FYBH : Chapter 17

28 10 0
                                    

Shayne's/Sophie's POV:

"Clear! Your Mom is here!" Mukha namang nagulat siya sa pagsigaw ko kaya agad siyang napatayo.

"Shit." He cursed.

"Anong gagawin ko? Uuwi na ba ako? Huh?" Nagpa - panic na tanong ko. Syet, not now ayoko namang masabihan na isa ako sa mga babae ni Clear ngayon pang suot ko yung T - shirt niya. >_<

"What the fuck?! Just relax, okay? Ako na magbu - bukas ng pinto, umupo ka na lang at kumain ulit." sabi niya sabay punta sa pintuan para buksan yung pintuan.

Wala naman akong nagawa kung hindi sundin yung sinabi niya. Kinuha ko ulit yung kutsara para sumubo ng kanin and then uminom ng tubig.

Okay! Just inhale and exhale, I shouldn't feel any nervous right now besides wala naman akong ginagawang masama.

Yah! Tama! Wala akong ginagawang masama!

Punyemas talaga to si Clear, lalong pinapa - kumplikado ang aking life. >_<

"Ohhh! May babae ka palang kasama." Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko na yung boses ng mama ni Clear.

Bakit ganun? Kahit wala naman akong ginagawang masama, kinakabahan ako?

Agad - agad naman akong tumayo para mag - pakilala sa mommy ni Clear. Ayoko namang maging katulad ni Clear na walang modo. Kidding.

"Hi Ma'am, I'm Shayne De vera." Pagpapakilala ko. Laking gulat ko nang pumunta sa harap ko yung mommy ni Clear and the she hugged me so I hugged her back.

"Hel...loo poo?" Nauutal na nagtatakang tanong ko habang nakayakap pa rin siya sa akin.

Seriously? Ang weird ng mom ni Clear.

"Hii Shayne, right? Dont call me ma'am okay? Just call me Tita Carmela." Sabay hiwalay niya ng yakap sa akin.

"Hehehe, okay po." Naiiilang pa ring tugon ko.

"Are you done introducing yourself with each other?" Tanong naman ni Clear sa amin ni Tita Carmela kaya sabay naming tinaasan ni tita ng kilay si Clear.

"Yeah/ Yes son." Halos magkasabay na tugon namin ni tita Carmela kaya sabay kaming napatingin sa isa't - isa sabay tawa.

"Crazy women. Let sit and eat." Sabi ni Clear sabay upo sa kaninang pwesto niya. Ang bipolar niya -_-.

Umupo na rin kami ni tita Carmela and then kumain.

"So, iha Shayne are you my soon to be daughter - in - law?" Tanong ni tita sa akin sa kalagitnaan ng pagkain namin. Hindi ako na - inform na may pagka reporter si Tita Carmela.

Binalingan ko naman ng tingin si Clear at andiyan nanaman yung nakakalokong ngiti niya. Punyemes siya! Kung hindi dahil sa kanya wala ako sa hot seat ngayon!

"No Tita, I'm not your son's girlfriend actually po designer lang niya ako." Sagot ko agad kay tita, para namang nadismaya si Tita sa naging sagot ko.

"Awwww! Sayang naman I like you for my son. Kaya ikaw Clear ligawan mo na si Shayne baka maunahan ka pa." Muntikan ko ng mabuga lahat ng nakain kong kanin dahil sa sinabi ni Tita Carmela.

"Okay mom. I'll court her if that's what you want." Napabaling naman ang atensiyon ko kay Clear ng sabihin niya yun.

I glared at him he only smirked at me.

Jerk!

"Ayy nakuu tita, may girlfriend po yan si Clear kaya bawal po kami." I lied actually wala naman akong kaalam - alam sa lovelife ni Clear. Ampake ko ba?

"Ganun ba? Sayang i really like you pa naman." And tita Carmela pouted. Ang kyot niya, promise!

"Mom, why are you here? Ano bang sadya mo dito?" Pag - iiba ng usapan ni Clear.

"Ahhh yeah! Muntikan ko ng makalimutan. Your dad want you to visit our new resort in Cavite. That's all, and if you want bring your friends with you especially my soon to be daughter-in-law." Ngiting - ngiting sabi ni tita Carmela.

Honestly! Nakakailang yung 'Daughter-in-law' thingy. Baka maging totoo pa, jusme!

"Okay Mom." Tanging sagot na lang ni Clear.

------------------

Pagkatapos ng breakfast umalis na rin si Tita Carmela kasi may aasikasuhin pa daw sa komapanya, ako naman nag - ready nang umalis. Ayoko na kasi makita pag - mumukha ni Clear.

Nakigamit na rin ako ng banyo niya and then pina - laundry niya din yung damit ko. Ang bait niya noh? Sa sobrang bait niya pwede na siya kunin ni Lord. Hahaha! Dejke.

Paalis na sana ako ng sabihin ni Clear na siya na mag - hahatid sa akin. Hindi na rin ako tumanggi besides hassle mag - commute and he insisted naman daw. Pa - gentleman pa eh noh?

"Where do you live?" Tanong ni Clear habang nagmamaneho.

"Sa Bangtan Subdivision." Sagot ko na lang.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse niya, ang weird nga eh kasi diba usually he always teasing me pero ngayon tahimik siya.

Kinuha ko agad yung phone ko ng maramdaman kong nag - vibrate yun so it means may nag- text.

From Khei:
    Sophie! Starbucks now na! 
   andito na kami ni Lhynne.

Instead of pahinga ang gagawin ko. Tsk. Napangiti na lang rin ako kasi ngayon na lang kami magbobonding ulit dahil busy kami sa kanya - kanya naming work.

Okay, I'm on my way. I replied.

"Smilling? Huh?" Nawala ang atensiyon ko sa cellphone ko ng narinig ko yung tanong ni Clear.

"Ahh. Sa starbucks na lang tayo dumiretso may imi - meet pa kasi ako." Sagot ko habang binabalik ulit yung cellphone ko sa shoulder bag ko.

"Boyfriend mo?" Tanong niya ulit.

"Huh? Nah, just my friends." I answered habang nakatingin sa daan. I cant look at him and it is weird.

"Boy na friend?" Takte! Nakakairita na! Damnn! He's acting like my jealous boyfriend.

"Girl na friend." Sabay tingin ko sa kanya tsaka siya inirapan na ikinatawa niya naman.

"Dammn. You know what? I'm very possesive and territorial especially to the girl that i like." Binalingan niya rin ako ng tingin and he winked.

Tusukin ko mata mo diyan e! Tsk. Aaminin ko kinilig ako! Normal naman ito diba?

"So? Anong connect?" Nasagot ko nalang para pagtakpan yung kilig ko.

To be continued.
Vote. Comment.

(A/N): Hi mga Bess! Eepal muna ako saglit ah? Pasensya na sa Bangtan Street wala ako maisip eh, just imagine na doon nakatira yung BTS! Kyahhh! <3 Harthart.

Fixing Your Broken HeartWhere stories live. Discover now