CHAPTER 22 : Halaga

24 2 0
                                    

~Rave~

Napahinga muna ako ng malalim. Naisip ko kung papano sasabihin kay Shena na aalis na si Tita.

iho alagaan mo si shena...

Naalala ko bigla yung mga sinabi sakin ni tita. Mga mata ng isang inang hirap sabihin sa kanyang anak ang isang seryosong bagay.

Kung ako ang nasa katayuan ni Tita. Mahihirapan din naman ako,
Pati nagaalala rin ako sa maaring maging reaksyon ni Shena.

"Um shena pupunt-"

Nakaramdam ako ng kaba. Napatigil ako nawalan ako ng bwelo. Napaurong ang mga dila ko habang nakatitig sa mga mata ni shena

"Ano?" Tanong ni shena kaya hindi na ko nakapagisip pa at napilitan nlang gumawa ng kwento.

"Thursday ngayon diba december 23, So Christmas Eve na nga pala sa sabado. Pwede bang magcelebrate ng pasko ako sa inyo?"

"Huh!?"

Bigla kong naisip na mas makakabuting hindi muna alam ni Shena para wala syang inaalala sa bisperas ng pasko

"Ininvite kasi ako ng mama mo na sa inyu tayo magcelebrate ng Christmas"

teka bat ko naimbento yun?

"UmayGad!"

Napafacepalm si shena at mukang disappointed na disappointed sa mga narinig nya.

"Anung reaction yan?" Pokerfaced na tanong ko

"Kahit naman ayaw ko wala na ko magagawa kasi sabi mo nga si mama na nagsabi."

"Wow ah napakabait mo palang anak?"

"Inborn yan" napatawa sya bigla

"Um ano rave diba nasa ibang bansa nanay mo?"

Napatahimik ako. Bigla nalang nakadama ng lungkot. Tila may kung anong malamig na simoy ng hangin na dumampi sa mga balat ko.

Magiisang taon na rin na hindi ko nakakasama si mama. Simula nung masira yung pamilya ko dahil sa bwiset kong tatay.

Ang hirap magisa ang hirap ng walang magulang na inuuwian. Kahit aaminin ko malaya ako masyado, nakakaramdam parin ako ng kalungkutan.

Kalungkutan na nagsasabi na lagi na may kulang.

Ang hirap pala kapag magisa ka nalang.
Parati mo nalang maiisip kung ano yung bagay na wala at kung ano man yung kulang na palagi mong hinahanap.

"Rave ok ka lang?" napitlag ako nung masalita si Shena napansin pala nyang napalalim yung iniisip ko

"Shena namimiss ko na si Mama" malungkot na sagot ko

"Magkwento ka nga sa nangyari bago umalis mama mo"

Napansin kung seryoso yung tanong nya. Parang interesado talaga sya. Pinilit ko labanan ang lungkot na nadadama ko at nagsimula na kong magkwento.

"Bago sya umalis puro problema kami daming utang noon ni mama dahil sakin mapagaral lang ako."

Napasimangot ako at nakadama ng inis sa aking sarili.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon