Chapter 2

1.3K 69 7
                                    

Angel #143 POV

Nasa harap ngayon ni angel #143 si matthew ang lalaking tumalon sa rooftop ng bahay nito. Wala itong malay pero buhay na buhay naman ito. Salamat kay angel #143.

Ano kayang gagawin ko sayo?! Huhu! Kasi naman ee. San na ko pupunta ngayon??

Pinilit ipasok ni angel #143 ang lalaki sa bahay nito at hinintay tong magising. Nang magising na ito... nakita niya si angel #143 na nakatingen sakanya

nasan ako??!

Nandito ka na sa langit. Welcome to heaven

Seryosong sabi ng anghel.

Mukhang gulat na gulat naman si matthew kasi kaitsura ng bahay niya yung langit.

Sino ka??!!!

Ako ay isang anghel.

Tumayo naman mula sa pagkakahiga sa sofa si matthew at nilibot ang mata.

Bahay ko to!!!

Hahahahahahahahaha!!!!

Anong nakakatawa?!!!

E kasi naniwala kang langit to! Ano ka ba! Ang panget nitong bahay mo para maging langit noh!

Sino ka?!! Bakit ka nandito sa bahay ko?!!

Nakita kitang walang malay sa labas kaya dinala kita dito sa loob ng bahay mo. Bakit ka ba nagpakamatay ha?!! Napaisip naman ang anghel..

Hindi ko pala pwedeng sabihin na nagpakamatay siya,pano kung magtanong siya kung pano siya nabuhay baka mabuko ako at lalong hindi na ko makabalik! HINDI PWEDE!!!!

Joke lang yung nagpakamatay ka. Pero bakit ba wala kang malay sa labas ng bahay mo?!

Sino ka ba?? Bakit ka tanong ng tanong sakin?!

Masungit na tanong nung lalaki.

Aba antipatiko pala to! Tsk looks can be deceiving talaga. Akala ko mabait siyang tao!

Ang pangalan ko ay....

E wala nga pala kong pangalan... anong sasabihin ko??? Teka....

Ay??!!!

Angela.. tama! Ang pangalan ko ay angela.

Bakit ka nandito sa bahay ko?!

E kasi nga wala kang malay. Sinabi ko na di ba??

Umalis ka na! Kundi magpapatawag ako ng pulis!!!

Pulis?? Teka di ba ayun yung mga nanghuhuli sa masasamang tao?! hindi naman ako masamang tao!

Teka bakit mo ko papahuli sa pulis?! Anong ginawa ko sayo?!

Terrespassing ka! Hindi ka dapat nandito sa bahay ko!

Ang hina naman nitong umintindi. Sinabi ko na, na dahil nga wala siyang malay kaya ko nandito. Ganito ba talaga yung mga tao??

Umalis ka na mamaya budol budol gang ka pa e.

Anong budol budol gang?!

At pinagtabuyan na ni matthew si angela (ayan may name na siya! Hahahaha)

Naglakad lakad si angela sa paligid. Wala tong sapatos at nakayapak lang ito.

Ybrahim nasaan ka na po?? Pabalikin niyo na ko! Sorry na!hindi na talaga mauulit

Sabi ni angela habang naglalakad.

Nakaramdam naman siya ng pagkagutom. May nadaan siyang fastfood sa paglalakad at tumitig lang siya dito.

Ano tong nararamdaman ng tiyan ko?? Bakit parang naiinggit ako sa mga taong kumakain??? Ang sakit din ng paa ko marahil kakalakad ko to.

Umupo nalang si angela sa bangketa....

Ganito ba maging tao?? Bakit parang ang hirap hirap naman.

Naiiyak na siya.

Ganito ba ko sa loob ng 100 days? Kailangan ko ng makakain, kailangan ko ng sapatos atsaka matitirhan pero pano? Saan ako kukuha nun??

Naglakad lakad nanaman ulit siya at napadpad si angela sa isang playground. Gabi na at sobrang gutom na gutom na siya kaya nanghihina na siya. Minabuti niyang magpahinga at matulog sa may bench sa playground. Maya maya biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya nagising siya.

Umuulan! Anong gagawin ko???!

Walang masilungan sa playground kaya sobrang basang basa si angela.

Bumalik nalang kaya ako kay matthew?? Tutal siya naman ang dahilan bakit ako naparusahan kahit na kasalanan ko naman huhu!

Bumalik nga siya sa bahay ni matthew at kumatok ng kumatok sa gate pero ni hindi siya pinansin ng lalaki. Hinayaan lang siyang mapagod kumatok at mag doorbell...m. Hanggang sa nawalan na siya ng malay sa harap ng gate ni matthew

---------------------------
Chapter 2 na! Sana subaybayan niyo hanggang dulo :)

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon