FYBH : Chapter 14

40 10 1
                                    

Shayne's/Sophie's POV:

"So, Anong gusto mong ipabago dito?" Sabay tingin ko sa kabuuan ng condo niya. "Maayos naman ah?" sabay lipat ng tingin ko sa kanya. Magkatabi kasi kami pero may unting space pa rin kahit papano.

"You look so serious about this? You should first relax, just chill." Sabi niya habang binubuksan yung T.V.

"So, what do you want me to do then? Pag - tripan ko tong condo mo?" Iritable kong sabi sa kanya.

"Hindi naman, edi lugi ako. Hahaha, anyway mas gusto ko lang naman yung mas manly pang tignan. That's all." Tumatawang sabi niya Sabay tayo and then pumunta sa kitchen para kumuha siguro ng pagkain.

White and blue, ang theme ngayon ng condo niya. So, mas maganda sigurong palitan ng grey yung blue. Wala naman kasing masyadong babaguhin, maganda na kasi yung ambiance.

"Grey na lang yung ipalit sa blue. What do you think?" Tanong ko sa kanya nang makitang pabalik na siya galing sa sala.

"It's up to you. Ako ba yung designer?" With his sarcastic tone. Nilapag niya na rin yung mga platitong dala niya kanina pati yung mga baso sabay upo niya sa pwesto niya kanina.

"Argh! You're my client, kaya i need your opinion." Frustrated Kong sabi sa kanya.

"Okay, chill. Kain ka muna, okay lang naman sakin yung grey. Happy now?" Sabay kain niya ng cake.

Tanging irap na lang ang naging tugon ko sa kanya.

"Basta mas manly lang and then new look for my condo. Para ma - amaze ko yung ibang chix." And he smirked.

"Playboy." Sabay irap ko sa kanya, and then kinuha ko na rin yung cake at sumubo ng isang beses sabay lapag ulit. Baka may pampatulog yun at pagsamantalahan pa ako neto.

Grave ka huh? Ginawa mo namang rapist si Fafa Clear!

"Ang taray mo, but it's okay you look hot when you doing that." At andiyan nanaman yung nakakaloko niyang ngiti.

"Pervert! Manyakis!" Sabay usog ko sa kabilang dulo ng sofa.

"Gwapo naman." Sabay halakhak niya.

"Gwapo, ikaw? Asa ka! Mukha ka ngang talampakan!" Sigaw ko pa rin.

Laking gulat ko ng umusog siya palapit sa akin at nilapit niya yung mukha niya sa akin. Agad namang nanlaki yung mga mata ko at halos pigilin ko yung hininga ko.

Sige, pigilin mo hininga mo para mamatay ka.

"Now tell me, Am i not handsome for you?" Titig na titig pa rin siya sa akin.

Naitulak ko naman siya agad at lumayo pa sa kanya. Gago talaga siya!

"Don't do that again, kung gagawin mo ulit yun I'll kick your ass!" I can't look at him kasi ramdam ko na yung pag - iinit ng pisngi ko.

Shit. Am i blushing? At nagba - blush ako because of Clear? I wanna dieee!

"Are you blushing?" Sabay halakhak niya, mamatay ka sana kakatawa.

"I am not." Matapang na tugon ko. Whattheheck is happening on me? Bakit kinakabahan ako?

"If you say so." Kibit balikat na sagot niya.

Matapos nang ilang asaran namin, natapos din yung pag - uusap namin tungkol sa gagawin sa condo niya. Kung gusto niya bang ayusin o ipagiba na lang yung condo niya. Kidding.

Pero matapos naming mag - usap medyo gumaan na rin yung pakiramdam ko sa kanya. Hindi naman pala siya masyadong manyakis kahit papano matino pa rin. Nalaman ko ring tine - train siya sa company nila same with Kent, Jake and Rence siya rin daw kasi mag - papatakbo ng bussiness nila soon.

I felt so tired, siguro dahil na rin na stress ako kay Clear kanina. Ang galing kasing mang - asar pero pikon naman.

After kong mag - shower, nahiga na rin ako. Habang nakahiga ako sa higaan ko, biglaan na lang ang pagtunog ng phone ko kaya kinuha ko ito sa sidetable ko.

Unknown number? Sino kaya ito? Dis - oras ng gabi napatawag pa.

"Hello?" Patanong na sabi ko.

Ilang segundo rin bago sumagot yung nasa kabilang linya.

"Shayne..." I frozed for a while. Sino ba yung tumatawag sa akin niyan? Isang tao lang naman diba? At yun ay si Ive.

"Ive..." Hindi ko ba alam kung maiiyak ako sa tuwa o dahil sa sakit nanaman ng nararamdaman ko.

"Kamusta ka na diyan?"

"Okay lang? Ikaw?"

"Okay lang din, etoh i'm trying my best to win her back." Aray! Sapul na sapol sa puso ah?

Agad naman akong napahawak sa dibdib ko, it still the same masakit pa rin. After one month, masakit pa rin pala.

"Kaya mo yan! Ikaw pa ba! Hahaha." I really try my best para mag - mukhang masaya pero deep inside ang sakit na.

"Thank you. I miss you Shayne. Gabi na diyan diba? You should sleep now."

He missed me. Edi dapat hindi na siya umalis para hindi niya ako ma - miss. Pero ano bang laban ko kay Lory? Mas - priority siya ni Ive kaysa sa akin. I'm just a childhood friend. What do you expect diba? Si Lory girlfriend, ako? Kaibigan lang.

"Okay, i miss you too. Bye."

"Bye, Shayne sleep well." And he hung up.

Nilagay ko na lang ulit yung phone ko sa sidetable and then humiga na. Kailangan tuloy pa rin ang buhay. Kaya ko to! Aja!

Pagkatapos kong kumbinsihin yumg sarili ko na okay lang ako, nakatulog na rin ako dahil na rin siguro sa pagod.

To be continued.
Vote. Comment.

(A/N): Hii! Readerrss! Pa - eksena muna saglit ah? I want to dedicate this chapter to my classmate Mahrgnob. Salamat sayo, pikit!

Fixing Your Broken HeartWhere stories live. Discover now