CHAPTER 17 : Confession

15 1 0
                                    

~Shena~

Ilang linggo na nung magsimula akong maging loner. Malungkot sa pakiramdam may mga kulang pero kailangan. Ayoko na kasing may dumagdag pa sa nararamdaman ko at maging sagabal pa sa pag-alis ko.

Natapos na ung klase kaya niligpit ko yung gamit ko at lumabas na ng room para umuwi. Bigla akong napatingin sa likod narinig ko nanaman ang boses ni rave.

"Shena"

Nandito nanaman sya.

Bakit ba hindi sya nagsasawa. Halos araw-araw nalang palagi nya ko pinupuntahan para ayain kung saan kahit paulit-ulit ko lang naman syang dinededma at tinatangihan.

"Hindi pwede ..." Inunahan ko na sya bago pa sya magsalita

"Wala pa nga akong sinasabi eh"

"So?"

"May gusto lang naman akong ipakita sayo"

"Wala akong pakialam. Sige aalis na ko"

Bigla nyang hinarangan ako sa daan at hinawakan ang kamay ko. Sa kabilang kamay naman nya ay may hawak sya na binuklat sa harap ko.

Isang photo album..

Wala talaga ako pakialam pero hindi ko naiwasan na mapatingin at napansin ko na ako ang nasa litrato. Magisang kumakain walang kasama at may nakakabit na earbuds.

"Tingnan mo oh mga picture mo to at siguradong madadagdagan pa to" tumawa sya na paang nangaasar

Shit ano bang balak nya!?

"Pwede bang akin na yan! Ng mapunit ko lang!"

"Grabe ka naman alam mo bang nahirapan ako para kumuha ng magandang angulo?"

"Ano namang pake ko!"

"Napakasungit naman..."

"Akin na nga yan!"

Takte hindi porket matangkad la sakin sasamantalahin mo na. Pag naabot ko yun durog yan sa mga kamay ko!

"Ayoko nga..."

Nakakainis nyung mukha nya nakakagigil na talaga. Sobrang inis na ko dumagdag pa yung facial expression nya na parang childish.

Bwiset!

"Kelan mo ba ko tatantanan?"

"Sumama ka mamaya sakin. Punta tayong WalterMart. Pagkatapos nun titigilan na kita"

Sa inis ko wala na talaga akong choice kundi sumama sa kanya. Para tigilan nya na ko at maging tahimik na din ang buhay ko.

**

Nandito na kami sa WalterMart. Kanina pa ko nagpipigil sa kanya. Bilog na bilog na ang kamao ko ay nais ko na talagang sapakin tong lalaking to. Nagtungo sya paakyat sa second floor.

"Teka san ba tayo pupunta!"

"Sumunod ka nalang.." Nakanigiti sya para syang masaya .

pero hindi ako natutuwa

"Huling araw na talaga to na sasama ako sayo. Hinding hindi na to mauulit. At hinding hindi mo na din ako kukulitin araw-araw"

"Nah Nah Nah"

Abay bastos tong kausap ah!
Pinakalma ko nalang muna ang sarili ko walang mangyayare kung maaout of control ako. Nakakainis na talaga sya

Pakyu ka Rave!

**

Pumasok na kami dito ngayon sa World Of Fun. Napansin ko ring wala pang gaanong tao dahil alas tres palang naman ng hapon.

Something Is MeantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon