Chapter 30

364 38 3
                                    

December 24. (22 days to go)



Ang sarap talaga kapag kapaskuhan damang dama mo ang pagmamahalan, ang tanging wish ko para sakin para sayo, sana magmahalan tayoooooo ngayong paskoooooo~

Tuwang tuwa na pinapakinggan nila angela, matthew at matthias ang mga nangangaroling.


Yehey!!!! -matthias

Binigay naman ni matthew yung envelope sa mga nangangaroling.

Nakakatuwa noh? Tingen ko ang sarap sa feeling magcaroling. Kasi ang saya saya nila oh?-angela

Hindi rin ah!-matthew

Bakit naman?

E kasi nung bata pa ko nangangaroling din kame ng mga kababata ko

Talaga????

Oo naman haha! Usong uso yan noon. Ang favorite pa nga naming kantahin yung feliz na vidad tapos kapag nagsabi yung may ari ng bahay ng patawad, kakanta kame ng "thank you, thank you ang BABARAT NINYO. thank you!!!" Sabay takbo! Hahahahaha

Natatawang kwento ni matthew.

Tapos alam mo ba ang pinaka hindi ko makakalimutan?? Yung nangaroling kame tapos hinabol kame ng aso hahahahahaha! Ayun yata yung pinakamabilis na takbong nagawa ko sa buong buhay ko.

Really daddy???

Yes baby! Takot na takot si daddy nun pati yung mga kaibigan ko but after that sobrang tawa kami ng tawa kasi naalala namin yung mga mukha namin habang hinahabol kame ng aso hahaha!

E ano naman yung pinakamasayang pasko mo?? -angela

Ako?? Hmmm di ko matandaan yung eksaktong nangyari... pero sa pagkakatanda ko 24 din ng gabi, i was looking at a diamond ring. Mukhang engagement ring? And i was so happy. I dont know why. I cannot remember anything.

Ikaw ba?

Ako? Hmm eto. Etong araw na to siguro

Angela smiled at them

Me too! Mommy and daddy! I am very happy today!!!

Masaya din ako

Matthew smiled

Teka it's already 11:30pm. Ano baby hindi ka pa ba inaantok?

No daddy! I want to wait for 12am. For christmas day!!!!

Okay sige. Wait lang ha? Iiwan ko lang kayo saglit ni mommy mo. May gagawin lang ako sa loob ng bahay

Okay daddy :)


Alam mo ba anak bakit sinecelebrate ng mga tao yung pasko?

It's because santa claus is coming??

No.

Then who will come mommy?

Sinecelebrate ng mga tao ang pasko dahil sa pagkabuhay ni Jesus Christ.

Who is Jesus Christ mommy?

Si Jesus Christ ay Diyos na nagkatawang tao.

But why?

Napangiti nalang si angela. Halatang halata kasi sa mukha ni matthias na curious ito.

Kasi makasalanan ang mga tao. At ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. It means lahat ng tao makasalanan at mapupunta sa impyerno

Ha?????? Nakakatakot mommy!!!

Kaya kailangan bumaba ni Jesus Christ sa langit para iligtas tayo sa kasalanan. Napako siya sa krus para tubusin tayo kaya hindi ka dapat matakot.

It means i will not die???

No. Mamamatay parin tayo pero kapag namatay tayo mapupunta tayo sa langit. Pero sa langit hindi na tayo mamamatay.

Pero kailangan naten tanggapin si Jesus Christ sa puso naten bilang Diyos at tagapagligtas naten

Mommy i want to do it. I want to thank Jesus Christ also and wish him a happy birthday!

Okay later magpapray tayo ha? Magtathank you tayo at magsasabi ng happy birthday :)

I want to go to heaven. Maganda ba sa heaven mommy?

Oo naman. Sobrang ganda

How did you know?

Kasi nakita na ni mommy? Haha

It means mommy you already died or are you an angel???

Hahahaha! Bakit mukha bang anghel si mommy ha?

Tumayo si angela at winagayway yung dress niyang white

Yes mommy!!! But you dont have wings!!!

Kasi nakatago haha!

Nag act si matthias na nagulat nagtakip ito ng bibig

I want to see your wings mommy!!!

Hmmm hindi pwede e.

Why???

E kasi bawal ..

Please mommy?????

Patay! Bakit ko ba kasi sinabi na may pakpak ako???? Ang hirap naman kasi maglihim sa bata.

Why baby? Anong inaask mo kay mommy???

Napangiti si angela nang lumabas si matthew

Yes! Tamang tama yung timing ni matthew

Cause i want to see mommy's wings!!!

Ha?? Baby, wala namang pakpak si mommy mo

But mommy said she have! I want to see please??

Nagjojoke lang si mommy baby okay? Mommy is not an angel or a bird para magkawings siya

E matthew? Pano kung anghel nga ako?

Hahaha stop na wifey! Mamaya pati ako mangulit sayo na ipakita mo yang pakpak mo.

Lumapit naman sakanya si matthew at bumulong

Mukha ka naman kasi talagang anghel

Nanlaki ang mga mata ni angela

Natawa naman si matthew sa reaksyon niya

Tara na nga sa loob! Mag 12am na kaya let's start to open our gifts...





















--

Author's Note

1 day to go BER months na naman!!!! Merry Christmas guys!!! Haha super advance lols. Mabilis nalang ang araw  at pasko nanaman.

Thank you sa paghintay ng update. Uunahan ko na kayo, i might not update for a week until 13th September. Magiging sobrang busy ako sa school. Werk werk werk muna haha! But i will try my best to update kahit bago ako matulog ganun.

Please comment and vote. Ano na ba reaksyon niyo sa ganap sa story. Ganun haha! Thank you sa pag support guys <3

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon