Compilation of my Poems - These are all originally written by me - In english or tagalog - Some are impromptu or on the spot Highest Rank: #17 in Poetry as of August 14, 2017 11:30PM Highest Rank: #12 in Poetry as of October 12, 2017 9:06PM Highes...