CHAPTER 20 : NBSB

43 2 0
                                    

~Shena~

Nasa kusina kami ngayon ni nila Rave at ni Mama. Kanina pa umakyat sa taas si Shean matapos kumain dahil manonood daw sya ng The Flash na tinagalog ang series neto sa TV5.

"Tita uwi na po ako salamat po" sabi ni Rave at bigla syang yumuko

"Iho hindi mo na kailangang yumuko pa"

"Kala ko po kasi ako yung Prinsipe at kayo yung magandang Reyna at si Shena naman yung masungit na Prinsesa"

"Magandang Reyna nakakahiya naman iho"

Loko to ah ok na sanang prinsesa nilagyan pa ng masungit!? At talagang tinolerate pa ni mama?

"Bastos na prinsepe kamo! Hindi ginalang ang prinsesa!" Sabi ko

"So ibig sabihin gusto mong maging prinsesa ko na talaga? Ayeeeiii hahaha"

Ang lakas talagang magpasok ng banat ng lalaking to. Naiinis na talaga ako sa kanya. Kapal ng mukha!

Kainis!

"Lolo mo!" Sagot ko habang pokerfaced ang muka ko.

"Nakoh mga anak para parin kayung aso't pusa naalala ko nung bata pa kayo nagpunta si Rave nun sakin umiiyak dahil sinuntok mo Shena" pagsali ni mama sa usapan

"Mah wala naman akong naalalang ganun ah?" Sagot ko

"Oo nga naalala ko yun parang gusto ko lang naman hiramin yung barbie doll mo" sagot ni rave

Barbie doll?

"Ay naalala ko na! Langya ka kasi may sarili ka namang laruan kinukuha mo pa yung akin!" Sagot ko

"Eh sa nagagandahan ako sa barbie doll eh"

Pinipilit kong magpigil ng tawa pero hindi ko talaga mapigilang ngumiti. Yun pala yung reason nya kung bakit inagaw nya yung barbie doll ko.

"Bading ka talaga yuck Rave!"

Tumawa ko ng malakas. Nananakit na ang tyan ko. Naiyak na ko. Para kong nababaliw. Parang batang tinatawanan at binubully ang isang kaibigan.

"Iwan ko muna kayo dyan mga anak ah? magliligpit lang ako sa kusina"

"Sige po tita"

"Ang saya mo ah" patanong na parang sarcastic na sinabi ni rave sakin.

"Naman!"

"Alam mo ba kumbaket?"

"Ano?"

"Kasi--" napangiti sya at tiningnan nya ako. "--kamukha mo yung barbie doll... At  kasing ganda mo pa."

Napansin kong bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong nahihiya sa mga salitang sinabi nya. Nagiinit ako na parang unti unting natutunaw. Nagsimulang manikip ang mga labi ko at nanigas, ni hindi ko magawang magsalita.

kainis ka!

"Hashtag Kilig To The bones Speechless si Sungit!"

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon