CHAPTER 8 : The Comeback

20 1 0
                                    

~Rave~

Dumating ako sa bahay matapos ihatid si shena sa bahay nila

Nakakapagod na araw...

Nakakainis ginawa ko. kahit nakasabay ko sila shena hindi ko naman magawang makipagusap sa kanya dahil kay Cherry

At sakto pa talagang magkalapit lang bahay nila Cherry at Shena eh no?

Gusto ko sya makausap....

Papano kung palaging ganun nalang mangyare? Edi wala din progress sa pakikipagkaibigan ko sa kanya?

I need to do something....

Maybe the next day try ko yayain sya nang kami lang. Inaasahan ko na na hindi papayag yun

Papano naman kaya?

Ay taragis naman wala nga pala silang pasok bukas

Pano yan gusto ko pa naman syang makita...
Gusto ko sya makausap...
Gusto ko magkaroon ng progress samin

sa pagkakaibigan namin..

tsk papano gagawen ko?

Papapuntahin ko kaya sya sa OG para magusap kami...

Teka papano ko naman sya papapuntahin

Sigurado namang hindi papayag yun eh

Isip.... Isip....Isip...
Yes may naisip na ko!

Teka baka matulungan ako ni cherry

Kinuha ko yung phone at kinalikot. Pumunta ako sa messenger. Nagsimula kong tingnan ang mga chat sakin.

Nagchat pala si cherry sakin

"Thanks kanina 😂"

7:30 pagkadating na pagkadating nila kanina pa pla to 8:30 na ngayon

"Welcome sabi ko 😄"

"Cherry Pwede bang favor"

typing....

"Sure... Ano naman?😄"

Sana naman sure talagang papayag sya

"Pwede bang tulungan mo ko isetup si shena?"

Typing...

"Huh? Anung setup? At para san?" reply nya

"Gusto ko yayain sya bukas kumain ng lunch at maguusap lang ganun"

Typing....

"Kasama ako?" Tanong nya

"Hindi , kami lang po. I mean pd mo ba sya lokohin na magkikita kau na important lang sa OG cafe sa bayan kasi pag niyaya ko yun hindi yun papayag..."

Typing...

"Bakit mo naman sya gusto sya makausap?"

"Gusto ko lang makausap sya ng personal"

Typing...

"Ah ganun ba sure ako bahala 😊 👍"

Typing...

"Niyaya mo ba sya ng date kaso ayaw nya? 😆" bintang na tanong nya

"Nope hindi, amft ano kasi.. matagal na kaming nd nagkausap tapos nung nagusap kami biglang ambigat na nang pakikitungo nya sakin hindi ko alam kung ano problema nya sakin kaya gumagawa ako ng paraan ngayon para mabalik yung dati naming friendship"

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon