CHAPTER 10 : Ex Girlfriend

33 1 1
                                    

~Rave~

"Uy rave balita?"

Nagchat sakin si cherry

"Successful che!"

Typing...

"Nice one congratulations!"

"Salamat sa tulong"

Typing...

"No problem basta ikaw"

sa tingin ko mukhang mapapalapit na talaga ako kay shena at pati sa mga kaibigan nya. Masaya ako sa mga nangyayare pero may mga tanong parin na tumatakbo sa isip ko.

papano kung mahulog nanaman ako?

ano naman kaya ang gagawin ko? Natatakot na ko kasing magmahal ulit. Natatakot na akong masaktan ulit.

Hindi pa siguro ako handang buksan ang puso ko. Siguro kailangan ko nalang muna hayaan ang mga gusto kong gawin at hayaan na rin kung ano ang mga maaring mangyare.

Pero nakapagtaka lang. Bakit sumasaya ako kapag kasama ko si shena? Namiss ko lang naman sya dahil...

dahil matagal kaming hindi nakapagusap?

Ngayong ok na ano naman na gagawen ko? Pakiramdam ko kung kelan naman ok na yung mga nangyayare saka naman ako nawalan ng plano.

Gusto kong malinawan gusto kong malaman kung ano ba talaga gusto ko at kung ano ba tong nararamdaman ko

Pero papano naman...

**

Papunta ako ngayon canteen kasama ang mga kaibigan ko. Nang biglang sumama sa mga kaibigan ko si annie at si lyka. Ang awkward ng feeling habang nasa harap mo ngayon yung babaeng nagpasaya at nabigay ng sakit sayo.

Tahimik lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin hindi ko alam kung papano makikisali sa kanila. Nakakailang talaga.

Nakamoveon naman na talaga ako pero i feel awkwardness bakit kasi kaklase ko pa sya? Bakit kailangan araw araw magtagpo landas namin? Buti nalang talaga nakasuot sa tenga ko ngayon ang earphone ko habang pinatutugtog ko yung mga kanta ko. At hindi ko naririnig yung nakakailang na boses nya

Kinalabit ako ni Mar kaya Natigilan ako at tingangal yung earphone ko.

"Rave pakuha nga ng Toyo Mansi at sili" utos nya dahil ako ung malapit

"Eto pre"

"Salamat"

"Extra pa ba kayo guys?" Tanong ni Reg samin

"Rave ikaw?".

Sa totoo lang gusto ko magextra kasu pakiramdam ko nawawalan ako ng gana. Bakit ba kasi kailangan pa sumabay samin si annie. I know wala ako karapatan para wag sya pasamahin sa tropa ko kasi tropa na din namin sya magmula nung maging kami.

"No. Busog na ko eh" pagsisinungaling ko

Natapos na akong kumain at tumayo na ako at nagbayad. Binalikan ko yung bag na nasa upuan ko at kinuha ito

"San ka pupunta rave?" Tanong ni Jun

"May pupuntahan lang ako"

Wala naman talaga ako mapupuntahan kasi wala pasok ngayon sila Shena. Pero mas pinili ko nang umalis kasi mas lalo lang ako hindi napapalagay.

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon