CHAPTER 15 : 5 Months Left

9 1 0
                                    

~Rave~

Natapos na yung sembreak. Excited na akong makita ulit si Shena. Namimiss ko na yung masungit na babaeng gusto ko laging kulitin. Simula kasi nung binangungot ako nakita ko yung worth nya.

Alam ko na yung  nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko nang sabihin. Uunti-untiin ko lang muna siguro kasi alam ko namang sariwa padin sa kanya ang sakit magmula nung mamatay ang kanyang ama.

makayanan ko kayang ibsan ang sakit na nadadama nya gamit ang pagibig?

Sabi nila ang pagibig daw pwedeng maging lunas sa kahit anong mang uri ng sakit.

possible nga kaya?

Humarap ako sa salamin. Para akong sira kinausap ang sarili at nagdedicate dito.

"kaya mo yan rave!
Aalisin ko ang nararaman mong sakit shena!"

"Kuya naman ang aga aga ang corny corny mo! Natutulog ako eh!" Inis na sagot ni jeff

"Hoy magayak ka na nga wala ka bang pasok?"

"Mamaya pa akong 8 papasok"

"At kailan pa naging 8 pasok ng mga highschool"

"Sino ba boss?"

"Suntukin kaya kita ng malaman mo kung sinong boss. magayak ka na nga malelate ka nyan!"

**

Papaakyat ako ng hagdan ng makasalubong ko si cherry. Wala syang dalang bag muka atang bibili lang sya sa labas. Wala naman syang kasama na kahit na sino. Napansin ko ring napakulay sya ng brown na buhok.

"Rave oy kamusta sembreak?" Tinanong ako ni cherry

"Ok lang naman"

"Parang irony yung pagkakasabi mo ah iba yung itsura ng mukha mo eh"

"Wala lang malalim lang ang iniisip eh"

Malungkot na sagot ko habang nkatingin sa malayo. Parang may kulang. Parang may gusto akong makita.

Gusto kong makita si shena..

"Si Shena?"

"Wala pa eh baka mamaya pa dadating yun 8 pa naman klase namin"

Iniangat ko yung wrisk ko at tiningnan ko yung relo.

7:40 am

"Kami din 8 pa may 20 mins pa hehe"

"Sige mauna na ko" tumalikod sya at humakbang papababa ng hagdan

"Che anong oras lunch break nyo?"

"1pm pa?"

"Sakto 1 pm din lunch break namin sabay ako mamaya sa inyo nila Shena san ba kayo kakain?"

"Sige sabay ka samin sa 29ners"

"Che anong room nyo before lunch?"

"203"

"Sige sige salamats"

Nagpunta na akong ComLab. Binuksan ko yung maliit na zipper ng bag ko at kinuha yung footrug at sinuot. Pumasok ako at dumeretso kung saan ako parating umuupo.

As usual first day of semester kaya hindi naman maglelesson. Inilagay ko yung earbuds sa tenga ko at nagsimulang patugtugin yung mga favorite songs ko habang naghihitay sa prof.

Napansin kong dumating si annie. Wala naman na ko pake sa kanya kahit mukang araw araw magkikita nanaman kami. Awkward lang siguro kapag malapit ako sa kanya. Ibang iba kung gaano ako kakomportable kapag kasama ko si shena.

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon