Chapter 1

2.2K 90 4
                                    

Angel #143 POV

* Hospital

Nakatingen lang si angel #543 at si angel #143 sa pamilya ng namatayan habang iniiyakan yung namatay nilang mahal sa buhay.

Okay it's time to go gary! (Pangalan nung kaluluwa)

Teka lang angel #543 mamaya mo na sunduin yan bigyan mo muna siya ng time hanggang na makasama niya kahit saglit nalang yung pamilya niya!

Angel #143 hanggang kelan ko ba sasabihin sayo? Kailangan sunduin agad yung kaluluwa! Atsaka teka bakit ka ba nandito? Nasan na yung binabantayan mo?!

Ha?? E ano..... nandun sa kabilang kwarto.

Malapit na yung oras niya kaya mag abang ka na dun.

Ee mamaya pa yun atsaka bibigyan ko siya ng konting oras noh para naman makasama niya atsaka makita kahit saglit nalang yung pamilya niya.

Haynako! Ikaw talaga yung pinakapasaway na anghel na kilala ko! Hindi ka marunong sumunod sa angel's handbook!

Angel #543 sinusunod ko naman kaso nakakaawa naman sila konting oras lang naman ipagdadamot pa ba naten?

Haynako bahala ka diyan.

Sila ang mga anghel na tagasundo ng mga kaluluwa ng namatay na tao. Dinadala nila ito sa pintuan ng kahahantungan ng taong iyon. Dalawa lang sa langit o impyerno.

Si angel #143 ang pinakapasaway na anghel pero para sakanya siya ang pinakamabait at pinaka may puso. Hinahayaan niya kasing magstay yung kaluluwa sa mundo kahit konting oras pa para makita pa nito ang pamilya nila.

---------------------------

*Angel's tablet*

Sa angel's tablet nakasulat ang lahat ng susunduin nila. Nakalagay dito lahat ng detalye tungkol sa taong susunduin nila at ihahatid sa kabilang buhay

Okay next location #54 Simon avenue. Teka iba to ah! Infairness hindi ako sa ospital pupunta ngayon....

Lahat na yata ng ospital napuntahan ni angel #143 kakasundo sa mga namamatay.

Oh ayun siya! Matthew Rodriguez. 29. Male.... o ang bata nito aah! Mukhang wala naman siyang sakit?? Teka baka mali tong tablet na to pero imposible naman???

Napatitig ang anghel kay Matthew

infairness ang gwapo niya, matangos ang ilong, maamo ang mukha, matangkad, maputi, may dimples....

Binatukan naman ng anghel ang sarili niya.

Nako tumigil tigil ka angel #143 mamaya maya susunduin mo na siya...... kaso sayang naman ang bata bata niya pa, mukha siyang walang sakit. Teka!

Nanlaki yung mata ng anghel nang umakyat ito ng rooftop ng bahay at pumunta sa dulo ng lugar.

Teka! Tatalon siya?!!!

At tumalon nga ang binata.... dahil nanghihinayang si angel #143 sa lalaki, ginamit niya ang kapangyarihan niya para maligtas ito at hindi matuloy sa pagpapakamatay.

Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang ligtas ito.

Haaaaay! Salamat naman.

Nakatitig siya sa lalaking walang malay sa harap niya pero humihinga pa ito... buhay na buhay

Angel #143!!! ANONG GINAWA MO?!

Biglang sulpot ng kanilang leader na si Ybrahim

Ha??

Bakit mo pinigilan na magpakamatay yung lalaking yan?!!

Ah kasi ano e...

Kasi ano???

Nakakahinayang kasi ang bata niya pa para mamatay???

ANO?!!!! 143 naman!!! Hindi mo ba alam yung kaparusahan kapag lumabag ka sa batas naten?!

Nanlaki naman ang mata ni angel #143 nang maalala niya ang kaparusahan kapag ginamit ng isang anghel ang kapangyarihan niya para iligtas ang isang tao.

100 days???

Hindi ka nagkakamali! 100 days! 100 days kang magsstay dito sa lupa bilang tao!

ANO?!!!! AYOKO! AYOKONG MAGSTAY DITO!

Sana inisip mo yan bago mo niligtas yung lalaking yan. Hindi mo ba naisip ayaw na niya sa buhay niya kaya gusto niyang magpakamatay!

Pero kasi.....

Bigla nalang nakita ni angel #143 na may katawang tao na siya.

Ybrahim!!! Patawarin mo na ko! Hindi na ko uulit! Susunod na ko sa handbook naten pangako! Ayokong maging tao!

Sigaw ni angel #143 pero hindi na niya nakita ulit ang kanilang leader na si ybrahim

-----------------------------------------

Hi readers! Ang lame ba ng simula?? Sorry. Hehe! Pero gusto mo magkaron ng scene yung anghel para malaman naten sino ba siya, anong trabaho niya biglang anghel at pano siya naging tao.

Sino nga ba si matthew na naging dahilan ng pagiging tao ni angel #143??

Sana basahin at suportahan niyo yung story na to. Don't forget to vote and comment. Salamat :)

Ps: why may code number ang angel sa story na to. Madami kasi yung angels so code number lang name nila hahahaha!

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon