Chapter 31

451 32 3
                                    

December 25 (12am)

* insert Christmas songs

Okay. Mauuna na ko magbigay ng gift ko. Para sa pinaka pogi kong anak na si matthias

Inabot ni matthew yung gift nya at agad agad naman itong binuksan ng bata

Wooooooow!!! Thank you daddy!!!!

Tuwang tuwa si matthias sa eroplanong may remote control na regalo ng daddy niya, matagal na kasi niya itong gusto. Mayaman sila pero dahil ayaw siya ma.spoiled ni matthew hindi lahat ng gusto ng anak ay binibigay nito.

Welcome anak :) at ito naman ay para sa mommy mo

Binigyan siya ni matthew ng maliit na box

Pagkabukas ni angela, naglalaman ito ng necklace na may angel wings na pendant. Nagtaka naman si angela bakit sa lahat ng pwedeng design ng pendant ay angel wings ang napili ni matthew

Salamat. Ang ganda ganda nito

Ofcourse pina customized ko pa yan para sayo...

Pero pwede ko ba malaman bakit angel wings yung napili mong pendant??

Hmmm wala lang. Too common na kase yung heart na pendant kaya naisip ko na angel wings nalang tutal tuwing tinititigan kita pakiramdam ko may kaharap akong anghel.

Okay :) salamat

Teka isusuot ko sayo

Sinuot naman sakanya ni matthew yung kwintas

Okay ako naman. Unahin ko na ang pinaka pogi kong anak kagaya ng sabi ng daddy mo haha

Thank you mommy

Binigyan ni angela ng medium-sized na teddy bear si matthias.

Sa totoo lang wala akong maisip na regalo sayo anak... ewan ko ba kung bakit kung pwede ko nga lang ibalot yung sarili ko para maging christmas gift mo haha! Pero nakita ko yang teddy bear na yan. Pindutin mo anak yung puso nung bear

Pinindot nga ni matthias yung puso ng teddy bear. Nagsasalita ito ay nakarecord ang boses ni angela "i love you anak ko,mahal na mahal na mahal ka ni mommy"

Tumayo naman bigla ang bata at niyakap ang mommy niya

Pinipigilan naman ni angela ang pagbagsak ng luha niya pero hindi niya napigilan

Tinitigan niya sa mata ang bata

Kahit saan ka man magpunta o kahit lumaki ka na, huwag na huwag mong kalilimutan na mahal kita ha? Mahal ka ni mommy. Sobrang mahal kita....

At niyakap niya ulit ang bata

Haha teka tama na muna ang senti. Ito naman ang para sayo matthew.

Binuksan naman ni matthew ang regalo ni angela. Isa itong malaking frame na may drawing. Si angela na may pakpak ng anghel habang buhat buhat si matthew na parang baby.

Hahahaha ang cute naman nito wifey! Connected dun sa necklace na may pakpak din

Haha actually na.weirduhan nga yung nagddrawing pero kasi para iba naman atsaka wala akong maisip na ibigay sayo dahil meron ka na yata lahat.

I like this. Thank you. Iddisplay ko na to kaagad sa kwarto.



Pagkatapos noon ay kumain sila at nakatulog na si matthew at matthias. Tumambay naman muna si angela sa may pool area



Pssst!

Ay butiki! Nakakagulat ka naman angel 321.

Malalim lang kasi yang iniisip mo kaya ka nagulat. Kanina pa kaya ko nandito pinagmamasdan kita

Wala ka bang trabaho ngayon? Bakit palagi kang nandito samen???

Nakalimutan mo na ba??? Isa ka sa mga trabaho ko ngayon.

Oo nga pala...

Ano bang iniisip mo? Bakit napakalalim???

E ano pa nga ba???

Ano nakapagdesisyon ka na ba???

Hati parin yung utak ko lalo na yung puso ko.

Naiintindihan kita pero paalala lang meron ka nalang 23 days para magdesisyon

Alam ko kaya nga mas ang hirap sa pakiramdam

Pero ano ba mas matimbang ngayon? Babalik ka samin o mananatili ka na dito?

Gusto ko sana manatili dito kaso...

Kaso???

Iniisip ko din ano yung consequence ng pagstay ko dito.

Haaay! Kaya mo yan. Magdasal ka para magkaroon ka ng tamang desisyon. May free will ka naman para mamili kahit anong piliin mo hindi naman pagkakasala yun pero ang tanong paano kapag nandyan na yung consequence?

Bahala na..... siguro kailangan kong maging matapang para harapin yung consequence.

Ikaw ang bahala. Osige na kailangan mo magpahinga




Sobrang late na nakatulog ni angela kakaisip parin sa desisyon niya lalo na at malapit na malapit na ang ika 100 araw niya


--

Sorry kung ang lame nito. Pero eto na malapit naaaaaaa

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon