Chapter 6

830 77 13
                                    

Matthew's POV

Binilisan ng bata ang pagkain niya. It's unusual dahil picky eater ito at kailangan pang piliting kumain. Pagkatapos nitong kumain bumalik agad ito sa kwarto kung nasaan ang inaakala niyang mommy niya.

Kitang kita ko sa mukha ng anak ko na sobrang saya niya na makita ang inaakala niyang mommy niya. Hindi ko alam pano ko lulusutan tong problema na to. Matagal na kong kinukulit ni matthias tungkol sa mommy niya. Iniiyakan pa nga ako sa videocall dahil gustong gusto niyang makita yung mommy niya but i can't do anything. Wala naman akong mommy na mapapakita sakanya. Wala din naman akong girlfriend. Kaya i have no choice kundi iwasan noon yung mga pagtatanong niya. But now hindi ko na alam. Ano pang magagawa ko e he claimed na mommy niya si angela. Nung nakita ko yung mukha ng anak ko na sobrang saya niya, hindi ko alam pano ko sasabihin na hindi niya mommy yung babaeng nasa harapan niya. I dont want to steal that happiness from him kasi first time ko lang yun nakita sa mukha niya.

You see baby? Mommy is sleeping kaya ssssh okay??

Okay

Mahinang sabi ng bata. Naglaro nalang muna sila ng daddy niya hanggang sa nakatulog na ito.

Pumunta naman si matthew sa kwarto niya at pinagmasdan ang natutulog parin na si angela.

Nagising naman ito matapos ang ilang minuto.

Buti naman at gising ka na.

Sorry nakatulog ako ng mahaba...

Nevermind. Can we talk? Maligo ka muna nasa room mo yung mga damit, hihintayin kita sa garden.

Okay

Naligo naman na si angela at pumunta kaagad sa garden. Nandoon naman si matthew na kanina pa naghihintay.

Pasensya na kung natagalan ako. Anong pag uusapan naten?

aware ka naman siguro na pinagkamalan kang mommy ng anak ko??

Aah. Oo? Bakit inakala niyang ako yung mommy niya? Kamukha ko ba yung mommy niya??

Hindi. Wala akong mommy na pinakilala sakanya kaya he doesnt know ano itsura ng mommy niya. Nagkataon lang na nakita ka niya kaya napagkamalan ka niya.

Aaaah.

Hindi ba sinabi mo na wala kang ibang kilala kung hindi ako?

Oo

Hindi ba wala kang natitirhan??

Oo

Okay. I will let you stay in my house ofcourse you will eat here but i have request.... may kapalit yung pagtira mo dito

Ano yun??

Pretend to be my son's mother.

Ano?? Magpapanggap ako?? Magsisinungaling ako?! Ayoko noh! Masama yun! Lolokohin mo yung batang inosente

Look! My son thinks that you are his mom. Nasabi ko na kanina na ikaw ang mommy niya. Pano ko pa yun mababawi.

Sabihin mo yung totoo. Na nagkakamali siya, hindi ako yung mommy niya. Matthew mas okay na masaktan ka sa katotohanan kesa naman masaya ka nga pero nabubuhay ka naman sa kasinungalingan.

Ha-ha! Wow! What a nice word! Fine! Ayaw mo?! Umalis ka na bukas na bukas din sa pamamahay ko!!! I dont want to see you here any longer!

Aalis nalang ako kesa maging kasabwat mo sa gagawin mong pagsisinungaling. Alam kong bata pa si matthias pero may karapatan siyang mamuhay sa katotohanan. Malungkot man pero isang araw matatanggap niya din lahat.

Wala ka kasing alam! So please SHUT UP!

At nag walk out si matthew.

Napakaarte niya. Simpleng bagay lang kapalit ng pagtira niya dito hindi niya pa magawa?! Tsk! Kung may choice lang ako hindi ako hihingi ng pabor sakanya. Umasa na yung anak ko na makakasama niya yung mommy niya at handa akong magsinungaling makita lang siya na masaya. I never seen my child looks so happy kanina lang and i don't want to ruin that.

--------------------------------------------

Angela's POV

Haaaaaay! San naman kaya ako titira ng 100 days??? Ay 97 days nalang pala. Kasi naman ang hirap hirap ng pinapagawa niya. Hindi ko kayang magsinungaling. Hindi namin kagawin ang magsinungaling... bakit hindi nalang siya magsabi ng totoo kesa magsinungaling?? Tsk tsk mga tao talaga ooh.

Ybrahim!!! Nasaan ka na??? Pabalikin mo na ko diyan parang awa mo na. Hindi na talaga ko magiging pasaway!

Desperadong sinabi ni angela.

-------------------------------------------

Hello!!! Thank you sa mga nagbabasa nitong bago kong story :) dont forget to comment and vote haha!

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon