CHAPTER 6 : Lunch

35 1 0
                                    

~Rave~

Papunta ako ngayun sa PUP. Nakasakay ako sa jeep katabi ang driver nito.

Napatanaw ako sa malayo ni hindi ko iniinda ang ingay ng paligid at hapdi ng tirik na araw na dumadampi sa aking balat.

Nagpaisip ako kung papano ko ba magagawang ibalik sa dati ang pagkakaibigan namin ni shena.

Muka talagang walang epekto yung pagtetext sa kanya. Gusto ko sya makausap pero hindi ko alam gagawen. Wala rin naman ako maisip na sasabihin.

Grabe naman kasi ang taglay na kasungitan nya. Sa pagkakaalam ko hindi naman sya ganun dati.

nakakamiss din pla sya.

Nalingatan ako nang marinig ko ang kantang ikaw ni yeng na tumutugtog mula sa radyo ng jeep

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw,
Ang iniisip isip ko..

Kinanta ko yun dati kay annie pero ngayon napaisip ako bigla.
Si shena na pla ang madalas na nasa isip ko

Nagugustuhan ko na ba talaga sya?..

Shut up raven hindi naman mahalaga yung nararamdaman mo ang mahalaga masaya ka sa ginagawa mo!

Teka... Papano naman kaya ako makikipagkaibigan sa taong hindi ko naman na masyadong kilala at hindi ko din naman sigurado kung ano ba tong nararamdaman ko

**

Sakto namang nakasalubong ko si jam sa hagdan papaakyat ng corridor. Naisip kong kausapin sya

Malapit na kaibigan sya ni shena nung highschool kami. Isa sya sa mga best of friends ni shena.

Kasi naman kay vincent pakiramdam ko ayaw nya ko tulungan eh sana naman matulungan na ko netong si jam

Sinimulan ko nang makipagusap sa kanya.

"Jam pwede ka bang mabala?"

"Amft baket?"

"Gusto ko magpatulong"

"Saan naman?" Takang tanong nya sakin

"Jam pano ko magiging kaibigan ulit si shena"

"Bakit mo namam gustong makipagkaibigan ulit sa kanya?"

Nakatingin sya na para mangiinis at naghihitay ng sagot. parang bang may binibintang sya sakin na kung ano.

"Wa-wala lang interested lang ako"

"Weh.. Baka may gusto ka sa kanya?"

Nakafacepalm syang nakatingin sakin

"Wala ah gusto ko lang maging kaibigan sya ulit. Kasi pakiramdam ko iniiwasan nya ko ng iniiwasan hindi ko naman ang dahilan"

nais ko lang naman talaga maging kaibigan sya

hanggang dun lang siguro muna..

"Try mo idirect to the point nalang kasi sya"

"Huh?"

Anu naman kayang direct na sinasabi nya? Na may gusto ako sa kanya?

wala naman ah? Wala pa naman...

"Kumilos ka..."

"Anong klaseng kilos" tanong ko

"I mean samahan mo sya lagi kapag may free time ka.. Ipakita mong malinis ang intensyon mo at gusto mo lang talang maging malapit ulit sa kanya"

"Sa tingin mo ayos lang yun?"

"Oo naman"

Hinawakan nya ang balikat ko at nginitian ako

"Eh ... Pa-pano naman yung mga kaibigan nya?" Malungkot na tanong ko

"Edi iclose mo din"

"Nahiya ako baka kung anu isipin nila baka isipin nanliligaw eh hindi naman yun yung intensyon ko."

"Edi makipagkilala ka at makipagclose ka kahit feeling close basta wag lang sobra. mabait naman si shena kaya mabait din tyak mga kaibigan nya"

Parang ginanahan tuloy ako na na gawen yung plano kahit na alam kung nakakahiya kasi hindi ko pa naman nagawa yung bagay na ganun pero susubukan ko parin

"Jam Salamat"

Nginitian ko sya hays may nakapagsabi din sakin ng dapat kong gawen

Kaya ko to!

"Una na ko may klase na kami" sabi nya

Nagtungo na sya sa room nila magsisimula na ata ang susunod nilang klase

Napatingin ako sa oras.

Shit! Late na pala ako ng 30 mins. sa Programming hindi pa naman nagpapasok si sir jay ng late

Dali dali akong nagtungo sa comlab

Hays salamat.. Nandun pa ang mga kaklase ko buti nalang at hindi pa dumadating si sir. Nagkataong may defense daw yung mga third year kaya malelate si sir.

Yes!

**

"Shena!"

Tinawag ko sya at dali dali akong umupo sa kinakainan nila. tatlo lang sila at sakto namang may isang bakanteng upuan.

"Ba-kit? Andito ka?!" Nakasimangot nyang tanong

"Hi ako nga pala si rave"

Nagsimula akong magpakilala at makipagshake hands sa mga kasama nya

"Hindi mo sinsagot tanong ko!"

"Wa-la lang gusto ko lang naman na sumabay sa inyu "

Nginitian ko si shena at kinindatan ito.

"At sino naman nagsabing pwede kang sumabay samin kumain!?"

Hala mukhang galit ata sya pero kailangan kong gawin to kasi wala naman na ko maisip na iba pang paraan para maclose ulit sya

"Masama ba? Sungit?"

Tila napatahimik sya at kinindatan ko sya ulit sinagot naman nya nang nang irap

Nagsimula ako makipagkwentuhan sa mga kasama nya habang tahimik lang si shenang nakatingin sa amin

"Shena kamusta naman midterm nyo?" pinilit ko syang isali sa usapan

Nanlilisik ang mga mata nya para bang may kung anung hindi magandang isasagot sa akin

"Anong pake mo!" Inirapan nya ko at sinubo nya yung pagkaing nasa kutyara nya

Inaasahan ko nang mangyayare to siguro naman kapag palagi ko tong gagawin masasanay na sya at mapapalagay na ang loob nya sakin

lalambot din yang bato mong puso

**

"Bye sabay ako ulit bukas sa inyo!"

Nginitian ko sila at nagsimula akong kumaway

"Wala nang susunod!" Malakas na sagot ni shena

"Meron yan SUNGIT!"

nginititan ko sya at nagtawanan ang mga kaibigan nya

Nakita ko ang inis na mukha nya pero nakita ko din na nakangiti sya medyo namumula pa nga ata habang kinakantyawan ng mga kaibigan nya.

Masaya ako ngayon sa tingin ko may progress na nangyayare sa mga ginagawa ko

kita tayo ulit ms.Sungit...

To be continued...

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon