Chapter 17

947 68 14
                                    

Angela's POV

Late na nakauwi sila angela at matthew. Mga 1am na. Patulog na si angela nang mapansin niyang wala si matthew sa kwarto nila.

Nasaan kaya siya? Madaling araw na

Bumaba si angela at natagpuan niya si matthew na umiinom ng alak at nakaupo sa side ng pool. Nakalublob ang paa nito s tubig.

Hindi ka pa ba matutulog?

Tiningnan lang siya ni matthew

Hindi pa ko inaantok e. Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?

Napansin ko kasing wala ka kaya hinahanap kita.

Ngumiti si matthew

Angela...

Hmm?

Bakit ganyan ka?

Ha? Anong ganito ko?

Bakit ang bait bait mo? Bakit ang gaan gaan mong kausap?

Hindi ko din alam.

Pwede bang samahan mo muna ako?

Oo naman.

Umupo si angela sa tabi niya

Bakit ka umiinom? May problema ka ba?

Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Madalas i feel empty. Parang ang lungkot lungkot ko na di ko naman alam yung dahilan kung bakit. I feel like i want to be with someone na hindi ko maisip kung sino.

Pwede ba kitang matanong?

Oo naman

Bakit mo binalak magpakamatay?

Ako? Actually hindi ko maalala kung bakit. But i felt so depressed that time. Parang sinisisi ko yung sarili ko sa isang bagay pero di ko maaalala kung ano yung bagay na yun. Matanong ko nga, pano mo niligtas yung buhay ko?

Ako?

Pano ko sasabihin sakanya na ginamit ko yung kapangyarihan ko bilang anghel para maligtas siya at kaya ko nandito ngayon kasi naparusahan ako

Haha nevermind! Siguro miracle talaga yun pero salamat. Thank you for saving my life.

Walang anuman pero sana wag mong sayangin yung buhay mo

Hindi na sumagot pa si matthew. Nagpatuloy ito sa pag inom hanggang sa malasing ito. Si angela naman nakaupo lang sa tabi niya nakatingala sa langit




Angela..

Bakit?

Alam mo bang inggit na inggit sila saken kanina?

Lasing na si matthew

Bakit naman?

Kasi ako yung may pinakamagandang date! Haha! Alam mo bang ang ganda ganda mo ha?! Na speechless ako dahil sa itsura mo kanina. Haha! Gustong gusto kitang titigan pero hindi ko magawa! Baka kasi mailang ka saken.

Totoo kaya yung sinasabi niya?

Pwede ba kitang titigan ngayon?

Ha?!

Hinawakan ni matthew yung mukha ni angela at tinitigan ito sa mata.

Alam mo parang pamilyar yang mukha mo sakin. Di ko alam kung bakit. Haist! Ang dami kong hindi ko alam kung bakit. Pero hayaan mo na yun!

Nakikita ko sa mata niya na parang ang lungkot lungkot niya. Tinatago niya ba yung totoo niyang nararamdaman?

Bakit ganun matthew? Bakit ang lungkot lungkot ng mata mo?

Ito? Itong mata na to?! Haha! Malungkot naman talaga to! Buti nga nandito ka. Nababawasan yung lungkot ng mata ko. Alam mo ba proud na proud kong sinabi sakanilang lahat na asawa kita?! Haha! Alam mo bang hindi sila naniniwala?! Kasi babaero daw ako! Mukha ba kong babaero?! Pero hindi naman ako babaero! Kung magmamahal ako sisiguraduhin kong isa lang. Nag iisa lang siya sa puso ko.......... angela??

Bakit?

Pwede ba kitang mahalin?? Huh??

Ano ba yung sinasabi niya? Ganito ba talaga kapag lasing yung mga tao?

Naalala ni angela yung kwento sakanya ng kaibigan niyang anghel na kapag ang tao daw nalalasing, nasasabi nito ang tunay na laman ng puso nito.

Ayaw mo ba? Hindi ba ko kamahal mahal?

Lasing ka na. Matulog ka na. Tara na.

Inakay ni angela si matthew papasok sa kwarto. Bagsak agad to sa kalasingan.

Napatitig si angela sakanya habang mahimbing itong natutulog.

Sana nga pwede mo kong mahalin. Baka sakaling mawala yung lungkot sa mga mata mo pero hindi pwede kasi aalis din ako. Isang araw mawawala nalang parang bula.....



--------------------

Lame update! Sorry haha! Sorry din sa tagal ng update. Busy aketch sa school 😂😂😂

I'm in Love With An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon